Happy Ending

2.6K 169 59
                                    

A/N: 

Last na 'to...

Finally, natapos na rin. Salamat sa pagbabasa ninyo. Sana magustuhan niyo ito.

************************************************************************************************************

Hindi maipaliwanag ni Chen ang kanyang nararamdaman.

Magkikita silang muli ni Shiwon at hindi niya alam kung paano haharap sa dalaga. Pinaghalong kaba at

Saya ang naramdaman niya dahil rito.

Kinabukasan, sa gitna ng klase ay halos hindi na siya maka-concentrate. Nagbibilang na lamang siya ng oras na lilipas bago sila magkita ni Shiwon at ang hindi niya maiwasan ay ang magpractice ng kanyang mga sasabihin.

Kaya pagdating ng break nila, natatawang pinapanuod at pinapakinggan ng mga magkakaibigan ang monologue ni Chen.

“Excited ang loko o.” biro ni Kai. Agad naman siyang siniko ni D.O.

“Palibhasa, ikaw, hindi ka naexcite ng totoo sa mga babae.” Banat ni D.O.

“Eh paano ako maeexcite sa mga babae, sa iyo ako laging excited.” Pambawi ni Kai with matching akbay sa nakatatanda.

Nandiri ang mukha ni Tao at sinabing, “Kalalaki niyong tao, naglalambingan kayo. Eew!”

Sumandal naman si Sehun sa kanya at sinabing, “Tao oppa, bili tayong bubble tea.”

“Hahahaha~ Sehun, ‘di bagay.” Tawa ni Lay.

Panay naman ang pagkabig ni Tao sa ulo ni Sehun para alisin ito sa balikat niya.

“Dapat si Tao ang babae, hindi ikaw.” Dagdag ni Baekhyun.

“Mas iyakin si Tao kaya dapat siya ang girl.” Gatong pa ni Chanyeol sa sinabi ni Baek.

Lumakas ang tawanan sa kanilang lamesa dahil rito.

Pulang-pula na si Tao sa hiya dahil pati ang ibang mga estudyante ay hindi maiwasang matawa sa kanila.

“Nakakainis kayo, baka mapagkamalan nila akong bakla!.” Yamot na maktol ni Tao na tuluyang pinagtulakan palayo si Sehun.

“Nakakainis kayo~ hahahaha” panggagaya ni Baek.

“ANO BA! TAHIMIK! NAGPAPRACTICE AKO!” saway ni Chen sa kanila.

Agad rin namang tumahimik ang grupo… ng ilang segundo at saka humagalpak ng tawa.

Inakbayan ni Baekhyun si Chen at sinabing, “Pre, kahit hindi mo na paghandaan ang mga sasabihin mo. Carry na ‘yan.”

“Oo nga, just be natural. Mahahalata ni Shiwon kung praktisado ang mga linya mo.” Dagdag ni Kai.

“Eh kinakabahan ako eh, baka kung ano ang masabi ko. Paano ‘pag nagkamali ako ng sasabihin? Paano kung masaktan ko na naman siya? Baka bumalik na naman siya ng Amerika.” Pag-aalala ni Chen.

Nagkatinginan ang magkakaibigan at sabay-sabay na napangiti.

“Alam mo, ngayon ka lang naming nakitang magkaganyan. Mahal mo nga si Shiwon hanggang ngayon.” Puna ni D.O. habang nakapalumbaba.

“Saka hyung, hindi mo na kailangang mag-effort, ‘yung simpleng pag-oo mo sa pagkikita niyo ngayon, dagdag pogi points na’yon dahil interesado ka sa kalagayan ng anak mo at sa kanya.” Paliwanag ni Sehun na sabay-sabay namang nagpalakpakan.

My Troll DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon