✴Chapter 1✴

87 9 3
                                    

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Chapter 1: Jeóh

Jeóh's Pov:

"Jeoh! Nasan ka na?!"

Dali dali akong pumunta kung nasaan siya. Nakasuot siya ng pang alis.

"A-ano, p-po yun? Ate V-Veronica?" Tanong ko sa kanya habang hinihingal.

"Hayy naku, Jeoh! For the nth time dumating ka rin!" Kanina pa kasi siya tawag ng tawag sa akin, "Ngayon! Linisin mo na yung kwarto ko."

"P-po? pero may labahan pa akong tata---"

"Walang pero pero. Basta gawin mo ang pinag-uutos ko." Pagputol nya sa sinabi ko habang inaayos ang itsura nya. Pagkatapos nyang gawin iyon tumingin siya sa akin. "At isa pa, wag mo kong tatawag tawaging ate. Tawagin mo kong Miss Veronica." Dagdag niya.

"O-opo, M-miss Veronica."

"Ayan. Good. Oh sige na simulan mo nang maglinis." Pagkatapos niyang sabihin iyon tumayo na siya at kinuha ang kanyang dalang bag saka niya tinawag ang dalawa. "Jessica! Jennica!"

"Andyan na!" Sagot nilang dalawa.

Pero bago sila umalis, may sinabi - este may utos sakin ang dalawa. At yun ang...

"Linisin mo rin yung kwarto ko ah!"

"Ganon rin yung sakin!"

Tumango na lang ako tsaka yumuko. At narinig ko na lang ang pagbukas at pag-sara ng pinto. Umalis na sila papunta sa kung saan.

Kaya mo ito, Jeoh! Mabilis ka naman kumilos di ba?

Nagbuntong hininga na lang ako at bumalik na sa trabaho. Isang trabaho na wala namang sahod na binibigay.

Nung namatay si Papa, ang nag-ampon sakin dito sa bahay, iba na ang turing nila sakin. Yung parang, parang katulong, parang houseboy ganun. Pero nung dumating sina Ate Veronica, Ate Jessica at Ate Jennica galing Estados Unidos, biglang lumala. Hindi naman kasi ako ganung nahihirapan nung nakaraang buwan. Ano lang naghuhugas lang ako ng pinggan, naglalaba, nagluluto, naglilinis ng bahay, pero ngayon marami nang dumagdag. Marami na silang inuutos sa akin. At dahil dun hindi ko na magawa ang pakay ng diyamante.

Simula kasing binigay sakin ng matanda ang puting diyamante, may nangyayari nang kakaiba. Kasi nung tinitigan ko yung diyamante, may nakita akong pangyayari. Isang pangyayari na galing sa malayong lugar, sa ibang mundo!

Hindi ko mapaliwanag kung ano ang mga nakita ko. Basta mahiwaga. At may mahika.

Kadalasan may himala pang nangyayari. Tulad ng pagtigil ng oras, paglutang ng mga kung anu-anong bagay, pero ang pinakahimalang nangyari ay yung NAGSALITA SA HARAPAN KO ANG ISANG KUTING!!!

Opo, totoo po yung mga sinasabi ko. Nagsasalita siya, at tsaka pinakiusapan niya sa akin na gawin ko syang alaga!!!

"Uy! Jeoh! Ba't nagmumuni muni ka dyan?!"

Bigla akong bumalik sa realidad at yumuko para tingnan siya. Nakikita ko ba talaga ito?

"Wag ka nang magmuni dyan at gawin mo na ang mga inuutos nila! At para mapadali tutulungan kita." Kaya nya akong tulungan. Umaakto siya na parang tao. Na Parang isinumpa siya ng mangkukulam na gawin syang kuting!

"Uy! Jeoh!"

"Oo na!" Iyan na lang ang sinabi ko at pupunta na sana ako kung saan nandun ang mga labahan nang bumukas ang pinto...

The Eleven Gems [CONTINUING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon