Author's Note

325 8 1
                                    

Author’s Note:

Nine different Girls.

Nine different personalities.

And their Nine different stories.

Sa loob ng iisang libro?

...Kakayanin kaya?

‘Ge, try nating i-push ‘yan.

Ang problema?

Mukhang magiging magulo ‘to.

So first-hand warning: Maaaring makakuha ang reader ng sakit sa ulo, pagkahilo, at pagsusuka sa transition ng buong kwento at kanilang mga POV’s.

Pero sa mga ayaw magpapigil: Sige, kaya niyo ‘yan. Tumakbo na sa local drug stores at kumuha na ng kani-kaniyang mga gamot. Basta’t laging tandaan: Ang mga drug stores sa paligid, gising bente-kwatro oras.

Or i-try niyo rin ang literal na drugs! Gamot din daw ‘yun.

Ang kwentong ito ay mayroong konting drama, konting korning comedy, at puno ng ka-normal-an. ‘Yung typical na nangyayari sa buhay ng tao—sa buhay barkada.

Hindi karapat-dapat ang mga buhay nila sa isang teleserye. Typical lang siya. Walang kung anong cliche na barilan o di kaya patayan na nangyari sa mga buhay nila—walang nabuntis, at pakiramdam ko wala namang mamamatay. Nangyayari lang din sa kanila ang mga normal na nangyayari sa mga girls sa edad nila.

Ang kwento nila ay parang kwento niyo rin. Ang mga karanasan nila, sure ako na naranasan niyo na o di kaya’y mararanasan niyo rin.

Lahat sila nangarap, lahat sila nagmahal, lahat din sila nasaktan.

Nine Girls, Nine StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon