✴Proluge✴

87 9 9
                                    


✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Hindi ko na alam kung bakit at pano nangyari ang mga ito. Nagsimula ata yun nung, binigay sakin ng matandang babae ang puting bagay na hindi ko alam kung bakit binigay sakin. Hindi ko naman siya tinulungan para ibigay sakin yun. Ni hindi ko nga siya kilala eh.

Habang naglalakad ako sa daan bigla siyang kumalabit sakin kaya nagulat ako. Konting gulat lang. At nung humarap ako sa kanya may binigay siya sakin. At yun yung puting bagay. Hindi ko mawari kaya yun na lang ang tawag ko dun. Nagtaka ako kaya hindi ko muna kinuha. Baka kasi may kapalit. Pero sabi niya walang kapalit yun. Nag-alinlangan kong kinuha ang bagay na yun. Nanginginig pa nga ako nun eh.

Nang kinuha ko yun, may sinabi siya sakin. Ang sabi niya titigan ko raw ng matagal at meron kang makikita. Kaya nagtaka uli ako. Ano naman ang makikita ko rito?

Napag-isip isip ko na isauli na lang bagkus wala naman akong maintindihan pero nung pagtingin ko sa kanya, nawala na. Nawala ng parang bula! Tumingin ako sa paligid iniisip na nandun pero wala! Wala akong nakita kahit anino man lang niya! Kaya wala na talaga akong choice kundi, itago na lang at wag nang sabihin sa iba tungkol sa nakita ko.

Isang taon. 1 year ago yun nangyari. At dun sa 1 year na yun, maraming nangyaring di kapani- paniwala at di mapali paliwanag. Yung puting bagay na yun. Parang siyang diyamante. Hugis diyamante. Sa tuwing tiningnan ko siya lumiliwanag. At dahil dun naalala ko yung sinabi ng matanda.

Tinitigan ko yun nang matagal. At tama nga ang sinabi ng matanda. May nakikita ako. May nakikita akong pangyayari. Isang pangyayari na hindi galing rito sa mundo. Sa ibang mundo yun! Dun ko nalaman na meron pa palang ibang mundo na may buhay bukod sa Earth. At dahil dun sa nakita kong pangyayari, nalaman ko ang pakay ng bagay na to...

At ang pakay nito ay hanapin ang mga sampung nawawalang diyamante na kumalat sa mundong ito, kung saan may taong pupulot nun. At kapag napulot niya yun, permanente nang sa kanya na yun. At tatawagin siyang Elementalist.

Pero meron pa pala siyang isa pang pakay, ang hanapin ang nawawalang reyna ng Enaxor, kaharian ng mga elemento. At ibalik ang panunungkulan niya laban sa masamang reyna ng Liageba.

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Next Chapter 1!!!!

The Eleven Gems [CONTINUING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon