✴Chapter 7✴

10 6 4
                                    


Hello po! Nandito po uli ako! Yung sinabi ko po na next saturday po ako maguud kasi kailangan kong magreview, well hindi talaga ako nagrereview. Hindi naman po sa tamad ako. Sa school na lang ako magrereview.

Ganyan ang mahusay na estudyante! :) 😂😅🙌

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Chapter 7: Uni

Uni's Pov:

"T-teka? Seryoso? N-n-naghalikan s-sila?" Gulat na gulat at pautal na tanong sakin ni Gayle.

Wala akong sinabi at tumango na lang saka nagkwento tungkol sa nangyari kanina. Yung kung pano sinabihan ni Xen ng mga masasakit na salita kay malANDI, kung pano naghalikan yung mga kumag na jowa, at ang pinaka nakakagulat na pangyayari na hinalikan ni Xen si Jeoh! Omayghad!

Hindi ako makapaniwala na gagawin nya yung sinabi nya! At dahil dun may naalala ako sa sinabi nya na...

Kapag sinabi ko na, papanindigan ko na lang.

Akala ko nagbibiro sya pero hindi! Hindi! Ginawa nga nya! At ang masaklap kay Jeoh nya yun ginawa slash transferee slash kasama namin ngayon slash kapwa namin elementalist.

Whoo! Kung di dahil sa ginawa nya hindi namin makikilala ang kapwa namin elementalist na si Meghjeoh Zalarte!

Pero speaking of Jeoh, nakakatuwa sya. Sobrang nakakatuwa. At meron akong naalalang pangyayari...

FLASHBACK:

Kanina lang yun nangyari, habang naglalakad ako may naririnig akong mga chismis. Chismis here, chismis there, chismis everywhere! Kaya pala laging galit si Xen kasi hate nya ang chismis at laging nakakalat sa campus! Pero hindi jan umiikot ang flash back.

Yun na nga may naririnig akong chismis at ito ay tungkol sa transferee. Kaya nagtaka ako kasi, ngayon lang nagkaroon ng chismis tungkol sa mga transferees! Siguro gwapo yun kaya pinag uusapan. Halos lahat ng mga naririnig ko galing sa mga babae kaya hindi na ako nagtaka na lalaki ang transferee at gwapo pa.

At isa pa---

"Aww!" Bigla na lang pumutok ang imagination bubble ko nang hindi ko napansin na may nabangga na ako. I mean sya ang bumagga sakin! Bwset! Ang laki laki ng school tapos---! Argh!

Sisigaw na sana ako nang nagsalita siya.

"Hala! Sorry! Sorry! Sorry! Pasensya na! Pasensya na! Pasensya na!" With matching hawak kamay at halos lumuhod na sya sa harapan ko.

Imbes na magalit ako, bigla akong natawa.

"Hahahahahahahahahaha!!" Sige, hala, tawa pa, Uni.

Eh pano naman kung makapag patawad parang may gagawin akong masama kasi may ginawa siyang mali. Kalokohan.

Pero pwede na rin yun kesa naman magalit at sasabihing ako ang may kasalanan. Edi mag eeskandalo ako rito sa school.

Pagkatapos kong tumawa ngumiti ako sa kanya ng bahagya at sinabing okay lang saka pumunta na sa classroom.

END OF FLASHBACK

At hindi ko namalayan na yung taong yun ang nasa tapat ko. Apat na chairs kasi ito at ganito ang posisyon:

Gayle
Jeoh- Table -Ako
Xen

"Yun talaga ang nangyari?!"

Kakatapos ko lang pala magkwento sa kanya at hindi pa rin sya makapaniwala. Dahil dun sarap mag pilosopo -_-.

The Eleven Gems [CONTINUING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon