1. I FELL IN LOVE WITH AN ANIME CHARACTER

247 7 0
                                    

Ito ay tula para sa mga taong ang minamahal ay isang anime character.

^_^_^_^_^_^

Tinititigan kanina pa ang iyong larawan

Bakit hindi ko ito kayang bitawan?

Pero kahit siguro ito ay kukupas

Ang nararamdaman ko ay hindi magwawakas

Iniisip kita, naiisip mo rin kaya ako?

Minamahal kita, minamahal mo rin kaya ako?

Gusto kong hawakan ang iyong kamay, mangyayari kaya iyon?

O hindi kaya ito lamang ay isang napakalaking kalokohan?

Alam ko namang nabuo ka lang sa isang imahinasyon

Pero bakit pinapangrap pa rin kita na lumaon

Sa aking harapan at tayo'y magsasama

Tulad ng mga nangyari sa isang pelikula

Bakit ikaw pa na imposibleng mangyari?

Bakit ikaw pa, puso ko ay napili?

Hindi ko alam kung ano ang wala sa iba na mayroon sa iyo

Siguro ay ang problemang puso ko ang baliw sa isang tulad mo

ALL ABOUT LOVEWhere stories live. Discover now