Tatay ka na!

3.3K 157 19
                                    

Mangilang ulit na tinitigan ni Chen ang mukha ng batang babae at ang picture ni Shiwon, kulang na lang ay humarap rin siya sa salamin para kumpirmahin kung kamukha rin niya ito.

“Gusto niyo ho ba akong ipa-blood test din?” diretsahang tanong ng batang babae.

Napakatalino naman ng batang ito at saka, diretsong diretso na siyang magsalita sa edad niya. Sigurado ba siyang anak ko siya? Antalino ko naman. Tanong ni Chen sa sarili na medyo namamangha sa pakikipag-usap nito sa kanya.

Walang ibang nagawa si Chen kundi ang pumasok muli sa loob para iwan sa loob ang kanyang “anak” daw.

Paano kung anong nga niya talaga ito?

Pagpasok nila sa loob, ano kayang reaksyon ni madir dear?

“Pumasok ka muna sa loob, pero hindi ibig sabihin nito tinatanggap na kita.” Paalala ni Chen kay Jisung habang unti-unting kinukuha ang mga bagahe nito.

Mga ilang segundo ring tinitigan ni Jisung si Chen habang dinadampot ang mga gamit niya. Dahil sa laking Amerika na siya at madalas na maiwan sa bahay mag-isa, natuto na siyang kumilos ng para sa sarili niya ng walang tulong ng kahit sino.

“I can manage Mister.” She said while picking up all her things.

Well para kay Chen, magaan lang naman ang mga ito ngunit sa edad ni Jisung, kasing bigat na ito ng limang hardbound books na encyclopedia.

“Tulungan na nga kita eh.”

“Thanks but no thanks.” Wika ng bata.

Kung anak ko man ‘to, sigurado akong hindi siya nagmana sa akin ng kasungitan niya. Bratinellang bata ito. Komento ni Chen na sinundan na lang papasok ng bahay ang bata.

Pagbukas ni Chen ng pinto ay naabutan niyang nagliligpit na ng mga kinainan ang mama niya at mukhang mag-isa lang itong kumain dahil ang papa niya ay mahimbing pa ring natutulog – palibhasa’y sa gabi gising.

“Ma~” tawag ni Chen sa mama niya na nakaharap sa lababo.

Agad na napalingon ang kanyang ina at nanlaki ang mata dahil nakalipas na ang ilang minuto ay andirito pa rin ang masipag niyang anak.

“Hoy, Jongdae bakit hindi ka pa umaalis? Sobrang late ka na.” komento nito habang pinupunas ang mga basing kamay sa suot na apron.

Lumapit ang kanyang ina at sa kanyang paglapit ay unti-unti niyang napansin ang batang nasa gilid nito na hindi man lamang mangiti.

Nang magtama ang paningin ng maglola, agad na nagbigay galang si Jisung at nag-bow.

“Good morning lola, ako po si Jisung, your granddaughter.”

“Ano daw Jongdae?” tanong ng mama niya.

“Ma, si Jisung, apo niyo. Anak ko---ARAY!”

Bago pa matapos ni Chen ang pagsasalita niya’y, dumapo na sa kanyang puwet ang isang walis na nahagip ng mama niya sa gilid.

“APO KA DYAN? ANONG KALOKOHAN NA NAMAN ‘TO JONGDAE? KELAN KA PA NAGLOKO HA?”

“Ma, nagulat lang din ako. Sumulpot siya sa labas tapos sabi niya anak ko raw siya. Mukha ba akong magloloko Ma?” paliwanag niya na patuloy sa paghawi at pagsangga sa hampas ng nanay niya.

“MULA NOONG PINANGANAK KITA HANGGANG NGAYON, MUKHA KA PA RING MALOKO! SINO ANG INA NG BATANG ‘TO?” nag-iinit na ang tenga ng kanyang ina habang pahigpit ng pahigpit ang hawak sa walis.

“Lola, huwag po kayong magalit.” Singit ni Jisung.

Agad namang napawi ang galit ng matanda lalo na ng kanyang titigan ang maamong mukha ng batang babae.

My Troll DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon