✴Chapter 5✴

26 9 6
                                    


✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Chapter 5: Same to you

Xen's Pov:

Alam nyo, yung totoo talaga tungkol samin ni Uni at Gayle, sasabihin ko na. Hindi kami basta ordinaryong tao lang. Well ordinaryong tao lang kami dati pero, dati yun. Nung hinawakan namin yung parang bagay na yun, biglang umiba. Nalaman lang namin ang katotohanan nung tinitigan namin yun nang matagal.

Nagsimula ang lahat ng yun nung isang taon nung pumunta kami nina Uni at Gayle sa isang park kung saan bihira lang ang makakapunta nito. Ni hindi ko--- namin nga alam na bihira lang kung dumaan ang mga tao kasi first of all bago na para bang kakagawa lang yun.

Anyway, so yun nga pumunta nga kami dun. Nakalimutan ko kung anong ginawa namin dun at pumunta kami dun sa park na yun. Nang bigla na lang may tumawag samin. Basag at babae ang boses niya. Kaya nagulat kami at kinabahan. Pano nya nalaman ang mga pangalan namin? Sino ba sya?

Dahan dahan kaming humarap sa kanya. Isa syang matandang babae. Nakatakip ang kanyang mga katawan gamit ang malaki at kulay dark brown na kumot na ginawa nyang hoodie (na iimagine niyo ba?). Grabe ang takot namin sa kanya nung panahon yun na balak naming tumakbo paalis sa posisyon namin pero hindi na kami nakagalaw at parang na freeze na kami sa kinatatayuan namin. Pero sabi naman nya wag raw kaming matakot. At meron syang binigay samin.

Tatlong hindi ko mawari na bagay. May black, purple, at blue. Kinuha namin yun. Tig isa kami. Na kay Uni ang blue at kay Gayle ang purple. At sakin naman ay kulay black. Tiningnan ko yun ng mabuti. Isa syang brilyante. Yung napapanood ko sa Encatadia [Pinapanood nyo ba yun? Kasi ako hindi. :(].

Tiningnan ko yun ng mabuti nang may sinabi pa ulit sakin--- samin ang matanda. Ang sabi nya titigan raw namin yun ng mabuti at may makikita raw kami. Tiningnan ko uli ang brilyanteng hawak ko. At ang pumasok sa isip ko Ba't nya binigay samin toh? Anng mangyayari kapag tiitigan namin toh ng mabuti? O kaya baka may masamang mangyayari! At dahil dun sa naisip ko isasauli ko na ang brilyante na binigay samin ng matanda at laking gulat ko na nawala sya! Nawala sya na parang bula! Nilingon lingon ko ang paligid kung nandon pero wala! Wala talaga! Same rin kina Uni at Gayle na tumitingin tingin sa paligid kung nasan sya pero wala talaga! Naglaho sya na parang bula! Kaya wala na. Wala na talaga kaming choice kundi itago yun at sinabi ko sa kanila na wag na lang sabihin.

Ginawa namin ang sinabi ng matanda na titigan ng matagal ang brilyante at TOTOO NGA! May makikita kami! Isa syang pangyayari galing sa IBANG MUNDO! Sa maniwala kayo o sa hindi sa ibang mundo talaga yun nangyari! San ka makikita ng isang palasyo na gawa sa totoong dyamante dito sa daigdig? Wala di ba?

At meron pa kaming nakita. Tungkol iyon sa mga brilyante. Hindi kami makapaniwala na meron pa palang brilyante na nahulog dito sa Daigdig! At iba't ibang kulay pa! May red, orange, yellow, green basta marami! Mga ilan yun eh mga LABING ISA! Tama!

At meron pa palang misyon tong brilyante na toh! At ang misyon?

Kailangan naming mahanap ang iba pang nakapulot sa brilyante at hanapin ang nawawalang reyna ng Enaxor.

Basta yun! Enaxor? Siguro yan yung pangalan ng kaharian na nakita namin.

Pero ewan ko, may sinabi pa yung brilyante eh...

Ang sinumang tao na makakapulot o mahahawakan ang brilyante ay syang tatawagin na ELEMENTALISTS.

Elementalists? Ngayon ko lang yun narinig pero parang maganda yun ah.

At isa pa, sinabi talaga yun sakin ng brilyante, nagulat nga ako nung nagsalita yun. Same in Uni at Gayle. Yan rin ang nangyari sa kanila. Kung tatlong brilyante ang nasa amin which is tig iisa kami, at may labing isang brilyante? So ibig sabihin nun pito pa ang hahanapin.

Wait? Pito? Di ba dapat walo?

Walo dati pero ngayon, nakita na ata namin ang isa.

Nandito kami ngayon sa garden which is kami lang ang nandito, kasama ko ang isang lalaki slash new transferee slash yung hinalikan ko kanina (bwiset nakakahiya yun promise) slash hinila ko papunta rito slash wala na akong maisip na madudugtong.

Parehong lumiwanag ang dibdib namin. Itim yung sakin samantalang sa kanya ay puti. Pano yun?

Ang alam ko sa itim kong brilyante nakakonektado ang sakin pero yung sa kanya? Wag niyong sabihin----

"T-t-t-teka? A-anong nangyayari?" Gulat na tanong nya habang tinitingnan ang kanyang lumiliwanag na dibdib.

Pano ko nalaman na lumiliwanag tong dibdib ko na kulay itim? Teka may lumiliwanag na palang kulay itim?

Nakasuot kasi ako ng white na t shirt with matching black chaleco na long sleeves na ang pambaba ay fitted jeans (favorite casual suit ko yan). Samantalang siya ay naka red tshirt na may jacket na hindi nya zinipper kaya kita ko (blue ang kulay ng jacket nya) kaya kitang kita ang lumiliwanag sa dibdib nya.

Matapos ang ilang segundo biglang nawala ang liwanag. Maski sakin (kahit hindi yun liwanag, itim nga eh).

Nung nawala na yun, tumingin ako sa kanya. Tumingin rin sya sakin. Well tumingin kami sa isa't isa. Ewan ko pero parehas ata kami ng iniisip ngayon. Na pareho kami ng pinagtatanto namin ngayon. Napagtanto kasi (ata) namin na.... Napagtanto ko na....

Isa siyang elementalist na katulad ko.

Nanatili kaming ganun ang posisyon namin. Walang imik. Walang nagsasalita. Hanggang sa...

"Xen! Xen!" Wait! Sila---

"Uni! Gayle!"

Tumakbo sila palapit sakin.

"Xen! Ayos ka lang?" Maaalalahin talaga tong si Gayle. Ni hindi ko alam na nandito na pala siya.

"Hoy! Xen! Anong nangyari sayo at basta basta mo na lang ako iniwan?! Bakit yung lalaking yun ang hinila mo imbes na ako?! Eng geleng me ren nemen neh?!" Same to Uni. As in same same. Nagawa pa nyang maging pabebe.

"Ano? Lalaki?"

"Ayy hindi! Babae sya! Di ba kuya babae ka?" Ngayon ko lang napansin na nanjan pa rin pala yung lalaki.

Nagulat sya nung tinanong sya ni Uni. Kaya hindi agad sya nakasagot at nakanganga lang.

"Teka? Parang ngayon lang kita nakita?"

"Oo ngayon mo lang siya nakita---"

"Ikaw ba kausap ko?" Natawa na lang ako ng di oras. Same to you, Uni. Napilosopo ka ng di oras. :-D

"Sorry naman. Tao lang. Nagkakamali."

"Tandaan mo, Uni. Hindi ka basta ordinaryong tao. Isa kang elementalist."

"Elementalist? Mga elementalist kayo?"

Nagulat si Gayle nung nandito pa ang lalaki. I mean kaming tatlo nagulat at natakot.

Patay nalaman na nya! Pano na yan?

"A-ah eh, hindi kami---"

"Kayong tatlo ay mga, elementalist?"

"Please wag mong sabihin sa lahat---"

"Ang galing!" With matching big smile pa sya. Para syang bata na kung makapag smile wagas.

"Huh?" Kami yan. At alam ko na hindi na maipinta ang mga mukha namin dahil sa sinabi nya.

"Elementalist rin kaya ako katulad ninyo!"

At dun talaga kami ngumanga nang husto. 😨😲😱

Chapter 5: Same to you

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

VOTE, COMMENT, SHARE NYO NA RIN!!!

nnezappys

Update every Saturdays!!!

The Eleven Gems [CONTINUING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon