Jisung Meets EXO

3.1K 147 20
                                    

Kinakabahan si Chen. Hindi niya alam kung paano haharapin ang anak niya – kung anak nga niya ito. Ang pinakakinakatakot niya ay paano siya lulusot sa mga tanong ng tao kapag kinorner na siya.

Sa angking kadaldalan pa naman nitong batang ‘to, pati siguro sikreto ng president ay maidadaldal rin niya.

Habang papunta sa registrar si Chen ay hindi niya maitago ang nerbiyos niya kaya habang siya ay naglalakad ay shini-shake niya ang nanlalamig at pinagpapawisan niyang mga kamay.

Ngayon lang siya kinabahan ng ganito.

Naku Jongdae, kinakarma ka na sa lahat ng kasalanan mo. Magsisi ka na habang maaga pa. pero, bakit naman ho ganito ang karma ko? Ganoon na ho ba ako kasama? Kung anu-ano na ang naiisip ni Chen habang nakatayo sa tapat ng registrar’s office.

Kumatok siya ng tatlong beses at mula sa malaking bintanang gawa sa salamin ay nakikita niya ang batang inip na inip na sa kinauupuan. Panay na ang tapik ng paa nito sa tiles at ang nguso nito’y nagkakandahaba-haba.

“Pasok.”

Narinig niya ang boses ni Ms. So kaya agad na siyang pumasok.

“Good morning ho.” Magalang na bumati si Chen pero sa kabila ng kanyang pagyuko ay ramdam niya ang malalim na titig ng batang babae sa kanyang gilid.

“Mr. Kim, kanina ka pa hinihintay ng pinsan mo. May naiwan ka raw.” Wika ng dalagang hindi man lamang nalingon sa sobrang busy sa dami ng paperworks niya.

“Ma’am, pwede kop o bang kausapin ang pinsan ko sa labas?”

“O sige, pero hindi siya pwedeng sumama sa loob ng classroom niyo ha.” Paalala nito.

Nang pumayag si Ms. So, agad niyang hinatak ang bata ng marahan para makapag-usap sila ng maayos.

Sa may upuan sa labas ng registrar’s office, pinaupo niya ang bata roon at tinitigan ng mata sa mata.

“Don’t you know that I’ve been waiting for you for thirty minutes, is that how you treat your daughter?” iningles na naman siya ng anak niya.

“Sabi ko naman sa’yo na huwag na huwag mo akong iniingles. Saka ano ba ang ginagawa mo rito? Paano ka nakarating rito?”

“I came by myself.” Buong yabang na sagot ng batang makulit.

“Ilang taon ka na?”

“Five years old.”

“O, eh di paano ka nga nakapunta rito?”

“Eh malamang ho sumakay ako ng bus tapos naglakad tapos pinagtanong tanong ko ho ang tatay kong gwapo.” Sarkastikong sagot ng bata.

“Gwapo kamo?”

“De, biro ko lang yung huli.” Biglang bawi ng sutil na bata.

May pinagmanahan talaga eh. Sumama ang tingin ni Chen kay Jisung at kulang na lang ay mapikon na siya sa batang ito kaso may something siyang nararamdaman na hindi niya nararapat maramdaman.

Hindi naman siya nadudumi o naiihi kaso may kung ano sa loob niya na tila sobrang gaan na nakakainis kapag kaharap niya ang batang ito.

Magulo man ang sitwasyon pero ganun rin kagulo ang feelings ni Jongdae.

Lukso na ba ito ng dugo?

“Jongdae, ito o, nalimutan mo baon mo.” Sabay abot sa isang lunchbox na marahil ay inihanda ng kanyang mama.

Nagtataka pa rin talaga si Chen kung paano nakapag-isa ang batang tulad niya lalo na’t limang taong gulang lang ito. Hindi ba siya hinahanap sa kanila? Kung totoo man na anak niya si Jisung kay Shiwon, alam kaya ni Shiwon na pinuntahan siya ng kanyang anak?

My Troll DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon