Disclaimer: All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.
Chapter 7
The Student Council Affairs
Marie’s POV
“Paabot nga ako nung scotch tape.”
“O, eto.”
“Pati ‘yung gunting, akin na.”
“Eto, o.”
“Kunin mo nga ‘yung marker.”
“Teka, ako na pinakukuha mo sa lahat, ah!” sabi ko.
“Malamang, kaya nga pinasama kita dito, eh!” sagot naman ni JM.
Si JM Palma ang nag-iisang lalaking kaibigan ko dito, a few centimeters height ang liit sakin, pero ‘pag malayuan, mukhang ka-height ko na rin. Meron siyang dark hair, matangos na ilong, maputing balat, at nangangailangan ng reading glasses sa likod ng mga dark brown niyang mga mata. Kaklase ko siya nung High School, at kung tatanungin ako, ganun na ganun pa rin ang ugali niya. Since High school kasi, laging may kaaway ‘to, ngayon namang college, dumoble pa ang mga may ayaw sa lalaking ‘to!
Gwapo siya, super may itsura, at kung hindi lang talaga nakababatang kapatid turing ko dito, pinatulan ko na ‘to, eh! Saka kilala ko si JM, walang plano sa lovelife ‘tong lalaking ‘to. Makikipagkaibigan lang siya sa’yo kapag may kailangan siya. Lahat kasi ng tao, parang instrumento lang para marating niya ang success. Tingin niyo, bakit ako nandito at hindi kasama si Jane ngayong Friday kung hindi ako kailangan ng lalaking ‘to?
“Hoy, paabot na kasi nung marker!” sigaw niya nanaman. Nasa library kami, at hindi na kami pinansin nung librarian, siguro dahil gwapong-gwapo dito sa nerd na ‘to.
Kinuha ko ‘yung marker at inabot ‘yun sa kanya. “Ito na, oh! Bakit kasi abalang-abala ka na diyan? Hindi ka pa nakakapagfile ng candidacy mo, gumagawa ka na ng campaign posters!”
“Ganun talaga,” sabi ni JM, habang may isinusulat sa cartolinang hawak-hawak niya. “I should always be one step ahead.”
Psh. Ang tagal na niyang paulit-ulit na sinabi sakin ‘yan. Motto in life niya yata ‘yun.
“Eh kasi naman—“
“So, ano nang nangyari kay Anne?” putol niya sakin. “Napilit mo bang sumama sa party ko?”
Inirapan ko si JM. Nanghingi kasi siya sakin ng request—minsan lang ‘yun, sa taas ng pride ng lalaking ‘to sinamantala (at nirecord ko pa) ‘yung request niya—na kung pwede ko daw bang irequest si Anne na sumama sa kanya
“Pag-iisipan niya pa raw,” sabi ko, na siyang katotohanan naman.
Nagtuloy-tuloy na siya sa pagsusulat sa cartolina. Halatang ayaw niyang magpa-abala, kaya ako naman, inilabas ko ang phone ko at tinext si Jane na hindi ako makakasama.
To: Jane
Uy, ‘te! Hindi kita masasamahan ngayon. May biglaang nangyari. Important. Sorry, ah? :*
Hindi naman importante ‘tong ginagawa ko ngayon, pero alam ko ang mga nangyayari sa mga taong tumatanggi kay JM. At mas nakakatakot pa ‘yun sa galit Jane.
Mas mabilis pa sa alas-kwatro ang naging reply ni Jane.
From: Jane
Ha?! Edi, pano ‘yan? Ako lang pupunta mag-isa?!
BINABASA MO ANG
Nine Girls, Nine Stories
Teen Fiction"Isang magulong kwento naming magkakaibigan ‘to. Ang mga karanasan namin pagdating sa pag-ibig, naging masaya man, o hindi."