FIFTEEN: ♠Daemon's Gang♠

25 2 0
                                    


Carrie's POV

Another boring day na naman para sakin. Bat ba kasi nakakatamad pumasok? Tsk! Kinuha ko muna yung cellphone ko sa pocket ko at ayon may nag text sakin.

From: Viene Panget :)

"Beshyyy! Wait kita sa likod ng building ng Chemistry Lab ha? May sasabihin akong importante. Byeers!"

Ano naman kaya ang sasabihin nya? Sari sari ang pumasok sa isipan ko. Di ko maintindihan. Siguro stressed lang talaga ako these past few days at dumagdag pa talaga yung nangyari samin ni Daemon sa Ferris Wheel. Nang dahil don ay di talaga ako dinalaw ng antok pag uwi ko sa bahay.



Pabaling baling ako sa kama at naghahanap ng magandang pwesto para makatulog pero wa epek talaga. Argh! Nakaka frustrate ah. Pero! Shemay! Ano bang nangyayari sakin? Tsk! I'm so confused.


Nagtungo na ako sa room namin dahil malapit na namang mag time at siguradong makalat na naman yung room namin. Parang dinaanan ng bagyo. Di talaga parang, dinaanan talaga ng bagyo. Bagyong Hambog kong mga classmates tss. Habang papunta ako sa room ay may narinig akong nag uusap.

Because my curiosity kills me. Nag eavesdrop muna ako.

"Sure ka bang dito sya nag aaral?" Sabi nong lalaking nakatalikod sakin at may tattoo sya sa bandang neck? Di ko mawari kung ano eh.


"Yeah! Ayon na rin kay Louiese ay dito RAW sya nag aaral" sagot naman nung nakaharap sakin pero di ko makita yung mukha dahil natatapatan nung kausap nya.

Teka, sino ba yung tinutukoy nila at hinahanap nila? Tsk! Bat ba kasi ako huminto dito eh. Ayan, pinapatay na ako ng Curiosity ko.

"Kaya kailangan natin syang makita at para maunahan natin sila at para madala na natin sya kay Boss"

May mga yabag akong naririnig na papalapit dito kaya nagpapanic ako kung ano ang gagawin ko kaya I fished my headphone na binigay ni Daemon nong nandun kami sa E.K. at sinuot yun para hindi ako mapaghinalaan. Wooh! Kinakabahan ako.


Papalabas na sila kasi nandun sila sa Abandonadong building nag uusap. Malapit lang sa tinatambayan ko. I play dumb para di sila magtaka kung bakit ang isang babaeng katulad ko ay nandun sa lugar na yun.





Whooh! Mabuti na lang at di nila ako pinansin. Parang nagmamadali rin kasi sila eh kaya di na sila ng abalang tingnan ako. Tsaka dapat magmadali ako papunta dun sa building sa likod dahil may sasabihin raw yung bruha kong kaibigan. Yeah right! Kaibigan. Di ko nga akalain na magiging kaibigan ko ang babaeng madaldal na yun no.







Mabuti na lang at wala masyadong estudyante ang nakikita ko. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa dahil may nag text.



From: Viene Panget :)

Hello beshyyyy! :( sorry wag ka na lang pumunta dun sa likoran ng chemistry lab dahil may emergency akong dapat na puntahan sorry talaga.




Tsk! Nagmamadali pa naman akong pumunta rito. Paasa rin tong babaeng to eh. Makabalik na nga sa room.




Tiningnan ko ang relo ko at 10 minutes pa bago mag start yung klase kaya binagalan ko lang ang paglalakad. Di naman ako nagmamadali eh. Tsaka maganda ang panahon ngayon. Tahimik.






May mga iilan ng mga estudyante ang nakita. At pag nakakasalubong ko naman sila ay agad naman silang umiiwas sa daan. Tsk! Anong problema nila? May sakit ba akong nakakahawa? Tss.





 Mafia Heiress [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon