Chapter 2 - Dance Club Dilemma

114 1 0
                                    

Disclaimer: All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental

Chapter 2

Dance Club Dilemma

Bea’s POV

Iling.

Facepalm.

Baon ang mukha sa mga kamay.

Repeat from the top.

‘Yan ang mga expressions na ginagawa ni Bobby na hindi ko alam kung matatawa ba dapat ako sa kanya o maaawa. Parang dance steps na rin kung tutuusin. Kanina nga binibilangan ko pa siya, eh!

Nasa loob ako ng auditorium ngayon, kasama siya, at ang ibang Lee-Go’s Awesome Dance Troupe members. Nakapasok ako sa grupong ito noong first year ko ng college, at naalala ko pa ‘yung moment na kung saan akala ko matatae na ako sa sobrang kaba.

Si Bob Ong Lee-Go—gets ko na kung bakit mas trip niya ang pangalang “Bobby”—ay ang lider ng grupong ito. Si Bobby ‘yung lalaking naroon sa auditions nung mga panahong nagau-audition pa ako. Naalala ko na napakaraming mga babae ang nasa auditions din kasama ko, at dahil daw iyon sa kanya. Hindi ko sila masisisi. Magaling na dancer at napakama-appeal nga naman kasi talaga itong si Bobby. Idagdag mo pa na napakagentleman niya rin, tapos mabait. Kahit sino pwedeng mahulog ang loob sa kanya.

At aaminin ko, after several years na ka-grupo ko ‘tong lalaking ‘to—kahit ako nadevelop.

“Next please...” narinig kong biglang sinabi ni Bobby mula sa tabi ko. Nagkaroon ang grupo namin ng open auditions ngayong araw. Napansin kasi ni Bobby na after this year, maraming gra-graduate sa grupo at iilan nalang ang matitira. Kailangan na daw namin ng new members ngayon para ma-train na sila for next year.

 Isang babae—malamang freshman sa college—ang pumasok at dumiretso sa stage.

“Hi po,” sabi nung babae, isang malaking smile ang naka-flash sa mukha niya—at tulad nung ibang babae sa auditions, naka-direkta ang malandi niyang ngiti para kay Bobby. Hindi ko mapigilang mainis.“Ako pala si Ella, at magau-audition po ako.”

Malamang! Try mong tumunganga lang diyan at landiin si Bobby. Sige, makakapasok ka niyan!

Nag-umpisa ang familiar na beat ng kantang “Roar” sa buong auditorium. Si Ella naman, tumalikod pa samin at saglit na inayos ang buhok.

“I used to bite my tongue and hold my breath...”

Nang mag-umpisa na ang kanta, ay biglang humarap si Ella at nag-umpisang sumayaw. At sasabihin ko na, nang sumayaw siya—biglang nasuka ang langit tapos parang plano pa siyang idura ng lupa sa dance moves niya! Diyos ko! Pagnakita siya ni Katy Perry ngayon sigurado ako tatakbo ‘yun sa isang sulok at iiyak!

Pano ba naman kasi?! Ang steps niya: isang napakabagal na paggiling, pagkembot, tapos with the matching gulo-gulo pa ng buhok niya in a sexy way. Kulang na lang maglabas na kami ng pole para lang masayaw niya ‘yun eh!

Anong klase ‘yun?! Sexy dance tapos ang kanta Roar?! Walang hiya. Nasa korus na ‘yung kanta lahat-lahat tapos walang nagbago sa steps niya—pare-parehong mabagal na paggiling. Tanggap ko pa sana ‘to kung Careless Whisper ‘yung kanta niya, eh, pero hindi! Wala pa siya sa beat kung sumayaw! Nagsasayang lang kami ng oras dito!

Sa kalagitnaan ng sayaw ni Ella, ay kinindatan si Bobby. At ako naman, tinignan ko kung ano ang reaksyon nung lalaki.

Nawala agad ang inis ko at muntik pa akong matawa sa reaksyon ni Bobby.

Nine Girls, Nine StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon