Chapter 4 - My Wattpad-Dream Boy becomes Real

100 3 0
                                    

Disclaimer: All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental

Chapter 4

My Wattpad-Dream Boy becomes Real

Gail’s POV

Second week pa lang ng June—Tuesday, pero parang excited masyado ‘yung mga prof. namin sa pagbibigay ng projects. ‘Yan tuloy, imbes na phone para sa e-books, o di kaya’y isang published na libro na mula rin sa Wattpad ang hawak ko, eto, at nandito ako sa library—kasama ang isang bad mood na Joyce, nakatanim ang mukha sa isang textbook—Math Textbook pa!

Naalala ko tuloy ‘yung mukha ni Joyce last week nung binigay ‘tong project—pati ‘yung nanliligaw sa kanya hindi niya pinatawad. Inirapan niya pa talaga! Kawawang Jb, ang bait-bait pa naman nun.

Gah! Review, review, review! Pano kaya ako makakapag-review kung ganito? Nakakadistract lahat ng bagay sa paligid—good choice talaga’t iniwan ko ‘yung phone ko sa bahay. At least, wala ng temptation.

Pero hindi ibig sabihin na iniwan ko rin ‘yung hiniram kong libro na My Facebook Boyfriend mula kay Sarah. Nasa bag ko ‘yun ngayon, at nangangati na ‘yung kamay ko para basahin ‘yun. Nasa magandang part pa man din na—

Ah, teka! Basa muna! Basa! Next time na ‘yang Wattpad.                                                                            

“Uy, Gail,” sabi ni Joyce. Ito ‘yung unang beses na nagsalita siya ngayong umaga. At kahit sabihin kong neutral ang tono ng pananalita niya, nakakatakot pa rin. “Una na ako, ha? May gagawin pa ako, eh.”

Tumango ako sa direksyon ni Joyce. “Sige,” sagot ko naman. Tinignan ko ang orasan, thirty minutes pa bago ang first class ko, ganun din ang schedule ni Joyce, kaya bakit...

Hinabol ng mga mata ko si Joyce habang naglalakad na siya papalabas ng library. At nakita ko sa may pintuan...

Si Jb, ang hindi pinalad na manliligaw ni Joyce. Kaya naman pala, maglalandi nanaman siguro ‘tong si Joyce.

Tumaas ang kilay ko ng hindi pansinin ni Joyce si Jb sa may pintuan, kahit na pinagbuksan pa siya nito. Isang mabilis na stride papalabas ng library lang ang ginawa niya—ni hindi man lang yata siya tumingin sa direksyon ni Jb. Kawawa naman. Ano kaya nagustuhan ni Jb dun?

Pinilit kong ibalik ang atensyon ko sa may Math textbook sa harapan ko. Ano ba ‘yan, nadistract nanaman ako! Kung Wattpad book lang talaga ‘to...

Agh! Tigil na! Tigil na!

“Paupo,” biglang salita ng kung sino mang nasa tabi ko na. Napatingin ako—si Coleen pala. At mukhang di rin maganda mood niya.

Umupo na lang siya sa tabi ko at sabay heads down, hindi na niya hinintay pa ang sagot ko. Ano ba ‘yan! Isang bad mood na Joyce Ocampo nga masama na! Isama pa ba si Coleen?

Kawawa kami mamayang lunch nito. Lalo na si Bea! Naalala ko tuloy nung muntik—hindi muntik, nung binato talaga siya ni Joyce ng upuan—

Agh! Bakit ba puro distractions ang nasa paligid ko?!

Ibinalik ko ‘yung atensyon ko sa libro. Pinilit kong basahin lahat ng nandun—constants, variables, etc., etc. Isama pa nga ‘yung pangalan nung author, eh! Analuz Kaye Narse pa nga full name niya.

Ha! Narse...diba ‘yun ‘yung sa may Jollibee? May thirty-nine pa ngang ganun dun, eh!

Thirty-Nine-Narse!

Nine Girls, Nine StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon