Disclaimer: All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.
Chapter 5
Jb, The Unofficial Suitor
Joyce’s POV
“Oo! Tapos ‘yung nagho-holding hands pa sila sa may library!” ang malakas na sabi ni Coleen. Isang malaking dahilan kung bakit kami pinagtitinginan ngayon.
“Oh? Talagang holding hands as in hawak na hawak?” ang tanong ng napaka-interesadong si Jane.
“Oo, gagi—“
“Hindi nga kasi!” ang biglang putol ni Gail sa sasabihin sana ni Raine, kasama ang isang tonong parang nawawalan na siya ng pag-asang mae-explain niya pa ng maayos ang tunay nangyari. “Nagsha-shake hands nga lang kasi kami ni Neil nun tapos—“
“Weh?” ang putol naman ni Jane ngayon, kasabay ang pagkaka-drag ng e sa salita. “Baka naman excuse niya lang ‘yun! China-chansingan ka na, dre!”
Sabay na tumawa sina Marie at Sarah.
“Gagi talaga ‘tong babaeng ‘to,” ang sabi ni Sarah.
“Nag-shakehands lang chansing agad?” ang natatawa pang idinagdag ni Marie, sabay tawang muli kasabay si Sarah.
Ikinukwento nila Coleen at Raine ang nakita daw nila sa library kahapon. Nahuli daw kasi nila si Gail na may kinakausap na student—‘yung chinito yatang ikinuwento ni Jane na transferee. Wala daw sanang malisya kung kwentuhan lang, pero ang problema—may kasama pa daw na holding hands.
Ang sarap sanang maniwala, kaso holding hands? Agad-agad? Weh?
“Pano mo ba nagawa ‘yun, Gail?” tanong ni Coleen, sabay lean forward kay Gail.
“Ang alin?”
“’Yung holding hands!” ang sagot ni Coleen.
“Hindi nga kasi holding hands—“
“Hindi!” sabi ni Sarah, nakangisi at umiiling pa. “No excuses!”
“Ay! Tama, tama!” ang malakas na entrance ni Bea. “Basta ‘pag patuloy mo lang ‘yan, Gail! Whoo! Go! Kaya mo ‘yan!” dagdag niya pa, kasama ang sunod-sunod na hampas sa hangin.
Tinitigan lang namin siya hanggang sa na-drain ang excitement sa kanya.
“Gail, ‘yun ba ‘yun?” ang tanong ni Anne mula sa gilid ng table, ang nguso niya nakaturo dun sa may entrance ng cafeteria.
Agad naman kaming tumingin sa itinuturo niya. At naroon nga yata, ang lalaking nai-issue kay Gail.
Sa tabi ko, ay biglang nagsalita si Jane. “Ano ba ‘yan?! Ba’t ganyan pormahan niya, bro?”
“Siya ba ‘yun, Gail?” ang tanong ni Marie.
“Oo, gagi, ‘yan ‘yun!” sagot ni Raine.
“Ba’t parang ang baduy naman niya?” tinanong ulit ni Jane.
May point siya dun sa sinabi niya. Nakasuot ng mga oras na ‘yun ‘yung “Neil” ng isang oversized neon green shirt na hindi talaga nagmatch sa dark violet na jeans niya. At ako lang ba, or talagang isang neon red na sapatos ang suot-suot niya? Ew. Ang baduy.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Gail, hindi na masyadong gulat ng maramdamang kong ganun din ang ginawa nung iba. Tinitigan namin si Gail with curiosity.
“’Yaan mo na, Jane,” sinagot ni Gail kay Jane. “Cute naman siya, eh.”
Nagkibit-balikat lang si Jane. “Cute lang kaya di ko type. Chinito pa,” sabi niya. “Maganda pa sana kung hot siya, eh...”
BINABASA MO ANG
Nine Girls, Nine Stories
Teen Fiction"Isang magulong kwento naming magkakaibigan ‘to. Ang mga karanasan namin pagdating sa pag-ibig, naging masaya man, o hindi."