Disclaimer: All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.
(A Very Long) Prologue
Anne’s POV
“—so gusto mong makipagbreak?” Tinapos ko ang gusto niyang sabihin.
Tumango si John. “Anne, please. I’m sorry pero...”
Somewhere alam kong matagal ko ng ine-expect ‘tong moment na ‘to. Halata naman na kasi eh. Hanggang umpisa lang talaga siya.
Nung nanliligaw pa siya sakin nung High School, mabait siya, gentleman, masaya kasama, lahat-lahat na ng gusto kong bagay sa isang lalaki nasa kanya na, nagtagal ‘yun hanggang sa bago pa lang kami.
Pero anong nangyari nung nasa kalagitnaan na?
Wala. Walang progress sa relationship namin. Ultimo siya, nawala.
Nasan?
Nung tinanong ko mga kaibigan niya, ang sagot nasa computer shop. Nagdo-dota. Ang saya, diba?
Pero hinayaan ko ‘yun. Mahal ko siya, eh. At sige, magpapaka-tanga ako. Dadaigin ko si Sisa sa Noli Me Tangere.
At kahit alam ko na hindi kami magtatagal, umasa pa rin ako. Kaya ngayon...
...andito ako, nandito siya...
...nagbre-break.
Ang sakit pala? Kahit inaasahan ko na. Buti na lang talaga wala na sila tito dito para bugbugin siya.
Tumango ako sa direksyon niya. “Okay lang...” pabulong kong sinabi.
“Anne, kasi naman...” sabi nanaman ni John. Jusko, eto na po ang excuses niya. “...for the past two years...walang nangyayari satin eh. Hindi tayo nagwo-work out.”
Kung hindi DOTA inatupag mo, edi sana mas may nangyari pa satin.
“Okay lang...” sabi ko ulit. Hanggang dun na lang kaya ko eh. May isang bagay sa isip ko na nagsasabi na masaya na dapat ako, malaya. Pero sa puso ko, buong lugar dun, sumasakit na. Hindi na kaya. “Okay lang tayo.”
Liar.
“Friends?” tanong niya sakin, isang maliit na ngiti ang nakapaloob sa mga labi niya, ang parehong ngiti na naalala ko na nakapagpahulog din sakin dati. It was the same lopsided-smile, isang side ang umaangat na parang natutuwa siya sa’yo at—
Anne, tigil na!
“Oo naman,” sagot ko sa tanong niya. Sinubukan kong ngitian siya, pero parang nawalan ako ng lakas. Pano niya nagawang ngumiti ng ganun? Na parang di siya apektado?
Tumango na lang ulit siya. “Okay,” pabulong niyang sinabi. “Uh, bye. Bye, Anne.”
And with that, he walked away, without even a single glance backwards.
“Bye, John Gallardo.” Iyon ang naiwan kong mga salita sa hangin. Hindi niya narinig, pero alam kong alam niya ang ibig sabihin.
Nung wala na siya, saka ko lang na-realize.
Nagbreak kami sa may gate ng campus. On the first day of school. Beginning of the day.
Nice one, Anne, sabi ng umiiyak kong puso. Welcome sa college!
~
Bea’s POV
Natatae ako.
BINABASA MO ANG
Nine Girls, Nine Stories
Teen Fiction"Isang magulong kwento naming magkakaibigan ‘to. Ang mga karanasan namin pagdating sa pag-ibig, naging masaya man, o hindi."