CHAPTER TEN

133 5 12
                                    

Isang hapon ay nagsadya si Marco sa publication company na pinapasukan ni Khaszey Luis, gusto kasi niyang makibalita tungkol sa hinahangaan niyang writer dahil halos tatlong buwan na rin itong nawala sa sirkulasyon.

Labis kasi siyang nagtataka sa biglang pagkawala nito, na bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong nagagawang bagong nobela matapos ang huli nitong likhang “Until I’ve Found You” three months ago.

Ewan niya, pero iba ang pakiramdam niya, he have that kind of feeling that he had already knew Khaszey for so long, lalo na ngayong mayroon siyang kutob kung sino ba talaga ito.

Ngunit malabo pa rin kung tama nga ba ang hinala niya, pero may isang boses na bumubulong sa kanya na tama ang kanyang hinala. Lalo na nang mabasa niya ang huling sinulat nito na kaparehong- kapareho ng love story ng kaibigan niya at ng asawa nito. Maaaring nagkataon lamang ang lahat, ngunit imposible dahil malinaw na tungkol talaga sa dalawa ang k’wento.

Bigo si Marco sa kanyang hangarin, ‘pagkat wala roon ang kanyang sadya, pero isa iyong magandang senyales para sa kanya na sa tingin niya ay higit na magpapatibay sa kanyang hinala. Ewan kung ano bang masamang hangin ang sumapi sa kanya upang kilalanin ang katauhan sa likod ni Khaszey Luis, never in his life na nagka-interest siya sa isang bagay ng walang sapat na dahilan, but something pushes him to work on it.

Umpisa pa lang alam na naman niya na wala siyang mapapala at nag-aaksaya lamang siya ng panahon. Pero hindi talaga siya matatahimik hanggat hindi niya nakikilala kung sino nga ba ito. He needs to settle this first bago niya i-settle ang sa kanila ni Xandra, though he knew n adapt 'yong sa kanila muna ng dalaga ang dapat niyang unahin. Ewan niya naguguluhan na talaga siya.

Isang hint na lang ang kailangan ni Marco upang mapatunayan na tama ang sapatdaha niya, according sa editor-in-chief ng writer ay hindi ito full-time sa trabaho na once or twice lang kung magpunta doon ang dalaga para magpasa ng manuscript nito. At ayon na rin dito, Khaszey have a hard time to come up with her new novel, dahil sa hectic ang schedule nito at kabi-kabilang demand sa trabaho nito.

Marco knew that he is on the right track. After this one saka niya haharapin ang sa kanila ni Xandra. He’d forgot he doesn’t need to do that, because he knew that what he’s doing now is hitting to birds with one stone, finding Khaszey is the same with finding his one true love. Malakas talaga ang kutob niya na si Xandra at Khaszey Luis ay iisa.

“Bakit ganoon Xand?” mahahamig ang pagdaramdam sa mga tinig nito.

“Anong drama ba 'yan?” naguguluhan niyang tanong sa kaibigang si Raine. Raine was her classmate during her college days.

Nasa bahay siya ng pamilya nito nang malaman kasi ni Raine na nagleave s’ya agad siya nitong inanyayahan sa bahay nila, at hindi naman siya tumanggi sa pagpapa-unlak nito. Isa pa alam niyang makakatulong ng malaki ang pananatili niya sa bahay ng pamilya ng kaibigan. Naaalala pa niya noong madalas siyang mapunta rito at mag-over night tuwing maiisipan nilang manuod ng sine lagi niyang sinasabi sa kaibigan na kung magsusulat siya gusto n’ya sa isang tahimik na lugar malayo sa kaguluhan. Sobrang tahimik kasi sa lugar ng kaibigan niya, at sobrang simple lang ng lahat, dito malaya siyang makakapag-isip para sa bago niyang novel. At gaya pa rin nang dati tuwing nari-rito siya ay natatagpuan niya ang kapayapaang hinahanap niya.

Nang mga oras na iyon ay nakatambay sila sa kubo sa likod bahay ng mga ito.

“Kailan kaya darating ang lalaking para sa 'kin,” bakas ang labis na frustration sa mga tinig nito.

Obviously, balik na naman sila sa dramahang dalawa. Sanay na siya sa mga ka-echosan ng kaibigan. Whenever she’s in love or being fall out of love siya agad ang nilalapitan at hinihingian nito ng opinyon kahit noon pa man, minsan na-iiling na lamang siya tuwing magte-text ito, wala kasi itong pinipiling oras. At kung may isang bagay man siyang ikinatu-tuwa dito nang labis ay hindi ito nagdaramdam sa kanya kahit pa minsan ay masakit o hindi na nagiging maganda ang opinion niya kahit pa sabihing totoo naman ang sinasabi niya.

“He will come along your way on the right time at the right place, unexpectedly,” nakangiti niyang sagot sa kaibigan.

“Eh, puro naman palaka ang dumating,” nakasimangot nitong wika habang titig na titig sa kanya at iniintay ang kanyang sagot.

Hindi alam ni Xandra kung matatawa ba siya o maiinis sa tinuran ng kaibigan.

“Baka kailangan pa nila ng kiss mo para magbagong anyo sila at maging prince charming mo,” seryosong wika ni Xandra kahit pa ang nais niya ay bumunghalit nang tawa. Minsan talaga nau-uwi sa kabaliwan ang pag-uusap nilang dalawa.

“Sira ka talaga Xand, laglag kaya kita sa bangin, baka sakaling tumino ka.”

“H’wag naman, saying ang lahi ko. But kidding aside Raine, hindi mo alam kung ano ang maaaring maganap. Remember mapaglaro ang tadhana,” wika niya.

“Kagaya nang ginawang pakikipaglaro sa 'yo nito?” makahulugang tingin ang ibinigay nito sa kanya.  Hindi na lingid sa kaalaman ng kaibigan ang tungkol kay Marco, noon pa man ay alam na nito ang damdamin niya patungkol sa binata. Isa ito sa nakakaalam ng kabaliwan n’ya noon.

Naalala pa n’ya Raine was kept on telling her that she needs to forget her feelings towards him, dahil walang patutunguhan ang lahat. Na kapag pinagpatuloy pa rin niya ang pag-ibig niya rito mag-aaksaya lamang s’ya ng panahon at pagmamahal sa isang taong mukhang nakalimutan na raw na may isang Xandrang nag-e-exist sa mundo.

She had remembered one time nang sabihin pa nito sa kanya na, hindi ka matututong magmahal ng iba hanggat nakatali pa rin 'yang puso mo sa pagmamahal mo para sa kanya. How would you find someone to love kung hindi mo s’ya mabubura sa sistema mo.

“Para saan ang tingin na 'yan?” patay malisya niyang tanong sa kaibigan.

“Don’t fool me Xand, alam ko na. Ate Christine told me about it,” nakangiti nitong wika. Well ano pa nga bang magagawa n’ya wala na siyang lusot.

Minsan gusto n’ya tuloy itanong, ito ba ang lahat ng rewards niya? Ang lahat ng pabuya para sa lahat nang ginawa niyang pagsusumikap sa buhay. She had nothing to wish for, because God had already given everything to her.

My Love For You Will Never Die (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon