Disclaimer: All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.
Chapter 3
Giggle, Giggle, Gig.
Coleen’s POV
Ano ba naman ‘to ang boring naman!
“Uy, Anne,” bulong ko kay Anne, na noong mga oras na iyon ay katabi ko. “Kausapin mo nga ko.”
Sandali lang akong tinignan ni Anne bago sabihing, “Anong sasabihin ko?”
“Kahit ano,” angal ko. “Ang boring, eh.”
Taking up the course of civil engineering, kailangan kong magtake-up ng classes regarding sa Math at iba pang ka-eklabur-an na connected dun. Si Anne naman, na gustong maging isang architect in the future, ay tinake lang ang klaseng ito as an elective. Hindi ko alam kung pano ko ‘to nalampasan for several years, dahil seryoso, napakaboring ng klaseng ‘to. Eh, bored na bored pa naman ako sa araw na ‘to. Wala pa kasing thrill na nangyayari sa time na ‘to—or kahit ngayong araw na ‘to in general!
Ang sarap tuloy tulugan ng klaseng ‘to—or kung pwede ‘yung buong araw na lang. Kung kaya ko lang talaga, eh! Sana maging si Jane man lang ako kahit sa oras na ‘to lang.
Si Jane lang ang nag-iisa sa grupo namin na kaya sigurong tulugan ang klaseng ‘to. Ewan ko ba kung ano bang ka-echos-an ang ginagawa nun gabi-gabi, pero siya lang talaga ang kayang matulog na parang mantika—yung tipong napaka-ingay na namin tuwing lunch pero siya naka-heads down sa table at napakasarap pa ng tulog, oo ganun si Jane.
Hindi ko tuloy ma-imagine kung pano siya hindi makakatulog sa klaseng ‘to.
Then again, hindi ko rin ma-imagine kung paanong hindi pa ako tulog sa klaseng ‘to ngayon.
Muli kong tinignan si Anne, kukunin ko kasi sana ‘yung notebook niya at pipirmahan ko ‘yung last page—para may autograph na rin siya mula sakin, pero nakita ko siyang nakapako ang tingin kay Gallardo. Nakalimutan ko, pareho nga pala course namin nung baklang ‘yun. Aksidente ding pareho pa ‘yung time namin pagdating dito sa klaseng ‘to.
Mabait naman si Gallardo, malandi lang talaga. Nung first year ko sa college naalala ko pang kinausap niya ako, mabait siya nun, tapos pala-ngiti. Hindi ko pa rin kilala si Anne ng mga panahong ‘yun, pero after naming magka-kilala, at kinuwento niya saming lahat ang history nila ni Gallardo...
Sabihin na lang nating nasa number one spot na siya sa hitlist naming magkakaibigan.
“Uy,” sabi ko, sabay ang isang mahinhing siko kay Anne. “Kala ko ba move on ka na?”
Tila nagulat si Anne sa ginawa at sinabi ko, at biglang napatingin sakin.
“Oo nga,” sagot niya, kasama ang isang mabilis na tango. Alam naming pareho na nagsisinungaling siya. “Promise,” dagdag niya ilang sandali pa. Hindi pa rin siya umamin. Alam naming lahat na kapag pangalan na ni John ang pinag-uusapan, laging nagiging tense ‘tong babaeng ‘to. Kaya as much as possible, inilalayo namin ‘yung pangalan niya pagdating sa mga napakarandom na topics namin pagdating ng lunch at iba pang mga oras na kasama namin si Anne.
“Weh?” sabi ko. “Sigurado ka?”
“Oo nga,” sabi ni Anne. “Nakatingin lang ako sa babaeng kaakbay niya kanina. Nakakawa na rin kasi.”
Sure enough, nang tumingin ako sa direksyon ni Gallardo, may kaakbay nga siyang babae. Naalala ko a week ago—same week kung saan binara lang namin si Bea matapos niyang sabihin ang “Hayop” knock-knock niya—na ibang babae ‘yung nakita kong kaakbay at kahalikan ng malanding ‘yun.
BINABASA MO ANG
Nine Girls, Nine Stories
Teen Fiction"Isang magulong kwento naming magkakaibigan ‘to. Ang mga karanasan namin pagdating sa pag-ibig, naging masaya man, o hindi."