TWELVE: ♠Enchanted Kingdom♠

29 4 0
                                    


Carrie's POV

It's been 3 years since nandito ako sa Enchanted Kingdom. Nakakamiss rin pala ang mga panahong yun. Napabuntong hininga na lang ako habang sinasariwa ang nakaraan. Nandito pa ako sa labas na E.K. di ko pa feel pumasok eh. Tinitingnan ko muna yung mga taong papasok at palabas sa E.K.

May mga couple na naglalambingan kahit saan. May mga estudyante na siguro nagcucutting at may magpapamilya. Nakakainggit dahil magkakasama sila ngayon dito habang ako *sigh* mag isa lang. Papasok na ako sa loob ng may nakabangga akong tao. Di ko sya namukhaan dahil naka kalo sya na itim.

"Sorry" yan lang ang sinabi nya at agaran namang umalis. One word to describe him. Weird. Kaya nagpatuloy na lang ako sa pagpasok sa loob. Stress reliever ko rin kasi ang mga ganitong lugar. Kahit na maingay ay masaya namang tingnan. Naglilibot muna ako bago ako bibili ng ticket.

Nakakita ako ng pizza house dito kaya pumunta ako roon. Habang naglalakad ako papunta roon ay may humigit sa kamay ko. Susuntukin ko na sana ng mapagtanto kong si Daemon lang pala to. Tsk! Yung MASTER ko lang pala. Note the sarcasm.

Binigyan ko sya ng death glare at ang MASTER ko kuno ay nag smirk lang sakin. Tsk! Jerk talaga. Hindi na lang ako nakipag argumento sa kanya dahil tinatamad ako at nagugutom pa ako. Bago ako magsimulang maglakad ay hinigit ko ang kamay ko sa kanya pero sadyang malakas sya at hinigpitan pa ang hawak. Tsk! May kamay naman sya, bat di yun yung hawakan nya? Bat kamay ko pa? Tsk!

Hinayaan ko na lang dahil sobrang nagugutom na rin naman ako. Kayo kaya di makakain kanina dahil may lintang dumating at nambwisit pa, may gana ka pa kayang kumain nyan?  Nagsimula na akong maglakad papunta sa pizza house. Pagpasok ko roon ay tamang tama, konti lang ang mga customer at dali dali naman akong pumunta sa pwesto na malapit sa glass window. Mas maganda kasi ang pwesto dito keysa sa gitna.

"Bili ka na dun" sabi ko sa kanya habang yung kamay ko ay nakapormang paalis. Geys nyo ba? Ah basta yun na yun. Kinunutan naman nya ako ng kanyang noo na para bang sinasabing 'hoy! Ako ang master mo kaya ikaw ang umorder' look. Inirapan ko lang sya at kinuha ang cellphone ko. Pumunta ako sa message dahil may nag text.

From: 09*********

Hai beshyyy! San ka pala? Di kita nakita dito sa school eh. Save mo number ko ah? Love you :)

Napailing na lang ako sa tinext ng babaeng to. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako napamahal sa babaeng to. Kahit sa kaunting panahon na nakasama ko to ay naging masaya naman ang araw ko. Di lang talaga ako showy.

"Bat ka nakangiti dyan?" Tanong bigla sakin ng lalaking to. Nabigla naman ako dahil sa sinabi ng lalaking to. Di ko pala namalayang napangiti na ako. Tiningnan ko lang sya dahil baka mahalata pa ako. I'm playing dumb.

"Tss" yan lang yung nasagot nya. Psh! Para talagang ahad ang isang to. Baka dito sya pinaglihi at hindi sa sama ng loob.

Tiningnan ko ang inorder nya at nag shape naman bigla ng heart yung mata ko sa mga nakahain sa mesa. Napakaraming pizza at kung ano pa. Di lang kasi pizza yung ino-offer ng pizza house eh. Kaya nilantakan ko na agad yung mga nakahain. Bahala sya sa buhay nya kung di sya kakain basta ako gutom na gutom.

Narinig ko syang napa chuckle at tiningnan ko naman sya.

"Bakit?" Tanong ko dahil tumatawa pa rin sya. Tss. Baliw na ata to eh. Tatawa tawa na lang kasi bigla.

"Dahan dahan lang, di naman kita uubusan eh" sagot nya habang nakatingin sa mga mata ko. Naconscious naman bigla ako sa sarili ko. At parang namamawis yung kamay ko. Lumakas rin ang tibok ng puso ko. Kailangan ko na siguronh magpatingin sa doctor dahil sa nararamdaman ko.

"Eh paki mo ba? Gutom ako eh. Ikaw kaya di nakakain kanina dahil sa pesteng lintang dumating!" Sagot ko sa kanya directly to his eyes. Ngpatuloy na lang ako sa pagkain at sya naman ay ang hinhin kumain. Hayy nako, ganyan ba talaga kapag mayaman? Mahinhin kumain? Tsk!

"Bakit? Nagseselos ka?" Tanong nya ng ikinatigil ko sa pagkain. Nanlaki ang mata ko sa tanong nya at nabulunan pa ako.

"Takte ka talaga! Anong may gusto sayo? Hoy! Kilabutan ka nga!" Di ko namalayan na napalakas pala yung sinabi ko at nakahakot na ako ng atensyon. Hay, tsk! Dapat masanay na talaga ako ng ganito. Pag kasama ko talaga ang taong to ay naha-highblood ako. Ang galing kasing manira ng mood.

"Haha! Hoy! Bat ka defensive dyan?" Tanong nya habang pangiti ngiti. Urgh! Kainis talaga ang lalaking to. Pumunta ako dito sa E.K. para mag saya eh dumating pa ang asungot na to.

"Urgh! Kainis ka talaga. Ang galing mong manira ng mood ano? MASTER?" tsk! Nilagyan ko talaga ng sarcasm tone.

"Tssk! Alam mo? Ang sarap mong inisin dahil kumakagat ka naman agad tsk!" Nasagot mya habang pinupunasan ang labi nya. Shocks! Bat ba ako napatingin sa labi nya? Why so kissable? Urgh! Nahawaan na ako ng pagka pervert ni Daemon tsk! Erase erase!

Di na ako sumagot sa kanya at nagpatuloy lang sa pagkain. Tumingin ako sa labas at may nakita akong lalaking naka all black at naka cap rin. Teka! Sya yung lalaking makabangga ko ah. Bakit sya makatingin dito sa side namin? Di kaya kalaban to at minamanmanan ang bawat kilos ko? Baka?! Shit! Posible rin. Pero di ko alam talaga ang dahilan kung bakit nila ako gistong patayin.

Napansin ni Daemon yung pagka uneasy ko kaya umakto na lang akong wala akong nalaman. Tinuloy ko na rin yung pagkain ko at para makalabas na kami dito sa pizza house. Ininom ko na yung smoothie na binili nya. Ilalagay ko na sana sa bulsa ng jacket ko yung cellphone ko ng may nahawakan ako dito.

Pasimple kong binasa yung nakasulatbsa puting papel at akoy nalito. Inalala ko talaga yung nangyari kanina at alam kong nakita ko yung tattoo ng lalakinh nagbigay ng sulat na to. Inferno Mafia.

"Watch out everywhere. Be careful always". You will know it SOON!

Yan ang nakasulat sa binigay nya. Kung kasali sya sa mafiang yun ay bakit pa nya ako gustong bigyan ng ganito? Siguro para lituhin ako pero they're wrong. Aalamin ko kung sino ang leader ng organisasyong to at kung sino sino ang sangay ng matapos ko na ang buhay nila.

Binibigyan nila ako ng sakit sa ulo.

 Mafia Heiress [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon