THREE: ♠ Mysterious Man ♠

50 4 0
                                    


Third Person's POV

Nakahiga lamang si Carrie sa isang queen size bed habang paunti unti na humihilom ang mga sugat nya. Mahigit pitong oras rin syang natulog. Nakaupo lamang sa di kalayuan ang isang lalaki na tumulong sa kanya. May kausap sya sa cellphone nya kanina kanina lang ang nareport na nya ang nangyari sa dalaga. Napailing na lang ang lalaki sa reaksyon ng kausap nya. Sino ba naman ang hindi kung malaman nyang ganyan ang nangyari.

Lumapit ang lalaki sa hinigaan ng dalaga at pinagmasdan itong maigi.

Para ka pa ring anghel kung matulog Rie-Rie. Di ka pa rin nagbabago. Maamo pa rin ang mukha mo. Kausap nya sa dalaga kahit na ito'y tulog. Hinaplos nya ang mukha ng dalaga at ng maramdaman nyang naalimpungatan ito ay lumayo sya kaonti.

Carrie's POV

Naramdaman ko na parang may humahaplos sa mukha ko. Pinakiramdaman ko ang kabuuan ko at masakit pa rin talaga ang katawan ko. Minulat ko na ang mata ko at nanlaki ang mata ko ng napagtanto ko na hindi ito ang kwarto ko. Pinilit kong inaalala ang nangyari pagkatapos ng sandaling yun. Iniwan na nila ako dun at may nagtanggal sa piring at tali ko sa kamay at paa. Binuhat nya ako at yun lang ang naalala ko.

May nakita akong silhouette sa may veranda at abot abot ang kaba na aking nararamdaman ko. Malay ko ba kung masamang tao rin itong taong kumuha sakin. Baka balak akong patayin sa mga oras na ito at hinintay lang na gising ako. Kahit na sobrang kabog ng dibdib ko ay pinilit kong lakasan ang loob ko.

Who are you? Lakas loob na tanong ko sa aninong yun. Naghintau ako ng ilang segundo pero di pa rin nya ako sinagot. Akmang tatayo na sana ako ng naglakad patungo sakin ang aninong yun. Di ko maaninag ang mukha nya dahil di ito nasisinagan ng ilaw. Mukha naman siyang hindi kidnapper sa porma nya. Pero di pa rin ako dapat makampante kahit ganyan ang ayos nya. Ika nga nila. 'Looks can be deceiving'.

Gising ka na pala. Malamig na turan nya sakin. Nakakatakot ang way nang pagtanong nya sakin. It gives me shiver at stammer. Wala sa loob na tumango ako.

Who are you at bakit mo ko tinulungan?

Lakas na loob na tanong ko sa kanya. Nakatayo pa rin sya sa di kalayuan sa pwesto ko. Iginala ko ang mata ko sa loob ng kwarto kung saan ako nakahiga at maaninag mo rito na mayaman talaga ang nakatira. May chandelier sa gitna at mga maliit na chandelier na nakapalibot dito. Pero hindi ito naka switch on. May malaking picture frame rin na nakasabit dito pero di ko maaninag ang mga mukha. Looks like a family picture.

Ako? I'm death. Sa paraan ng pagsagot nya ay parang nanginig ang kalamnan ko. Nakakatakot talaga the way sya magsalita. Mararamdaman mo talaga na makapangyarihang tao ang kausap mo. His voice is full of authority.

Di pa panahon para malaman mo kung sino ako. Dagdag pa nya. Nanahimik na lang ako dahil kahit ibuka ko pa ang bibig ko ay wala namang lumalabas na salita dito. Para akong tuod dito na nakaupo sa kama. Lumabas sya ng kwarto at parang nakahinga ako ng maluwag. Ang bigat ng pakiramdam ko at parang hindi ko nafeel ang sakit ng katawan ko.

Maya maya ay pumasok ulit sya at may dalang tray. Pagkain pala ang laman non at may gamot pa. Iniabot nya sakin ito at kahit na nanginginig pa ako ay tinanggap ko naman yun.

Ubusin mo lahat yan at uminom ka na rin ng gamot para mawala ng paunti unti ang sakit ng katawan mo.

 Mafia Heiress [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon