✴Chapter 8✴

15 5 4
                                    

Yung nangyari po sa test namin, grabe. Hindi ako makapaniwala. Sa panghuhula ko dun sa test naging mataas pa ako dun?! Grabe! Hindi ako makapaniwala na naka 42/50 ako sa Science! At ito pa, nasama pa ako sa bibigyan ng HONOR sa April 7! Grabe talaga!! Ang saya ko talaga sobra!!!

Congrats to me! :)

Ps. Yan pa lang ang alam kong score sa test namin. Pero sabi raw nila mataas raw ako dun. So congrats uli sakin!

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Chapter 8: Neighbors

Jeoh's Pov:

Kakatapos ko lang maglaba ngayong araw na toh! Hayy salamat! Makakapagpahinga na ako ng maluwag ngayon!

Ang hirap maglaba lalong lalo na kung ilalabhan mo ay mga makakapal na kumot at damit. Yun na kasi ang hinuli ko sa paglalaba ko. Kaya salamat at natapos na rin. 6 ng umaga ko kasi sinimulan at natapos ako ng 9:30. Ang totoo 4:30 palang gumising na ako para magluto ng agahan nila at maglinis ng bahay. Malalagot sakin si mama kapag nakita nyang makalat ang bahay at wala pa akon g inihandang agahan para sa kanila.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang ulo ko. Grabe. Ang sakit ng ulo ko. Hindi naman ako ganito pagkatapos maglaba. Ngayon lang ata sumakit ang ulo ko. Siguro tulog lang ang katapat nito.

Tumingin ako sa bintana kung saan nandun si Silver. Yung kuting na sinasabi ko sa inyo na nagsasalita [see chap. 1]. Nakahiga lang siya sa tabi ng bintana habang natutulog. Ang cute nya talagang kuting. Kulay kahel and puti sya. At meron syang kulay pula na collar na binili ko pa sa market nung nag grocery ako. At kulay bughaw pa ang mata nya. Isn't she cute?

Papasok na sana ako sa bahay para makapagpahinga nang may narinig ako...

"Hoy!" Tumingin ako kung saan pero wala.

"Hello!" Sigaw uli niya. Boses babae?

"Dito sa taas! Tumingin ka sa itaas!"

Tumingin ako sa itaas at may isang tao sa balcony sa tabi ng bahay namin. Nasa ikatatlong palapag siya ng bahay pero kita ko naman ang mukha nya. At kung sinuswerte ka nga naman.

Nakasuot siya ngayon ng isang maganda, kanais nais at simpleng bestida na kulay itim at ngayon nakalugay na ang maganda niyang medyo may pagkakulot na itim na buhok. Naka tali kasi ang buhok niya kahapon nung una ko syang nakita. At tsaka, bakit lagi siyang nagsusuot ng mga kulay itim?

Ang ganda nya. Teka? Bat ko nga pala yun ang nasa isip ko? At Bat nga pala sya nandun? Wag niyong sabihing----

"T-t-t-Teka!! I-Ikaw?!!!" Sabay pa talaga kami.

Wag niyong sabihing kapitbahay namin sya?!

"Hoy!/ Anong ginagawa mo jan?!" Sabay uli kami.

"Sagutin mo ko anong ginagawa mo jan?!"

"Wag mo nga akong gayahin!!"

"Ang kulit mo ah!!!"

Nakakainis talaga itong babaeng toh!! Gayahin raw ako?!

"Ano ba talaga kasing ginagawa mo jan?!" Ayun hindi na ako ginagaya.

"Nakikita mo naman di ba?! Nakatayo!! Sumisigaw!! Kinakausap ka!! Kuha mo?!!"

"Ano namang kukunin ko?"

"Anong sabi mo?!!" Bahala ka jan.

"Ang panget mo." Ganda mo.

"Hoy! Anong sinasabi mo jan?!"

The Eleven Gems [CONTINUING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon