Ang Pagkikita

4.8K 168 23
                                    

A/N: Anumang mababasa niyo sa istoryang ito ay pawang kathang-isip at kalokohan ni authornim.

Sana magustuhan niyo.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Kampai~”

Itinaas ni Chen ang kanyang baso na may lamang iced tea.

“Chen, Japanese naman ‘yun eh.” Alma ni Lay na sinang-ayunan ng iba pa nilang kaklase.

Inilapag ni Chen ang kanyang baso ng hindi siya sundan ng mga ito.

“Porket Korean  hindi na pwedeng mag-Japanese?” depensa ni Chen.

“Hahaha. Pagbigyan ang bata.” Sabay tapik ni Baekhyun sa balikat ni Chen.

“At the first place, iced tea lang naman ang iniinom natin.” Sabi ni Tao na nilalaro ng straw ang mga yelo sa baso niya.

“Alam niyo namang, bawal uminom ng alak si Chen, nagiging wild beast ‘yan.” Paalala ni Kai.

“Yah! Ano ba, magchi-cheers ba tayo o hindi?” angil ni Chen sa mga kasama.

“O eto na!” pinataas ni Kyungsoo ang mga baso nila sa isang senyas.

“KAMPAI!~” sabay-sabay nilang pinagtama ang mga baso nila sa ere.

Matapos ng matagumpay nilang pag-inom ng iced tea ay ipinagpatuloy na nila ang pagkain.

Minsan na lang nila magawa ang ganitong pagkain sa labas dahil ang bawat isa sa kanila ay busy sa pag-aaral at sa mga kinahihiligan.

Maniwala man ang mga tao sa hindi, ang magkakaibigang ito ay seryoso sa buhay.

Mukha man silang grupo ng mga wirdo o loko-loko, may mga pangarap sila sa buhay.

Meet Kyungsoo, kilala siya bilang si D.O. ng grupo. Aspiring chef ang binatang ito kaya sa mga outing ng grupo, siya ang dakilang tagaluto at pagdating sa kainan, siya lagi ang nasa huli.

Kai, best friend ni Kyungsoo na isa sa mga tinitilian sa eskwelahan nila dahil sa galing nitong sumayaw. Dahil sa angking alindog este galing sa pagsayaw, karamihan ng girls ay nahihimatay at naiinlabao sa kanya. Sa dinamirami ng mga babaeng umaaligid sa kanya, hanggang ngayon ay single pa siya – ‘yan ang totoo.

Lay, mukha mang malilimutin, hindi namang nalilimutan ang lahat ng elements sa periodic table kaya ang kanyang ambisyon na maging magaling na chemist ay hindi malayong maabot din niya someday.

How about Tao? Ang sporty maknae ng grupo. Sa kabila ng baluktot niyang dila hanggang ngayon ay nagawa niyang mgaing close ang pinakasikat na grupo ng school at maniwala kayo sa hindi, siya ang top student pagdating sa sports.

Baekhyun, ang president ng student council. Pangarap niyang maging journalist at sa galing niyang makisama at makihalubilo sa tao, lahat na ata ng estudyante mula sa grade school hanggang high school ay kilala niya.

At ang bida ng ating istorya…

KIM JONG DAE, A.K.A. Chen, nagkasama sila ni Tao sa China for a year dahil sa school activity na kelangan nialgn irepresent. Isa sa singing line ng grupo nila. Mapursige siyang magpractice at hanggang kaya niya ay araw-araw siyang nag-eensayo sa pagkanta dahil sa kagustuhan niyang makapasok sa isa sa pinakaprestiyosong eskwelahan para maging singer/composer.

Pangarap niyang maging sikat sa larangan ng pagkanta – ito ang pinakainaasam niya.

“Chen.” Tawag ni Baekhyun kay Chen na halos nakasubsob na sa bowl niya ng soup.

My Troll DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon