FOURTEEN: Ferris Wheel

35 4 0
                                    


Carrie's POV

Hayy naku! Napakamaiyakin ko talaga pagdating sa mga reminiscing memories. Nahiya pa tuloy ako dahil si Daemon pa ang pumunas ng luha ko. Tsk! Alam kong bubwisitin na naman nya ako pag may pasok . Nag enjoy ako ng sobra sa pagsakay namin sa Carrousel kanina. Parang bumalik talaga ako sa pagkabata.


Yun bang wala akong iniisip na problema. Ang tanging nasa isip lang ay kung pano pumasok sa school mag aral matulog at kumain. Naaalala ko pa nun na pagwalang trabaho sina mama at papa ay pupunta kami sa mga ganitong lugar para magsaya. Close na close ako sa mga magulang ko noon. Pero ngayon I felt strange. Parang di na kasi sila yung magulang na nakilala at nakasama ko. Basta pag gising ko na lang isang araw nag iba na sila.



Tsk! So much for the drama. Di bagay sakin. Napabalik lang ako sa reyalidad ng tumunog ang cellphone ko. Inopen ko at si Vivienne lang pala ang nag text


From: 09*********

Beshyyy! Ano ka ba? Bat di ka nagrereply sakin? Pinuntahan kita sa bahay niyo pero wala ka naman daw dun. Tsaka na meet ko rin yung parents mo. Nakakatakot sila dahil parang nag aaway. Tsk! So much for this.. Ininform lang kita heheh. Pakasaya ka kung nasan ka man. Ayyiee! Bye! Love you mwuaahh! :)


Tsk! Baliw talaga ang babaeng to kahit kailan. She never fails to amuse me in her simple texts and gestures. Napapadalas na talaga ang pagngiti ngiti ko ah. Mabuting impluwensya rin pala yung babaeng yun sakin kahit papano.



Namalayan kong nandito pala kami sa isang barbeque house. Ganon na ba talaga ako ka space out para di mamalayang nandito kami? Psh! Tiningnan ko ang mga binibenta at natakam ako bigla. Nasaan na ba kasi si MASTER Daemon? Don't get me wrong ha? Hinahanap ko lang yun para may manglibre sakin mwahaha!



May naglapag ng pagkain sa harapan ko at wow! Ang sarap naman. Di na ako nagpatumpik tumpik pa at sinunggaban ko na ng kain. Ano bang problema sa tyan ko? Bat ang lakas kong kumain gayong di naman ako tumataba? Tsk! Mabuti na lang nag eexercise ako araw araw at namamaintain ko ang body figure ko.


"Dahan dahan lang Slave, di kita uubusan" pag uumpisa niya sakin. Sinulyapan ko sya at nakita kong umiinom sya ng coke. Nag smirk pa sya sakin at ang kumag ay kumindat pa. Argh! Kainis talaga ang isang to.


Inirapan ko na lang sya dahil wala ako sa mood. Pasalamat sya at libre nya lahat ngayong araw. Psh! Tumatanaw naman ako ng utang na loob kahit papano.


"Bat ka nga pala umiyak kanina?" Tanong nya ulit sakin. Iisnobin ko sana sya peri naisip kong wala naman sigurong problema kung mag share ako sa kanya diba?



"Reminiscing the past" tanging sagot ko na lang. Sinulyapan ko sya at napatango lang naman. Kailangan ko na talagang mag move on sa past na yan at maging kontento sa kung ano mang kaganapan ang nangyayari ngayon.



"Do you miss your parents?" Sa tanong nyang yun ay parang nabilaukan ako. Napahinto ako sa pagkain at napa buntong hininga.



"Yeah" plain kong sagot sa kanya. Di naman pala ganun ka sama ang ugali ng isang to gaya ng iniisip ko. Mukhang okay naman sya pero bipolar din.



Katahimikan. Yan ang namayani ngayon sa aming dalawa. Kahit na maingay ang ibang kumakain rito ay mas nangingibabaw pa rin sa aming dalawa. Awkward nga eh tsk!  Inabala ko lang ang mata ko sa tanawin sa labas. Tiningnan ko ang relo ko at napag alamang mag te ten p.m. na pala. Napadako ang tingin ko sa Ferris Wheel.

Napangiti na lang ako.




Tinapos ko na ang kinakain ko at sinulyapan ko ang kaharap ko. Kanina pa pala ito natapis kumain at abala rin sya sa cellphone nya. Di ko namalayang napatitig na pala ako sa kanya. He has this black orbs, thin lips at perfect shape of jaw. He's personality screams Danger. Nung una rin ay kinabahan ako sa unang pagkikita at paghaharap namin eh.




Di ko talaga makakalimutan yun. First day of school. First day of Hell. Pero ngayon, I'm find of him. Di na ako takot sa kanta dahil mas nangingibabaw ang pagka bwisit. Tsk!



"Let's go" napakislot naman ako ng konti dahil sa kanya. Manggulat pa naman tss. Tumayo na lang ako at  sumunod sa kanya. Ang saya talaga ng mundo. Kung sana walang mga demonyo na sumusunod sa buhay ko.




Nakahawak na naman sya sa braso ko. Konti na lang ma iisip ko na na may gusto to sakin ang asungot na to. Tsk! Kada lakad talaga kailangan hawak yung braso ko?




"Hey! MASTER pwede namanf bitawan yung braso ko diba?" Pahayag ko sa kanya. Aba tiningnan lang ako ng mokong na to.





"Bakit? Ayaw mo bang hawakan ko? Swerte mo nga ako nag insist eh" at nag smirk na naman sya. Tss. Conceited talaga ng taong to. Ang lakas ng bilib sa sarili.




"Wow ha? Kahit ikaw na lang ang matirang lalaki sa mundobay hinding hindi ako papatol sayo no!" I shrieked! Tsk! Kala nya ah. Nakakabanas. Pilit kong tinatanggal yung kamay ko pero hinihigpitan nya rin. Argh! Sarap sapakin.





"Wag ka ng oa dyan. Baka mawala ka dito tss" at inirapan ako uyy bading ba to at nagmumukha lang lalaki? Psh! Natatawa ako sa iniisip ko.





Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang makaabot kami sa Ferris Wheel? Waah! I'm so excited!



Binigay na namin yung ticket namin at pumasok na kami sa loob. Waah! Kinakabahan ako na masaya and at the same time ay na eexcite. Tamang tama at kami na lang ang kulang para umandar na ang ferris wheel na to.



Unti unti ng pumapaitaas ang ferris wheel at mahina pa sya. Kitang kita ko talaga dito ang buong lugar. Napakaraming lights at ang gaganda tingnan. Nakakawala talaga ng stress. Dinadama ko ang simoy ng hangin. Napakislot pa ako ng hawakan ako ni Daemon. He look tense? O guni guni ko lang yun. Hayaan na nga sya dyan.


"Slave" malumanay na tawag nya sakin at hindi ako sanay dun. Kinikulabutan ako eh. Mas gustobko pa ang bad boy attitude nya.

Tiningnan ko lang sya at may kinuha sya sa bulsa nya. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nalilito ako. Ano ba ang dapat kong gawin? Dapat ireact? Hindi ko talaga alam. Parang napako ako sa kinauupuan ko dito sa loob. Di ko na nga namamalayan na palakas na palakas na pala ang ikot nito. Nakalimutan ko rin ang mga sigaw ng mga kasamahan namin dito. Dahil tangung tibik ng puso ko lang ang naririnig ko. At nakakabingi yun.



Nilagay nya saking leeg yung kwintas na kinuha nya sa bulsa nya. Anong pinapahiwatig nya? Nakakunot ang noi kong tumingin sa kanya at sya poker face lang. Di ko talaga mabasa ang ugali ng isang to. Napaka bipolar. Huminga sya ng malalim bago magsimulang magsalita.





"Makinig kang mabuti dahil ngayon ko lang to sasabihin" napabuntong hininga ulit sya at ako naman ay speechless lang. Ang awkward lang.



"I will protect you no matter what Carrie Lockheart. My Prime and I'm your Deux. Wag ka ng magtanong na kung ano man at makuntento ka na muna satin ngayon" Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan iyon.



"I love you. My Prime" at hinalikan ang mga labi ko. Di pa totally nag sink in sa utak ko yung ginawa nya.


Para akong nabato sa kinauupuan namin ngayon. Kinagat nya yung labi ko at wrong move dahil naging dahilan iyon para lalong sakupin ang labi ko. Sinabayan ko na sya at niyakap nya ako.




"Remember what I told you earlier My Prime" at hinalikan ako sa noo.





I'm totally speechless.



 Mafia Heiress [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon