✴Chapter 11✴

6 3 0
                                    


✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Chapter 11: One More

Xen's Pov:

Di bale na nga. Nangyari na eh. Nilibre ko na sya eh. Siguro pagbigyan ko na lang. May sobra pa naman akong pera.

Habang hinihintay ang order namin, tumingin ako sa paligid nitong food parlor. Lovely Hearts Café. Yan ang pangalan ng parlor. Ni hindi ko alam kung bakit yun ang pangalan nito. Hindi naman sya cafe. More on fast foods toh. Pero hindi sya fast food chain. Isa tong food parlor. Ang gulo. Cafe ang nakalagay sa billboard. Mga pagkain nila is puro fast foods. At tinatawag ng iba rito ay food parlor. Di ba ang gulo?

Di bale na nga. Kung yun ang gusto nila, edi sige. Go. Pero kung nakakasakit na ng iba, pigilin agad. Wag nang paligoy ligoy pa. Nakakasakit na eh.

Teka? Bat nga pala tayo napunta sa topic na yun?

Hayy. Wag na nga lang. Inobserbahan ko pa ang lugar. More on pinks, fuschias, purples, girly colors. Bihira talaga rito kumain ang mga lalaki dito sa parlor na toh. Ewan ko na lang tong si Jeoh kung naiilang sya o naaarte - speaking of him.

Humarap ako sa kanya with my eyes grew wide.

"Waah! Ang sarap ng pagkain! Waah! Gusto ko pa!"

Hindi naman sya patay gutom di ba? At hindi ko namalayan na nandito na pala ang mga inorder namin. Bat hindi man lang nito sinabi?

Tumingin sya sa pagkain ko at liningon nya ako na nagtataka.

"Bat Hindi mo pa inuubos ang pagkain mo?"

Nilayo ko ang pagkain ko sa kanya. Pakiramdam ko  May balak sya na agawin ang pagkain ko.

"A-ang bilis mo namang kumain!" Pautal utal na sinabi ko sa kanya. Nung tiningnan ko kasi ang plato nya nakita ko na buto na lang ng fried chicken ang tira. Pati na rin dun sa sundae at fries nya na parang kakahugas lang sa sobra linis ng kanyang tira!

"Pasensya na. Ganun kasi ako kapag gutom na gutom na." Pagkatapos nyang sabihin yun dinikit nya ang magkabilang palad nya saka nagpuppy eyes. Bigla naman akong nacurious sa ginawa nya hanggang sa nalaman ko ang pakay nya kahit hindi pa sya nagsasalita. You know, actions speaks louder than words.

"Sige na? Isa pa." Sabi ko na nga ba. Patay gutom ba toh?

"Ikaw ang bumili."

"Sige. Akin na ang pera." Dahil sa sinabi nya pinanliitan ko sya ng mata.

"Anong pera jan? Pera mo gamitin mo."

Hindi pa nakuntento hinawakan nya ang braso ko na parang bata na may gustong bilhin kay nanay. Isip bata ata tong lalaking toh.

"Sige na pakiusap? Gamitin ko muna ang pera mo. Sakto lang kasi tong pera ko pamasahe ko kaya sige na? Ngayon lang ako magmamakaawa sa isang taong katulad mo. Babayaran ko naman yan eh. Pero sige na pakiusap?..." Meron pa syang sinasabi sakin na kung ano ano. Kulang na lang lumuhod na sya sa harapan ko para mapapayag ako. Pero grabe, parang gusto ko nang tumawa sa sobrang pagpipigil ko.

"Hahahahahahahhahaha!!" At Hindi ko na mapigilang tumawa dahil sa ginagawa nya ngayon. Wala akong pakialam kung may nakatingin sakin ang mga tao. Nakakatuwa talaga sya.

"B-bat tumatawa ka na naman?" Abat nagtanong pa sya!

Wala pang ilang segundo pinigil ko na ang tawa ko saka tumingin sa kanya na tumigil na sa pagpipilit sakin. "Sige na nga. Oh eto."

The Eleven Gems [CONTINUING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon