A/N:
Post Valentine gift/update ko po.
Comments po...
*******************************************************************************************************
“Jongdaeee~ wake up.”
“Hmmm~” ungol ni Chen habang nilalabanan ang paghaltak sa kanyang kumot. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya at ang tanging nais niya ay magpahinga at matulog magdamag. Ang bad news, may pasok pa siya ngayon.
“I said wake up!” gigil na pangyugyog ni Jisung sa ama.
“Ano ba~” angil ni Chen sabay padabog na hinaltak muli ang kanyang kumot.
“You’re going to be late for your class Jongdae. Don’t you care about your grades?” sermon ni Jisung habang nakapameywang sa ibabaw ng higaan ni Chen.
Sinbunutan ni Chen ang buhok niya at saka sumigaw, “MA! NAG KULIT KULIT NG BATANG ‘TO O!” sumbong ni Chen sa nanay niyang nagluluto ng agahan sa baba.
“She told me to wake you up and she’s right.”
“Aish! Tama na ang kaka-English mong bata ka. Ang aga aga.” Angil ni Chen na nagtalukbong ulit.
Pasikat na ang araw at kapag umidlip pa si Chen ay paniguradong possible talaga siyang ma-late.
Nagsalubong na ang kilay ng bata at lalong kumibot ang labi nito. Nakaisip siya ng magandang ideya.
“I. SAID. WAKE. UP. JONGDAE!”
Tumalon-talon si Jisung sa kama ni Jongdae at hindi niya tinantanan si Chen hanggang sa ito ay mapilitang bumangon.
“WAKE UP!”
“OO NA, BABANGON NA!”
Padabog na bumangon si Chen at inirapan ang batang nakasimangot sa harap niya.
“Ha-lika na-ha.” Binugahan ni Chen ng ‘fresh’ breath niya si Jisung.
“YUCK! LOLA! Jongdae’s so gross!” sumbong ng bata ng hingahan siya ng tatay niya.
Dali-daling bumaba si Jisung habang nakatakip ng ilong. Pakiramdam naman ni Jongdae na nakaganti siya sa kasutilan ng bata.
“’Yan ang napapala ng batang makulit.”
Humagalpak muna ng tawa si Chen sa kama niya bago tuluyang bumaba.
Pagdating ni Chen sa baba ay sangbakol ang haba ng nguso ni Jisung dahil sa nakakadiring trip ng tatay niya. Pasimpleng ngumiti si Chen habang nakikitang asar na asar ang bata sa ginawa niya. Ngayon lang niya na-realize na masarap mang-asar ng bata. In short, trip niyang patulan si Jisung.
“Jongdae, pinagtripan mo na naman si Jisung.” Sumulyap siya sa anak niyang kumukuha ng tinapay na pinalamanan ng cheese.
“Eh ang kulit eh.” Sagot ni Jongdae at saka kumagat sa kanyang tinapay.
“I’m just concern with your future.” Depensa ni Jisung na nagpangiti sa lola niya.
“Buti pa ang bata, marunong mag-isip pero ang matanda, hindi nag-iisip.” Sabay lingon sa anak.
“Nice~ Umma, matalino kaya ‘tong anak niyo.” Tanggi ni Chen.
“Wala akong sinabi.”
“Yeah, bull’s eye ba Jongdae?”
“Yah! Nag-join force pa kayong dalawa.” Padabog na inilapag ni Chen ang baso niya.
“Hahahahaha~” sabay na humagalpak ang maglola.
BINABASA MO ANG
My Troll Daughter
Hayran KurguNasa pangalawang taon na si Jongdae o mas kilala sa pangalang Chen sa kolehiyo at ang tanging iniisip lang niya ay ang pangarap niyang maging sikat na singer at composer Buo na ang kanyang mga plano at ang lahat ay nakahanda na ngunit, dumating ang...