Chapter 6 - The Shopping Mall Distress

77 0 0
                                    

Disclaimer: All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental

Chapter 6

The Shopping Mall Distress

Jane’s POV

From: Marie

Uy, ‘te! Hindi kita masasamahan ngayon. May biglaang nangyari. Important. Sorry, ah? :*

From: Jane

                To: Marie

Ha?! Edi, pano ‘yan? Ako lang pupunta mag-isa?!

From: Marie

Keri mo na ‘yan, ‘te! As if naman hindi ka pa gumala mag-isa!

From: Jane

                To: Marie

Eh, kahit na! Ang boring ‘pag ako lang mag-isa, no!

From: Marie

Kaya mo ‘yan. Hanapan mo na lang ako ng gwapo, ‘kay?

Hindi ko na ni-replyan si Marie after ng text niyang ‘yun. Talkshit naman kasi, eh! So ngayon, nandito ako sa isang food court sa isang shopping mall, umiinom ng smoothie, mag-isa.

Kararating ko lang ten minutes ago, kung saan nagtext sakin si Marie at sinabing hindi daw siya makakatuloy. Mag-isa na lang din tuloy ako.   

“Miss, pwede paupo?” bigla kong narinig mula sa tapat ng pwesto ko. Nang tumingin na ako, ay naroon ang isang babae, ka-age ko lang yata, tapos may naka-akbay sa kanyang lalaki—na halatang busy masyado sa paghalik dun sa may backside ng neck ni girl. Ano ba naman ‘yan, harap-harapan!

Pero bilang isang mabait na tao, tumango ako dun sa girl.

Umupo si girl sa tapat ko, ‘yung kung sino mang kahalikan niya napatigil at napaharap sak—teka, ano ‘yung amoy na ‘yun?! Masakit sa ilong na ewan...

Nagawa ng ilong kong matrace kung kanino galing ‘yung pabango, at hindi ko namalayang nakatingin na ako dun sa couple sa harap ko, naka-lean forward.

Sa kanila nanggagaling ‘yung amoy—or at least, dun sa guy.

Napansin yata nung babae na naamoy ko ‘yung...boyfriend niya? At napangiti, ‘yung tipong pa-cute na guilty.

“Sorry, miss,” sabi ni girl. ‘Yung guy hindi pa rin umaasenso, nandun pa rin ‘yung ulo niya sa likod nung babae. Hindi ko na gustong alamin ‘yung ginagawa niya dun. Like, hello, as if naman gwapo siya! “Naamoy mo yata ‘tong si Stephen,” dagdag niya.

Sa pagkakabanggit siguro ng pangalan niya, biglang napatigil ‘tong si Stephen guy sa kung ano mang ginagawa niya sa likuran nung girl, at tumingin sakin. Meron siyang pure black na mata, na may kung ano yatang twinkle sa kanila, parang palabirong ewan. Hindi siya ganun kaputi, may matangos na ilong, tapos may dark brown na buhok na mukhang magulo, at no, hindi ‘yung attractive kind na gulo. As in parang “I just had sex” hair ang dating sakin. Gwapo naman yata ‘tong si Stephen, pero mukhang may bisyo, amoy pa lang, eh! Nakapagtataka nga kung bakit hindi brown ‘yung lips niya at bakit parang pinkish pa rin ito. Pero parang papikit-pikit pa ‘yung mga mata niya na parang lasing. Dagdag pa na mukhang ma-L ‘tong lalaking ‘to.

Turn off!

“Okay lang,” sabi ko dun sa babae, nakangiti pa. Pero nung dumaan ang mga mata ko dun sa Stephen guy, bigla niya akong kinindatan sa likod ng babae. Yuck.

Nine Girls, Nine StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon