CHAPTER SIX

147 4 1
                                    

“Xand, lately napapansin kong wala ka ng time para sakin,” may hamig ng pagtatampo nitong wika.

“Sorry! Niks, busy lang ako lately, you know naman,” paliwanag nito.

Linggo ngayon at pareho silang walang pasok na magkaibigan. Nasa paborito nila silang coffee shop ng mga oras na ‘yon.

“Sabagay. Iyan nga pa lang laptop mo ang bestfriend mo, hindi ako,” pagdra-drama pa nito.

“Para mawala iyang tampo mo. Nood tayo sine, showing ngayon ng movie ng paborito mong Hollywood actor, threat ko.” Hindi na niya hinintay pang makapagreact ang kaibigan at iginiya na niya ito patayo sa upuan.

Habang daan, matama lamang na nakatitig si Nikki sa mukha ng kaibigan, lately kasi ay marami s’yang kakaibang napapansin dito. The way she talks, the way she smiles. And she had noticed that there is a glow on her eyes that she hasn’t seen before.

“Bakit, may dumi ba ako sa mukha?” tkhang tanong niya nang balingan niya ito.

“Wala naman, I just noticed that there is something wrong with you, Xand, may hindi ka ba sinasabi sa’kin?” usisa nito.

“Actually, I forgot to tell you about my new novel.”

“Ibig mong bang sabihin natapos mo na yung new novel mo?” hindi makapaniwalang sambit nito.

“Yap! At hindi lang ‘yon malapit na ring matapos yung bagong sinusulat ko,” masayang pagbabalita niya.

“E, di ba parang two weeks ago wala pa sa hulog ‘yang isip mo? How come na ngayon eh nakatapos ka na ng isa at matatapos ka na sa isa pa?” di makapaniwalang sabi nito.

Ikwenento niya ang pagdalaw niya sa bahay ng kanyang kaibigan, na naging dahilan kung bakit siya nainspire na magsulat.

“Weh! Hindi nga? Hindi kaya may inspirasyon ka na, kaya ganado kang magsulat?” nang-iintrigang tanong pa nito sa kaibigan.

Bigla ay naalala niya si Marco, may isang linggo na rin pala ang nakalipas mula nung huli silang nagkatext nito.

“Sino? As if naman na meron,” pagkakaila niya.

“Tsk! Ako nga ay h’wang mong lokohin ateng, kilala kita. Saka halata naman d’yan sa nagtwi-twinkle mong mga mata na may itinatago ka sa’kin. So, you better tell me who is he and don’t you ever try to deny it, dahil hindi na kita kaka-usapin kahit kalian,” pangba-black mail pa nito.

“Talaga lang? Well one thing is for sure, I haven’t kept any secrects from you my dear friend. Alam mo kung gaano ako katransparent, you can read it all over my faces,” pagkakaila pa niya. Habang pinipigilan ang sariling huwag mahalata ng kaibigan na may inililihim nga siyang hindi sinasabi dito.

Actually, wala sa plano n’yang ilihim dito ang tungkol sa nangyari nang nakaraang mga araw. Gusto lang  kasi n’yang mahalata muna nito ang mga pagbabago, bago niya sabihin dito, si Nikki kasi ‘yung tipong hindi titigil hanggat hindi siya nito napapa-amin.

My Love For You Will Never Die (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon