Chapter 6

279 13 0
                                    


Lance POV:

"Where's Jayson?" tanong ko kina Ajax nang makitang hindi nila ito kasama na dumating dito sa tambayan. They just shrugged their shoulder. I sighed.

"We better check where he is." I said saka tumayo mula sa pagkakaupo sa couch.

Simula nang wala kaming madatnan na tao sa bahay nila Tania at hindi makahagilap ng kahit na anong balita tungkol dito ay bigla na lang nagbago si Jayson.

Isang araw, nadatnan na lang namin siyang may binubugbog na isang estudyante, dahilan niya ay binunggo raw siya nito at nadumihan ang suot niyang T-shirt na bigay pa ni Tania sa kanya.

Hanggang sa dumating na sa point na inaraw-araw na niya ang pangbu-bully dito sa school. Naging short tempered din siya at madaling mag-init ang ulo.

"Hmm.. Mukhang may ginagawa na naman siyang punching bag." napalingon ako kay Maddox ng magsalita siya.

"Sinasabi mo dude?" tanong dito ni Billy.

"Ayon oh." turan ni Maddox habang may itinuturo.

Sinundan namin ng tingin ang tinuturo nito at isang kumpol ng mga estudyante ang nakita namin at nasisiguro kong nasa gitna ng kumpol na iyon si Jayson at may binubugbog. Na naman. Napabuntong hininga na lang ako bago lumapit doon.

"Ugh! Sorry po, sorry po! Hindi ko po talaga sinasadya." paulit-ulit na anas ng lalaking puno na nang pasa ang mukha.

Tiningnan lang ito ng malamig ni Jayson saka pinagpatuloy ang pagsuntok dito. Napailing na lang ako.

"Stop it dude." pigil ko kay Jayson pagkalapit ko sa kanya. Bumaling siya sa akin saglit at iwinaksi ang kamay kong nakahawak sa balikat niya saka parang walang nangyaring umalis palayo sa kumpol ng mga estudyante. I sighed. Atleast, nagpapaawat pa siya.

Binalingan ko ang lalaking binugbog ni Jayson bago nilibot ang tingin sa mga estudyanteng nakikiusyuso.

"Kayong dalawa." turo ko sa dalawang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa akin.

"Kami po?"

"Oo, dalhin niyo siya sa clinic." utos ko sa kanila bago tumalikod at tinahak ang daan patungo sa tambayan namin. I'm sure na roon dumiretso si Jayson. Ramdam ko naman ang pagsunod nina Maddox sa akin.

Pagdating namin sa tambayan ay nadatnan namin si Jayson na may kausap sa phone niya. Seryuso ito at nakatiim-bagang.

Hindi na muna kami umimik at hinintay itong matapos sa pakikipag-usap. Halata naman kasing badtrip na naman eh.

"Let's go." napatingin kami sa kanya nang muli siyang magsalita pagkatapos ng ilang sandaling pananahimik. Wala nang phone na nakadikit sa tenga niya so I guess, kami na ang kausap niya.

"Where?" Ajax asked him.

"Sa bahay." he replied shortly saka nauna nang lumabas ng tambayan. We heaved a sighed bago ito sinundan.

Pagdating namin sa bahay nila ay hindi lang pamilya ni Jayson ang nandoon.

"Hi babe.." I rolled my eyes mentally ng umeksina kaagad si Shaira, kita ko rin ang pagngiwi ng mga kasama ko sa nakita, samantalang wala namang kahit na anong emosyon ang makikita sa mukha ni Jayson. Blanko lang ito at parang walang pakialam sa paligid.

Napakunot ang noo ko nang makitang hinayaan lang ni Jayson ang kamay ni Shaira na kumawit sa braso niya na kung dati ay agad niya itong tinutulak.

Ano ba talaga ang nasa isip mo Jayson? Bakit hindi na kita magawa pang basahin?

  Biglang tumikhim si Maddox dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat. "Mawalang galang na po pero gusto ko lang pong malaman kung bakit pati kami ay nandito rin." tanong niya sa dalawang pamilya, ang mga magulang ni Jayson at ni Shaira.

Oo nga ano? Ano bang ginagawa namin dito? Mukha namang usapang pamilya ito.

"Oh.. That thing, gusto ko lang na masaksihan ninyo ang pagpapasa ko ng posisyon ko sa clan bilang big boss sa anak kong si Jayson." wika ng ama ni Jayson na hindi na nagpagulat sa amin dahil ito naman ang dahilan kung bakit may engagement na naganap sa pagitan nina Jayson at Shaira.

Hindi kasi maaaring ipasa ng kasalukuyang nasa posisyon sa successor niya ang posisyong iyon kung hindi pa ito kasal o ikakasal at kailangan din na ang asawa o mapapangasawa ng successor ay kabilang din sa clan o anak ng myembro sa clan.

Isn't it too unfair for Jayson? Ni hindi man lang siya tinanong tungkol sa bagay na ito ng ama niya at diretso lang sa pag-anunsyo tungkol sa bagay na iyon.

Ito rin ang dahilan why Jayson did some stupid act towards Tania, dahil kapag nalaman ng clan ang tungkol kay Tania, dalawa lang ang maaaring kahihinatnan. It's either paghihiwalayin sila ng mga ito or worst, they will kill Tania na siyang labis na ikinatakot noon ni Jayson.

Tumingin ako kay Jayson na blanko pa rin ang mukha. Mukhang wala na talaga siyang pakialam sa mga nangyayari ah.

"How about po sa kasal namin, Tito?" painosenteng tanong ni Shaira. This bitch. Tsk.

"Excited much." rinig kong bulong ni Billy na kaagad namang siniko ni Ajax.

"Aww.. Ano ba?" reklamo ni Billy.

"Tumahimik ka diyan kung ayaw mong mapugutan ng ulo nang wala sa oras." saway ni Ajax dito.

"Haha.. Silly, syempre dadating din tayo diyan iha, but for now, I want you both to focus in your study first." sagot ng daddy ni Jayson kay Shaira.

"Ah.. Okay po."

Psh. Pademure amputs.

"Are we done here?" malamig na sabat ni Jayson.

"Why Jayson, may gagawin ka ba?" his dad asked him.

"Oo nga iho, why in a hurry?" singit pa ng mommy ni Shaira.

"None of your fucking business."

"Jayson!"

"Whatever dad. I have to go." Jayson said saka tumayo na at walang lingon-lingong lumabas ng mansyon nila.

"Mauna na rin po kami." paalam ni Maddox na tinanguan lang nila.

Bago pa kami tuluyang makalabas ng mansyon ay hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag-irap ni Shaira. Witch talaga.

Paglabas namin ay naabutan namin si Jayson na prente lang nakasandal sa hood ng kotse niya habang nilalaro ng kamay nito ang susi ng kotse.

"Pasaan tayo dude?" tanong dito ni Billy.

"Underground." simpling turan niya bago pumasok sa kotse niya. Wala na kaming nagawa nang buhayin niya ang makina ng sasakyan saka mabilis na pinaharurot iyon.

Kanya-kanya na lang din kaming sakay sa mga sasakyan namin at sinundan ito.

__________________________________________________________________________________

-typos&errors

FAIRY SYLVEON

My Cold Empress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon