TWO: ♠ Cursed Punishment ♠

68 5 0
                                    


Carrie's POV

Nagpagulong gulong ako ngayon sa kama ko dahil na rin sa sinabi sakin ni Daemon. Kinakabahan ako para sa sarili ko bukas. Kahit naman na marunong akong magkarate at martial arts ay di ko pa rin maiwasang kabahan. Ang Cursed Punishment ang pinaka brutal na Punishment na nalaman ko. Halos mamatay na ang biktima nila dahil naliligo na ito sa sariling dugo. Naisip ko nga na hindi na muna pumasok bukas pero naisip ko rin na mas lalong talk of the town na naman ako nito dahil di ako sumipot. Once na di ka pupunta sa parusa mo ay hahanapin at hahanapin ka nila. Ganyan sila ka walang puso.

Kinalma ko na muna ang sarili ko at napabuntong hininga. Ayokong isipin nila na duwag ako at di ko kaya ang punishment nya. Buo na ang pasya ko at pupunta ako bukas. Naramdaman kong parang bumibigat ang talukap ng mata ko at unti unting pumikit.

----------

*kring! kring! kring*

Naalimpungatan ako sa tunog na alarm clock ko. Tiningnan ko ang oras at 5:30 na pala. Di ako gaya ng iba na pag tumunog na ang alarm clock ay itatapin na lang basta basta. May awa naman ako sa alarm clock ko at pag tinapon ko yan ay wala akong pambili. Remember di naman kami mayaman.



Dali dali kong ginawa ang morning rituals ko at pagkatapos ay sinuot ko na ang uniform ko. Ang di ko lang gusto sa school namin ay ang skirt. Sobrang ikli kasi at kung tutuwad ka ay kita talaga ang di dapat makita. Tsk! Naglagay na ako ng polbo at perfume. Tiningnan ko ang kabuuan ko sa full length mirror ko at itatali ko na sana ang buhok kong mataas ng pumasok sa isip ko ang sinabi nina mama at papa. Ibinaba ko na ang tali at iniwan sa kwarto. Ewan ko nga sa kanila kung bakit ayaw nilang tinatali ko tong buhok ko. Nang masatisfy na ako sa ayos ko ay dali dali akong bumaba sa hagdan. Tiningnan ko ang relo ko at 6:10 na. Napatagal pala ang pag aayos ko ngayon.

'Bat pa ako mag aayos kung gusot gusot namab akong uuwi ngayon?' Litanya ko sa isip ko. Pinilig ko na ang ulo ko at mamaya ko na iisipin ang mga mangyayari. Kumuha lang ako ng sandwich at nilagay sa bag ko. Di kasi ako mahilig kumain pag agahan. Parang ang tamad pa pumasok pag ganito ka aga. Lumabas na ako sa bahay namin at as usual wala na naman magulang ko. May racket kasi yun kaya palaging wala sa bahay. May mga kasambahay naman kami kaya di ako malelate pag mabagal ako kasi may naghahanda na ng pagkain ko.



Lumabas na ako sa bahay at nakita kong nakaparada na ang sasakyan namin. Pagbubuksan na sana ako ni Mang Berto ng pinigilan ko sya. Ayoko kasing pinagsisilbihan ako. Di ako sanay at di namab ako baldado para ituring na ganyan. Isinalampak ko na ang headphone ko at nakinig ng musika. Stress reliever ko kasi ito eh.


Maya maya lang ay nandito na ako sa kanto malapit sa University. Nagpaalam na ako kay Mang Berto at nagsimulang maglakad papuntang school. Pagpasok ko ay as usual maraming nakatutok na mga mata sakin at bulung bulungan. Nasanay na rin naman kasi ako eh tatlong taon ba naman silang ganyan sakin. Pupunta na sana ako sa room namin ng may magtakip ng panyo sa bibig ko. Hindi ako naging alerto sa paligid ko kaya nalanghap ko ang panyo. Then everything went black.

----------

* The Punisher's Torture Room*

Third Person's POV

Nakapiring si Carrie at nakatali ang kamay at paa nya. Di pa sya nagigising  simula kanina kaya binuhusan na sya ng malamig na tubig ng isang classmate nya sa Cursed Section. Napamura sya dahil na rin sa lamig at hangin na dumadapi sa balat nya. Air conditioned ba naman ang torture room na ito. Narito lahat ng classmates nya para manood sa kauna unahang mapaparusahan ng The Punisher sa taong ito. Marami ang nagdiwang dahil sa wakas ay makakakita na rin sila ng madugong scenario. Tatlong taon rin na hindi nila ito ginagawa. Walang nakakaalam kung bakit pero ngayon ay gagawin na nila ulit ito.


Kung maraming nagdiwang ay may isang tao rin na hindi nasisiyahan sa nangyari ngayon. Di muna sya makikialam sa ngayon dahil na rin sa kaligtasan nya. May pumalakpak ng tatlong beses hudyat na sisimulan na ang pagtorture. Naghiyawan na rin ang mga nandito.

Carrie's POV

Fvck! Ang lamig. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. May pumalakpak ng tatlong beses at naghiyawan ang mga taong nandito. Hinihintay ko na ang mga susunod na mangyari at handa na ako.

*boogsh* Shit! Sunod sunod na palo ang naramdaman ko sa katawan ko. May mga paddle, latigo at tubo ang mga ginamit nila. Naramdaman kong may malapot na likido na dumaloy sa mukha ko at alam ko kung ano yun. Nakasalampak na ko ngayon sa sahig at patuloy lang sila sa pinaggagagawa nila. May sumipa at sumuntok pa sakin dahilan para umubo ako ng dugo. Nanghihina na ako at nanlalambot pa ang mga tuhod ko pero kinaya ko pa rin. Ayokong magmakaawa sa kanila na itigil na ang ginagawa nila.



Ahhh! Sigaw ko ng malakas dahil may pumaso sa binti ko. Patuloy lang sila sa paglapastangan sa kawatan ko at ano mang oras ay mawawalan na ako ng ulirat. May mga cuts na rin ako sa mukha at maraming sugat sa katawan.

Ano bitch?! Di ka pa rin ba magmamakaawa? Nang uuyam na tanong ng Daemon-yo. Kahit kailan ay di ko ibababa ang pride sa taong walang kwenta.

Hindi! Buong tapang na sagot ko sa kanya. I heard he gritted his teeth in disbelief. Kaya may naramdam ako malakas na tadyak sa tiyan ko. Sumuka na naman ako ng dugo at mawawalan na ako ng ulirat. Ng masatisfy na sila sa ginawa nila sakin ay narinig ko ang tawanan nila at yapak nila paalis ng room. Hinang hina na ako at di ko na kayang itayo pa ang sarili ko.



May naramdaman akong mainit na bisig ang kumuha sakin. Tinanggal nya ang piring ko at ang nakatali sa kamay at paa ko. Wala na akong lakas para imulat pa ang mga mata ko kaya kahit gusto kong magsalita ay tumahimik na lang ako. I silently thank him dahil sa ginawa nya ngayon at balang araw ay mapapasalamatan ko rin itong taong to. Then everything went black.

 Mafia Heiress [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon