Lance POV:
"Sino kaya iyong sinasabi nilang nagbalik?" takang tanong ni Billy.
"Anong nagbalik?" balik tanong ni Ajax dito.
"Hindi mo ba naririnig iyong mga usapan ng karamihan sa mga estudyante mula nang pumasok tayo kanina?" tanong naman ni Billy kay Ajax.
"Baka gusto niyo munang sagutin ang naunang tanong bago ninyo sundan ng panibago?" hindi ko mapigilang sabat sa kanila.
"Kasi itong si Ajax eh."
"Anong ako?"
Napailing na lang ako sa dalawang gagong ito.
"Sa tingin mo dude?" baling ni Billy kay Maddox.
Maddox just shrugged his shoulder na ikinanguso ni Billy.
Tiningnan ko si Jayson na tahimik lang na nakahiga sa couch. Halata pa rin ang putok nito sa labi at ilang pasa sa mukha, actually, lahat kami ay nakatamo ng pasa sa laban namin noong nakaraang araw sa underground. Sino ba kasi ang mag-aakalang may ibubuga rin pala iyong mga nakalaban namin, eh mukha naman iyong mahihina. Looks can really be deceiving.
"Saan ka pupunta, Billy?" napatingin ako kay Billy na nasa bungad na ng pinto nang tanungin ito ni Ajax.
"Titingnan ko iyong sinasabi nilang nagbalik, curious ako eh." sagot nito.
"Sama ako..." turan ni Ajax. Tumayo rin si Maddox.
"Are you going too, dude?" tanong ko rito. As usual he just shrugged his shoulder.
"How about you, Jayson dude. Aren't you going too?" baling ko sa kanya.
Tumungin siya sa akin kapagkuwan ay bumangon mula sa pagkakahiga at walang imik na tinungo ang pintuan. I sighed, kung dati si Maddox lang ang bilang kung magsalita ngayon dumagdag na si Jayson at mas malala pa kesa kay Maddox.
Lumabas na rin ako at sinirado ang tambayan namin saka sumunod na sa mga ito. Sino nga kaya iyong tinutukoy ni Billy na nagbalik?
Tania's POV:
Maaga akong nag-ayos ng sarili para sa muling pag-aaral ko. Hindi ko alam kung ano ang sasalubong sa akin doon, sana nga lang ay magiging maayos ang lahat ng mga binabalak ko.
Naagaw ang atensyon ko nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Come in." kaagad naman itong bumukas pagkasabi ko niyon.
"Young highness ito na po iyong mga gagamitin mo sa school saka 'yong susi ng kotse ninyo. At pinapasabi po ni Emperor na nasa dating locker niyo na raw po ang iba niyo pang mga gamit, like books and spare uniform." imporma sa akin ng isa sa mga butler dito sa mansion.
Naapaangat ang sulok ng labi ko sa narinig. Sylvester let me on the wheels huh. "Okay. Thanks." I simply replied to him. He bow down his head before leaving out of my room na ikinabuntong-hininga ko. Too formal. Tsk!
After fixing myself ay bumaba na ako ng kwarto to grab some breakfast, its still six in the morning so no need to rush out. Pagdating ko sa kusina ay bumungad sa akin ang nakasanayan kong agahan, plain rice and a corned beef with egg and a glass of milk too. That's simply enough for me.
As soon as I've done eating, I headed myself to the parking lot para kunin ang kotseng gagamitin ko and take the way to SII.
It took for me a few minutes bago makarating sa school. I heaved a sighed bago ko napagpasyahang lumabas ng kotse at tunguhin ang deans office to see if my sched are still the same.
Habang binabaybay ko ang hallway patungong dean's office ay hindi nakaligtas sa mga mata't tenga ko ang mga mapanuring tingin at bulung-bulungan ng mga tsismosang estudyante. No doubts, paaralan na nga itong kinaroroonan ko. Psh!
Pagdating ko sa dean's office ay walang katok-katok kong binuksan ang pintuan nito at pumasok sa loob, alangan namang sa labas. Tsk! .
"Ms. Starr?"
Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses. It's the dean.
"Yeah."
"Glad to see you here again." nakangiti nitong wika. "So, tell me... What happen to you?"
I rolled my eyes, isa pang tsismoso. Tsk! "None of your fucking business." I muttered.
"Ms. Starr! Where's your manner?!"
Tumaas ang kilay ko sa narinig mula sa kanya. "My manners are nothing to do with you, Sir. Just tell me what's my fucking schedule so I can leave immediately." I said to him frankly. Lihim akong napangisi nang makitang nagpipigil ito. So, I can now get easily to someone's nerve huh.
"It's the same schedule as before kaya makakaalis ka na." nagtitimping turan nito.
"Great!" I hissed that full of sarcasm. Katulad nang pagpasok ko ay walang paalam din akong lumabas ng opisina nito at tinungo ang dati kung classroom.
Habang tinatahak ang daan patungo sa classroom ay isang babae ang humarang sa dinaraanan ko.
"Tania? Ikaw nga!" she scream which I find so annoying.
"Saan ka ba nanggaling at bakit ang tagal mong nawala?" dagdag pa nito na ikinalukot ng mukha ko. Just like who the hell is this woman?
"Its none of your fucking business. Now, get lost. I don't even know you." walang emosyon kong turan sa kanya. Hindi siya nakaimik kaya nilagpasan ko na siya. Psh, Pathetic!
Mas binilisan ko pa ang mga hakbang ko patungo sa room dahil mas lalong dumadami ang mga mapang-usyusong estudyante sa paligid. School are really sucks. And why I am here in the first place?
Oh, yeah. Nandito pala ang tulay na maghahatid sa akin tungo sa madugong paghihiganti. Tss!
Pagdating ko sa classroom ay mangilan-ngilan pa lang ang nandoon kaya tinungo ko na ang dati kong upuan saka agad na umub-ob pero bago iyon, inilagay ko muna sa full volume ang headseat ko para hindi ko marinig ang mga tsismosa kong mga kaklase.
Maddox POV:
Hanggang pagdating namin sa classroom ay ganoon pa rin ang usap-usapan ng mga kapwa namin estudyante. Tungkol pa rin doon sa nagbalik daw, no wonder kung bakit ganoon na lang ka-curious sina Billy dito.
Pagbukas ni Jayson sa nakasaradong pintuan ng classroom ay biglang tumahimik ang kanina lang sobrang ingay na classroom. It always happen, kapag pumapasok kami na para bang lahat sila ay takot gumawa ng ingay.
Pero hindi iyon ang nagpataka sa akin, kundi ang biglang pag-itim ng aura ni Jayson. Tiningnan ko siya na ngayon ay nakatiim-bagang na, habang nakatuon lang sa isang dereksyon ang mga mata. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nito and oh oh! Patay kang bata ka!
May pangahas lang naman kasing umupo sa inuupuan ni Tania dati which is mahigpit na pinagbabawal ni Jayson.
Naalerto ako nang lumapit dito si Jayson na mas lalo pang dumilim ang aura. Pipigilan ko na sana ito pero huli na ako. Marahas na hinablot ni Jayson ang braso ng babae na siyang dahilan para mapatayo ito.
At ganoon na lang ang pagkagulat namin nang makita ang mukha ng babae. Its her!
"The fudge!"
__________________________________________________________________________________
Another update for today😊
Enjoy!
Dont forget vomments dudes-typos&errors
FAIRY SYLVEON
BINABASA MO ANG
My Cold Empress
ActionTania Ashely Starr, the Sweet girlfriend of Brix Jayson Vaughn. But when shits happened and test their bond. Jayson got a wrong choice that made Tania out of his sight. When finally Tania show up, she too bring a lot of changes. The very sweet Ta...