Labing anim na taon lamang si Xandra nang makaramdam siya ng kakaiba sa kaniyang opposite sex, at masyado pa siyang bata noo para masabi niya na ang nararamdaman niya para rito ay pag-ibig nga.
At sa bawat paglipas ng mga taon ay tila walang nagbago sa nararamdaman niya para rito, kahit pa matagal na panahon na rin ang nakalipas mula nang huli sila nitong magkita. Akala nga niya, tuluyan nang nabura sa kaniyang alaala ang lahat ng bagay na may kaugnayan ditto hanggang isang araw ay muling pagkrusin ng tadhana ang kanilang mga landas.
Muli ay naramdaman na naman niya ang pamilyar na damdaming iyon, na kahit makailang ulit niyang pilit na iwaksi ay hindi pa rin niya mapigilan ang kakaibang damdamin niya para rito.
BINABASA MO ANG
My Love For You Will Never Die (COMPLETED)
RomanceHindi ka matututong magmahal ng iba hanggat nakatali pa rin yang puso mo sa pagmamahal sa kaniya. (Makalipas ang pitong taon, ngayon lang naisipang baguhin ang mgadapat i-edit...sorry na agad. May mga scene na nadagdag o madaragdag gawa nang may hin...