Separation

2.5K 139 15
                                    

A/N:

Malapit na~

Take note po, hindi po totoong pangalan ni Chen ang nasa update ko.

Dedicated po kay yumburger30. Ito na ang totoong update.. hehehehe

Mahimbing pa ring natutulog si Jisung sa loob ng office ng presinto habang si Chen ay hindi malaman ang gagawin dahil kahit anong gawin niyang paliwanag ay hindi naniniwala ang mga pulis.

Pero kahit naiipit na si Chen sa sunud-sunod na tanong ng mga pulis, isa lang ang talagang inaalala niya, si Jisung.

Babalian ko talaga ng buto ‘tong payatot na pulis na ‘to eh makapagbuhat kanina kay Jisung kala mo sako ng bigas ang binubuhat. Ngitngit ni Chen sa kanyang kinauupuan habang binubutas niya ng kanyang titig ang bukbuk na mukha ng pulis na bumuhat kay Jisung.

“Magsalita ka na, bakit mo kinuha ang bata?” tanong muli ng pinakamataba sa mga pulis na base sa paggalang ng ibang pulisay marahil siya rin ang pinaka-Chief ng istasyon.

“Eh Sir, hindi ko nga po siya kinuha. Kusa po siyang pumunta sa’kin. Ang kulit niyo naman po.” Sagot ni Chen na suyang-suya na kakasagot sa pareparehong tanong ng mga ito.

Pumunta sa likuran ang tatlong pulis na kasama kanina sa paghuli sa kanya.

“Sir, sumasagot pa o.”

“Oo nga, walang galang.”

“Ikulong na nga ‘yan.”

Biro ng tatlo.

Napataas ang kilay ni Chen at sinabing, “Ang gulo niyo naman ho, tinatanong niyo ako tapos ngayon nagagalit kayong sumagot ako. Naman!” ginulo ni Chen ang buhok niya.

Pinandilatan ng Chief nila ang tatlong pulis na agad namang nanahimik at napaatras.

Tumayo sa pagkakaupo ang Chief at sumandal sa kanyang table habang kaharap si Chen.

“O sige, ganito na lang, ikwento mo sa amin kung paano napunta sa’yo ang bata.”

Napa-thumbs up si Chen, “Sige ba.”

Dahil sa binigyan ng chance magkwento si Chen kung paano sila nagkita ni Jisung,

Ikinuwento niya ang kanilang paghaharap…

…mula sa pambabasag nito sa kanya…

…pambabara sa bawat sabihin sa kanya…

…sa pagtakas…

My Troll DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon