Lukso ng Dugo

2.9K 134 9
                                    

“Ilang taon ka na?” tanong ni Tao.

“I’m five years old.” Sagot ni Jisung.

“Nag-aaral ka na ba?” tanong ni Baekhyun.

“Sa tingin niyo ho ba, nag-aaral na ba ako?” banat ni Jisung.

Napakamot na lang ng ulo si Baekhyun at sinabing, “Sabi ko nga, hindi naman halatang matalino anak mo Chen.”

Umiiling-iling na lang si Chen dahil sa klase ng mga sagot nito.

“Gwapo ba ako?” singit ni Kai.

“Hmmm~ you’re gorgeous.” Sagot ni Jisung na may kasamang ngisi.

“Uy, gorgeous daw ako.” Buong pagmamalaki ni Kai sa kanila.

Hindi naman makapaniwala ang iba sa sagot ni Jisung kaya todo tutol naman silang lahat.

Hinila ni Chanyeol si Chen at pinalipat ng upuan para magkaharap sila ng kanyang anak.

“Jisung, eh ang daddy mo, gwapo ba?” bulalas ni Chanyeol.

Napalunok naman si Chen.

“Oy, pati ako dinadamay niyo sa kalokohan niyo ha.” Pagpipiglas ni Chen sa hawak nina Lay at Chanyeol sa kanya.

“Baka ayaw mo lang maitatwa ng anak mo.” Bulong ni Kyungsoo, nasa isang Milk Tea store kasi sila at marinig ang sikreto ni Chen.

“Oy hindi ah. Saka, alam ko naman na noon pang gwapo na ako.” Banat ni Chen sabay pagwapo.

“YUUUUUUUUUUUUCK!” sabay sabay na react ng magkakaibigan.

Itinago naman ni Jisung ang ngiti niya dahil sa pinagsasasabi ni Chen.

“O sige, Jisung baby, gwapo ba siya?” tanong ni Lay.

“Anak mo Lay, anak mo?” biro ni Baekhyun.

“OO ANAK KO, PARA MAKUNTENTO KA.” Biro ni Lay.

“Are you guys serious to know my answer?” tanong ni Jisung.

Sabay sabay na tumango ang lahat pwera kay Chen na medyo kabado despite of his self-confidence.

Tinitigan ni Jisung si Chen ng ilang segundo.

Isa…

Dalawa…

Tatlo…

A…pat…

L-li…ma….

“Mom told me he’s good at singing.”

“BWUHAHAHAHAHAHAHAH!”

Nahulog sa kinauupuan niya si Chanyeol at naupo sa carpeted floor ng store, samantalang mangiyak-ngiyak sa katatawa ang iba.

“Good at singing. Hahahahahaha…” pahabol ni Tao.

“Yah! Bakit ba? Nakakainis kayo, bakit, kamukha niyo si Brad Pitt, si Tom Cruise o kaya Zac Efron? Yabang niyo ah.” Sumiksik sa sulok si Chen at inirapan ang batang nagpahiya sa kanya.

Bumungisngis naman si Jisung.

“O, anong nangyayari?” tanong ni Sehun na dala na ang mga order ng lahat at saka inilapag sa table nila.

“Gwapo ako ‘yun yun.” Sabay talikod ni Chen sa  mga kasama.

Natatawang inilapag ni Sehun ang mga natitirang milk tea at nang makarating na siya kay Jisung, itinulak niya iyon pabalik.

“Milk tea is not my style.”

Itinulak naman ito ni Sehun pabalik at yumuko para bulungan nag bata, “Pure milk ‘yan. Pinakiusapan ko ‘yung kaibigan ko.”

My Troll DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon