She's Back

2.4K 125 13
                                    

A/N:

Malapit na... Yihi...

***********************************************************************************************************

Kinabukasan…

“Jisung~”

Mula sa kusina ay tinatawag siya ng kanyang lola para mag-agahan na pero tulad ng ibang bata, ke-aga-aga ay sa harap na ng TV. Nakaupo ito sa sahig at tila seryosong-seryosong manuod ng Dora.

First time in the history mapanuod ng cartoons si Jisung dahil ang madals niyang panuorin ay History Channel, National Geographic, BBC News at marami pang iba, ‘yung mga tipong hindi pambata.

Pero sa hindi malamang dahilan ay tila nagustuhan niya bigla ang batang gala na si Dora.

Nakailang tawag na ang lola niya pero itong si Jisung ay tulala pa rin sa harap ng TV.

Bakit kaya ang gala ni Dora?

Meron kaya siyang problema sa bahay?

Is she like me longing for freedom?

Baka naman galing din  siya sa broken family,  kaya kunwari masaya siya at pinapakita sa mga manunuod na she’s okay?

Baka nga…

Kasi ako, I’d rather walk away and go to somewhere where I could be happy rather than stay in a place that is not a home for me.

Sa kalagitnaan ng pag-iemo ni Jisung, may napagtanto siya…

“Maitim pala talaga si Dora.”

*Excuse for my term, baka po may ma-offend eh.*

“Jisung, kanina pa kita tinatawag. Have your breakfast now.” Aya ng lola niyang nag-aalala na sa apo.

Hindi niya akalaing ganito ang magiging epekto ng paglayo niya sa apo niya mula kay Chen.

Tumayo ng walang kagana-gana si Jisung. Hindi ito nakasimangot ngunti hindi rin nakangiti; blanko ang mukha nito at mukahng walang tsansang mapangiti ito kahit ang kiliti.

Sa may dining area ay tahimik na kumakain si Jisung at ang bagal nito sa pagnguya ay kasing bagal ng pagnguya ng isang kamel.

Mayamaya ay may tumawag na kapit-bahay sa kanyang lola kaya naiwan sa dining room si Jisung. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ito na nakangiti na tila excited na kausapin si Jisung.

Hinila ng matanda ang katabing upuan ni Jisung at nakangiting humarap sa apo.

“Jisung, may party sa kabilang bahay, inimbitahan ka nila. Punta ka daw.”

“But I don’t know them.” Sagot ng bata habang tinutusok ng tinidor ang cereals niya. Back to cereals na naman siya

“Then. Get to know them.” Sagot ng lola.

Bumuntong hininga si Jisung at saka sumagot sa lola, “Fine.”

Hinalikan ng lola niya si Jisung sa pisngi.

Pagdating ng hapon, bihis na si Jisung. Nakasuot siya ng pink dress. Naasiwa nga siya dahil bihira naman siyang magsuot ng ganito. Ang nakahiligan niya kasi ay shorts at t-shirt – style ng mama niya.

I really hate this dress. Angil ni Jisung sa isip-isip niya.

Palabas na ng bahay si Jisung at pinilit niyang ngumiti para sa lola niya.

“Smile my Jisung.”

“Opo.”

“That’s my girl.”

My Troll DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon