✴Chapter 6✴

15 8 2
                                    


✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Chapter 6: Symbols

Gayle's Pov:

"Ahh! So may diyamante rin pala kayo!"

"Brilyante yan hindi diyamante!"

"Diyamante yan!"

"Brilyante nga!"

"Diyamante!"

"Brilyante!"

"Diyamante yan! Hugis diyamante kaya iyan!"

"Hugis diyamante lang toh pero brilyante yan! Brilyante!"

"Diyamante nga ito!"

"Sabi ngang Brilyante yan eh!"

"DIYAMANTE!"

"BRILYANTE!"

"DIYAMANTE!!"

"BRILYANTE!!"

"ANG IINGAY NYO AH!! MANAHIMIK NGA KAYONG DALAWA!!! PAG UNTUGIN KO KAYONG DALAWA JAN EH!!!! KAIMBYERNA!!!"

Sa sobrang galit ko sa kanila ayan napamura na ako -_-.

At dahil sa napakalakas kong sigaw, tahimik sila pareho, samantalang yung katabi ko naman nagpipigil ng tawa na kinikinilig? Hayy basta ewan.

Ewan ko sa kanilang dalawa, bigla na lang nag away sa harapan ko pa mismo! Sarap pag untugin nina Xen at---- sino nga pala tong lalaking toh?

Ngayon ko lang sya nakita ah. Siguro tranferee ata toh. Maputi sya, gwapo, matangkad, pwede syang maging model ah! Parang dinaig pa nya ang hearthrob ng school rito! Pero ang tanong? Maganda ba ang ugali nito?

Pero, meron akong nararamdaman sa kanya. Hindi yung paghanga yung crush ah pero, iba eh. Parang pamilyar yung itsura nya. Basta ganun.

At hindi ako makapaniwala na itong transferee na toh ay kapwa naming elementalist! Pero ano nga ba yung simbolo nya?

Oo, may simbolo kami. Ako pa lang ang nakakaalam nito. Ngayon ko lang kasi nalaman.

Hindi ako makapaniwala na meron pala kaming simbolo na tinatawag. At makikita yun sa aming mga kamay! Sinearch ko kung anong simbolo yun.

At nung sinearch ko, ang ibig sabihin pala nun ay magic. Mahika ang ibig sabihin ng simbolo ko. Magic talaga yun pero enchantment na lang kasi magmumukha talaga akong witch (yun talaga paniniwala ko eh). Kaya imbes na witch, enchantress na lang ang tawag nyo sakin. At least dun magmumukha akong dyosa. :)

Siguro kailangan ko nang sabihin sa kanila tungkol sa nalaman ko. Kailan ko yun nalaman? Kahapon. Papunta akong school nun at paalis na nang nakalimutan ko na meron pa pala akong dadalhin. Medyo makakalimutin kasi ako kaya bumalik uli ako sa kwarto ko para kunin ang libro. Libro namin sa history yung nakalimutan ko. Pagpasok ko sa kwarto ngayon ko lang nalaman na hindi ko pa pala inayos ang kurtina sa bintana. Kaya madilim. Hayy nako mas lalo nang lumala ang pagiging makakalimutin ko na kahit pag aayos ng kurtina nakalimutan ko na. Aayusin ko na sana ang kurtina nang may biglang lumiwanag. At yung liwanag na yun ay nanggagaling sa kamay ko! Kulay purple sya. Tinitigan ko yun ng mabuti, at habang tinititigan ko yun, may naalala ako.

Yung binigay samin ng matanda. Yung brilyante. Nasa kin ang kulay purple. Siguro yun ang dahilan kaya may simbolo kami sa isat isa. Kung anong kulay o kung anong brilyanteng hawak mo, yun ang magiging simbolo mo sa kamay mo.

The Eleven Gems [CONTINUING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon