Chapter 1 - Post-Breakup Troubles

133 3 0
                                    

Disclaimer: All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental

Chapter 1

Post-Breakup Troubles

Anne’s POV

Unang tip sa mga college girls na gagawa ng Math assignment kasama ang mga maiingay na kaibigan nila: Don’t. Wag na. Tigil na. Hindi rin matatapos ‘yan.

Isang sunod-sunod na hampas sa lamesa kasunod ang malakas na halakhak ni Bea ang narinig sa malaking cafeteria ng campus.

“Eh sabi ko kasi sa inyo eh—“ sabi ni Bea, na naputol matapos siyang humalakhak muli. “—‘pag nakita niyo ng nagpapawis ako alam niyo na dapat ‘yan!”

“Ah, so ano ‘yun?! Dapat tinitignan ka namin minu-minuto para lang makita kung nagpapawis ka na?” pamimilosopo ni Raine, na nasa tapat lamang ni Bea.

“Saka hindi na kailangan eh,” dagdag ni Joyce sa tabi Raine. “Amoy pa lang halata na!”

Tumawa si Gail—na nasa tabi ko lang—at sinabing, “Bakit kasi dito pa, Bea? Ang lapit na lang ng pintuan eh!”

Tumawa si Coleen na nasa kabilang side naman ni Gail. “Gaga ka talaga, Bea!”

“Wag niyo nga akong sisihin!” depensa ni Bea. “Hindi ko nga kasalanan ‘yun!”

“Luh?” malakas na sagot nanaman ni Raine, kasama ang kanyang mukha na nagsasabing: “Pilosopo mode”. “Hindi mo kasalanan kung matatae ka dito sa loob ng cafeteria—?“

Nagtawanan ang lahat sa mesa, kahit ako hindi ko napigilang humalakhak. Pinagtitinginan na kami ng lahat ng tao sa cafeteria, kung dahil ba sa sinabi ni Raine, or dun sa malalakas naming mga halakhak—hindi ko lang alam.

Pero kung alin man sa dalawa ang rason kung bakit kami pinagtitinginan, malamang sanay na ‘yang mga ‘yan samin. Ilang taon na rin kaya kaming nagkakaganito dito. Kumbaga ang mga ganitong klaseng mga pangyayari samin—‘tong mga malalakas na tawang ‘to? Normal na ‘yan. Lahat ng mga ginagawa namin ngayon, pati ang mga pinag-uusapan namin, normal na. Well, halos normal.

“Hindi nga ako natae!” pabulong na sabi ni Bea, sabay tingin kay Raine na animo’y sinasabi niya na: “Manahimik ka na”. “Nautot lang ako—“

 “Utot pa lang ‘yun?” putol ni Raine.

O diba? Napakanormal na pag-usapan pagdating ng lunch.

“Mag-diapers ka na rin kasi, Bea!” dagdag ni Coleen. “’Yung EQ diapers, ‘yung XXXL para sakto sa’yo!”

La-la-lavender. Le-le-lemon...” biglang singit ‘yung kanta ni Gail.

“Hala!” biglang sagot ni Sarah. “Diba sa Bonux na commercial na ‘yun?”

Muling tumawa ng malakas ang grupo namin.

“Ang ganda pa ng entrance niya, eh no?” dagdag ni Joyce, habang tumatawa.

Biglang nangibabaw ang lakas ng tawa ni Coleen. “Ang FAIL ni Gail!” sabi ng malakas ni Coleen, tapos balik sa pagtawa.

Samantala, si Gail naman ay biglang hatak sa braso ko. “Anne, oh! Inaaway nanaman nila ako!” pabata pa nitong sinabi sakin.

“Ang fail mo nga rin kasi,” sabi ko, habang maliliit na tawa ang lumalabas sakin.

“Ano ba ‘yan, wala na talaga akong kakampi rito,” sabi ni Gail, iiling-iling pa, sabay bitaw sa braso ko at labas ng cellphone niya—pinakahula ko, magWa-Wattpad nanaman ‘yun.

Nine Girls, Nine StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon