THIRTEEN: ♠Enchanted Kingdom♠ (Rides)

19 3 0
                                    


  Vote and Comments kayo kung na appreciate nyo yung story ko. Pakibasa rin ng ibang story ko if you want.

   ~PLUG STORIES BY AUTHOR~
Enchanted Academy: Her Life Continues -Fantasy
Virgo The Sexy Gangster- Action
Married To A Playboy- Romance

     Thankieesss po!

P.S. Gawa gawa ko lang po yung mga eksena dito sa Enchanted Kingdom dahil di pa naman ako nakapunta roon. :)

----------

Carrie's POV

Iwinaksi ko na sa aking isipan yung sulat na nabasa ko at pinagpatuloy na ang pagkain. Tiningnan ko naman si Daemon at nasa labas yung tingin nya. Sinundan ko kung saan sya nakafocus at nakita ko ang isang babaeng maganda kasama ang isang lalaki. Siguro Ex to ni Daemon at di pa sya nakakamove on kaya ganon. Tsk! Sakit lang talaga sa ulo ang love na yan.



Maya maya ay tapos na ko at pinunasan ko na yung bibig ko. Hayy, ang sarap talaga sa feeling pag busog ka. Lalong lalo na pag libre pa talaga. Sana araw araw kong kasama ang asungot na to para araw araw ay libre nya mwahaha. Di ko mapigilan ang ngiti sa labi ko at nakita kong nakatingin sakin si Daemon at nakakunot ang noo kaya inirapan ko na lamang sya.



"Halika na nga" sabi nya sakin sabay hawak sa braso ko. Tiningnan ko naman yung kamay nyang nakahawak sa braso ko at sabay tingin sa kanya. Nagdududa na talaga ako sa lalaking to ah. Kanina pa sya hawak ng hawak sa braso ko. Siguro bet nua kaya gusto nyang hawakan. Tsk!



Sumunod na lang din naman ako sa kanya dahil sya kasama ko ngayon syempre. Di ko muna iisipin yung mga problemang dumarating sakin. Ifocus ko dapat ang atensyon ko sa ngayon at kailangan kong magsaya para makalimot. Dinala kami ng paa namin sa nagbebenta ng ticket. Kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko ng may nagbigay sakin ng ticket.




Tiningnan ko naman kung sino to at di na ako nagtaka kung si Daemon man ito. Tiningnan ko rin yung ticket at laking saya ko naman dahil all rides yung sasakyan namin. Blessing in disguise rin pala ang lalaking to dahil wala akong nagastos kahit na 25 cents ngayon dito sa Enchanted Kingdom.





Hinila ko na sya dahil excited na akong sumakay ng rides. Ngayon na lang kasi ako naka balik dito.


"W-wait! Uyy! Teka lang" pagpoprotesta nya. Kinunutan ko naman sya ng noo.




"Bakit ba?" Tanong ko habang naiinip. Tsk! Excited na nga ako eh pinutol pa nya.




"San ba tayo unang sasakay?" Tanong nya habang tumitingin sa mga rides dito. Parang first tume nya dito base sa nakikita ko sa kanya.




"Doon oh" at tinuro ko sa kanya yung horror house. Kumunot naman ang noo nya at para bang di makapaniwala sa tinuro ko.




"Bakit may angal ka?" Tanong ko sa kanya habang naka taas ang kanang kilay ko. Nakakabad trip eh.



Napabuntong hininga muna sya bago sumagot. "Di ba pwedeng ako yung mamili dahil aki ang nanglibre sayo?" Suhestyon nya pero inirapan ko lang sya. Nakakulo ng dugo eh.




"Eh sino bang nagsabi na ilibre mo ako? Tsk! Kabanas!" Nasabi ko na lang at nag walk out ako. Argh! Excited na nga yung tao eh paasahin ba naman.



Habang papunta ako sa horror house ay may pumulupot sa braso ko. Di ko na kailangang manghula dahil alam ko na kung sino to. Sa amoy pa lang nya.



"Sorry na. Okay dun na tayo sasakay" sabi nya habang nakangiti. Tsk! Ang moody ng lalaking to. At nanlaki pa ang mata ko ng napagtanto ko ang unang sinabi nya.


"Bakit?" Naguguluhang tanong nya sakin. At di ko na napigilan dahil humagalpak na ako ng tawa.


"Hahaha! Nag s-sorry ka! Hahaha" patuloy pa rin ako sa pagtawa at sya naman ay napa 'tss' lang. Tumigil na rin naman ako dahil baka mabadtrip pa ang isang to.



Hinila ko na sya sa horror house at pumila na. Pinakita namin yung ticket namin at pinapasok na kami sa sasakyan. Nasa may gitna kami pumwesto. Ilang minuto na lang ay magsisimula ng umandar ito. Kampante lang akong naupo rito dahil two seater lang naman ito. Nasa may kanan ako habang sya ay sa kaliwa.




Di ko mapigilang mapasigaw dahil may humawak sa kamay ko. Waah! Nakakatakot naman yung itsura nila dahil parang totoo talaga eh. At yung ilaw naman ay parang sa horror movies talaga. Malakas rin ang sigaw ng mga tao rito at may umiiyak pa na bata.




Pagkatapos naming sumakay sa horror house ay napahagalpak na naman ako ng tawa. Eh sino ba namang hindi kung itong kasama ko ay pinagsusuntik lang naman yung mga tauhan sa horror house.



"Tss" yan lang yung nasagot nya at tumatawa pa rin ako. Di ko kasi mapigilan eh.


"Hahaha! Sino ba naman kasing nagsabi saying suntukin mo sila? Horror house nga diba kaya ayon" tsk! Katwiran ko sa kanya. Tiningnan nya lang ako ng seryoso at napalunok naman ako. Waah!




"Di ko napigilan kasi nung sumigaw ka kaya ayon, nasuntok ko yung humawak sayo" sabi nya while looking directly to my eyes at napalunok na naman ako ulit. Argh! Kailangan ko na talagang mgpatingin sa doctor dahil irregular na ang heartbeat ko.


"H-hali ka na nga" sabay hila ko sa kanya. Shet! Why stummering Carrie? Napaghahalataan ka eh.



Nagpadala lang naman sya at ang sunod naming sasakyan ay ang carrousel.





----------

Someone's POV

Magsaya ka na ngayon Carrie Lockheart habang may oras ka pa dahil alam kong kumikilos na sila para tapusin na ang buhay mo. Dahil sa oras na malamab mo ang totoo ay di muna mararanasan ang maging ganyan.




----------

Carrie's POV

Nandito na kami sa pila para sa carrousel. Gladly dahil wala akong narinig na reklamo sa lalaking kasama ko. Tiningnan ko naman sya at nginitian nya lang ako. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Kaya ako na ang unang  umiwas sa titig nya.



As usual ay pinakita namin sa nagbabantay rito sa carrousel yung ticket namin at pumasok na. Pumwesto ako sa black horse dahil may ibat ibang kulay kasi ang mga kabayo dito. Unique kung baga. Sya naman ay katabi ko at white horse naman sa kanya. Parang baliktad yung napili naming kabayo dahil di ayon sa persinality namin yung napili naming sasakyan.


Pero hayaan na nga.



Nagsimula ng umandar yung carrousel at ang saya ko lang. Para akong bumalik sa pagkabata. Tinitingnan ko rin yung mga bata ngayon at masaya ako sa kanila and at the same time ay naiingit. Kasama kasi nila yung pamilya nila samantalang ako ay hindi. Di ko namalayang tumulo na pala yung luha ko at di ko inasahang sya ang magpuounas nito.


Si Daemon.




 Mafia Heiress [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon