FIVE: ♠ Back To School ♠

48 4 0
                                    

Carrie's POV

Mafia?! Bakit naman ako hahabulin non? Wala naman akong nakalaban ah? Urgh! It's so frustrating. Nandito ako sa kama ko at nagresearch tungkol sa mafia chuchu na yan. Ang tagal ko ng nakababad dito sa laptop ko pero di ko pa rin nakikita yung hinahanap ko.

Switch off ko na sana yung laptop ng may nahagip ang mata ko na parang simbolo na kapareha dun sa mga goons na balak pumatay sakin. Skull na may nakapalibot na ahas at may rose. Wow ang ganda ng tattoo ah pero nakakatakot yung boss dito. Wala naman akong nakabangga sa kanila diba?

Kinlick ko yung symbol at bumungad sakin ang pangalan ng organisasyon. Inferno Mafia? Nakakatakot naman ang pangalan ng organisasyon na to. Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nakapasok sa site nato? Well may inbensyon kasi ako na bug101 mahigit isang taon rin ng matapos ko to. Marami na akong nahack na site at hinding hindi pa ako nahuhuli. Tamga siguro yung mga tao dun o sadyang matalino lang ako? O well kahit saan naman banda ay ako pa rin ang panalo.

  Pero seriously?! Inferno Mafia ang tumutugis sakin? Pero bakit? Madaming katanungan ang bumabagabag sa katauhan ko. Sino ba talaga ako? Kasali ba ang mga magulang ko sa ganyang organisasyon?! Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa sa mga info. nila. Wala naman akong nakuhang kahit ano kaya pinatay ko na lang yung laptop ko.

Nag iisip ako ng malalim ng may ideyang pumapasok sa isipan ko. No it can't be! Litanya ko sa isipan ko. Hindi naman siguro sila ganun diba?! Urgh! Wala naman akong sapat na ebidensya para pagbintangan sila eh pero urgh! Bwisit.

  Makatulog na nga. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip ng kahit ano eh.

---------- KINABUKASAN

Monday na ngayon at nakakayamad na week na naman. Hayy. Sino ba kasing nag imbento ng aral aral chuchu na ito. Tsk. Sabihin nyo nga ng makutusan ko psh.! Nakulangan pa ako sa pahinga ko eh. Pero pag nandito naman ako sa bahay namin nababagot ako. Kung sa school din naman ako eh nababagot rin ako ay ewan. Nakakalito.

Pumunta na ako sa banyo at ginawa ang morning rituals ko. Nagsuklay na ako ng buhok at nagpolbo. Tapos na ako. Walang ibang ka ek ekan. Ang kati kaya sa mukha ng make up na yan. Ewan ko ba kung bakit gustong gusto ng ibang babae ng ganyan. Tatalino ba sila pag may ganyan sila? Psh!.

Bumaba na ako at kumuha ng sandwich. Wala ako sa mood kumain ng agahan. Ang lonely na nga ng bahay ang lonely ko pang kumain. Ano na lang kalabasan? Tsk! Nagbaon na lang ako.

Maaga kasing umalis sina mama at papa. Di na nga kasi nagkakabonding eh. Ewan ko ba dyan sa kanila laging busy.

Noon naman hindi sila ganyan eh. Siguro ampon lang ako kaya ganyan sila sakin. Tsk! Ang drama ko na. Di bagay sakin. Sumakay na ako sa kotse namin at dun ko na sa loob kinain yung sandwich. Bumaba na ako sa kanto dahil nandito na ako. Ang aga ko pala dahil parang ako lang mag isa ang naglalakad dito eh. Nilagay ko lang yung headphone ko at pinakinggan ang kanta ng T-ARA  yung day by day nila. Try nyo rin maganda yun.  Habang Sumasabay ako sa kanta ay may humablot ng kamay ko.

Ke aga aga may nambubwisit na naman sakin? Urgh! Nananahimik na nga lang ako eh sila na ang lumalapit. Urgh! Ang bantot naman ng lalaking to. Addict siguro to dahil napakaraming tattoo sa katawan nya. Nahagip ng mata ko ang simbolo sa wrist nya. Urgh! Pati ba naman dito? Inferno Mafia rin?

Naglabas na sya ng katana at tinapon sa akin. Mabuti na lang at nailagan ko ito kaya sinipa ko sya sa tyan nya. Mabilis naman syang nakatayo kaya naging alerto rin ako. Nararamdaman kong may paparating sakin kaya nag duck ako para mailagan ito. Wala akong kahit anong dala ngayon kaya dehado ako. Kung fist to fiat combat lang ang labanan ay may puruhan pa akong manalo pero kung may dala syang patalim. Ibang usapan na yun. Depende na lang kung makachamba ako. Sinipa nya ako sa tagikiran kaya napatumba ako. Di ko inasahan yung ginawa nya napasalampak ako pero nakabawi naman agad ako kaya binigyan ko sya uppercut at butterfly kick. Napasalampak sa lupa si kuya kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya. Kinwelyuhan ko sya at sinuntok sa mukha.

Anong kailangan nyo sakin? Nagtitimping tanong ko sa kanya. Tumawa lang ang loko kaya sinuntok ko ulit sya. Napadura naman sya ng dugo kaya. Inulit ko pa. Parang bihasa ako sa ganitong labanan. Ewan ko kung anong nangyayari sa sarili ko.

  Who sent you here?! May diin ang bawat salita ko sa kanya. Kahit san ka pa magtago ay mahahanap at mahahanap ka nya. Sagot nya sakin. Ang layo ng sinagot ni kuya sakin ah. Pero sino ba kasi ang tao sa likod ng Mafia na yun?

Sinuntok ko ng maraming beses si kuya. Pinabayaan ko na sya don at mabuti na lang na wala pa talagang tao ang dumaraan dun. Tago rin kasi ang eskiniyang ito eh. Pinagpagan ko ang damit ko at hinugasan ang kamay ko na may bahid ng dugo. Naglakad ako papuntang school parang walang nangyari.

----------

Someone's POV

Di mo pwedwng maangkin sakin ang organisasyong pinaghirapan ko. Magkamatayan muna tayo bago mo to makuha sakin.

Puno ng galit ang kanyang mga mata. Iisa lang naman ang gusto nyang mangyari. Ang mamatay sya.

----------

Mabuti naman at hindi ako late pumasok. Nasanay na ako sa mga gunggong kong mga kaklase. Kahit ano naman kasi ang ginagawa nila para lang mapaalis ako dito pero wa epek pa rin. Natitiis ko na rin yung mga ugali nila. Nandito ako sa chair ko at nakasalampak ang headphone ko. Tahimik naman ang pag upo ko ng may lumapastangan sa headphone ko. Urgh! Sinira nya ang headphone ko.

  Nakarinig ako ng mga pagtawa. Himala dahil tahimik lang ngayon si Daemon-yo. Sinapian siguro ng mabuting ispirito. Timpi lang Carrie. Litanya ko sa aking isipan. Pupulutin ko na sana yung headphone ko ng may sumipa nito.

  Inangat ko ang ulo ko at nakita kong nakangisi si Lloyd. Isang bully dito sa school at section namin. Walang sinasanto kahit babae ay pinapatulan nya. Nakasmirk sya sakin habang nang aasar. Bwisit!

Uyy ! Galit ka na nyan? Nang uuyam na tanong nya sakin at tumawa na naman sila. May sumigaw pa na fight! Fight! Fight! At itong ugik na to ay nasisiyahan pa. Hindi na ba tatahimik ang buhay ko? Kahit saan nga ako magpunta ay lapitin ako ng gulo.

Susuntukin na nya  sana ako ng pinihit ko ang kamay nya patalikod. Sumisigaw sya pero parang wala akong naririnig. Parang nasisiyahan ako sa ginagawa ko ngayon. Parang nag iba rin ang kulay ng mata ko. Di ko makontrol ang sarili ko at sinuntok ko sya ng malakas. Bumakat ang sarili nya sa pader. Di makapaniwala ang mga kaklase ko at nanlaji ang kanilang mata. Ang kaninang maingay ay biglang tumahimik. Parang dinaanan ng anghel . Unti unti tumayo si Lloyd pero di ko sya hinayaang tumayo. Sinugod ko sya at inambahan ng uppercut. Ayon tulog. Buti nga sa kanya. Di man lang ako napuruhan sa labanan namin.

  Nabalik lang ako sa reyalidad nf may sumigay sa buo kong pangalan. CARRIE LOCKHEART! AT DETENTION NOW!

  Urgh! Detention na naman? Di ba sila nagsasawa sakin din? Iexpel na lang kaya siguro nila ako? Tsk! Pinulot ko ang headphone ko at dali daling pumunta sa detention room. Bwisit na araw to ngayon!

 Mafia Heiress [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon