CHAPTER FIVE

154 5 0
                                    

Matapos maihanda ni Xandra ang lahat ng kakailanganin niyang gamit para sa buong linggo sa eskwela, dali-dali niyang hinarap ang kaniyang laptop at nagsimula sa na siya sa pagtipa ng mga letra. Nakapagtatakang dire-diretso lang sa pagdaloy ang mga ideya sa kaniyang isipan na nagnanais na humulagpos nang mga sandaling iyon.

She's on the right mood na magsulat para sa kaniyang bagong novel, and the story is about her friend's love story. Sino pa, kundi ang kaniyang best of friends na si Christine. Na-inspire kasi siya sa love story ng mga ito, kaya heto siya ngayon at ganadong-ganadong magsulat.

Mag-aala-una na nang magdisisyon siyang matulog kahit panay pa rin ang pagragasa ng ideya sa kaniyang isipan. Worth it naman ang kaniyang pagpupuyat pagkat nasa kalagitnaan na siya ng kuwento. Kahit pa nga gustong-gusto pa niyang ipagpatuloy ang ginagawa ay hindi na rin niya itinuloy. Tutal ay mahaba pa naman ang oras niya kina-umagahan, puwedeng hindi siya lumabas ng bahay upang matapos ito, na sa tantiya naman niya ay kaya niyang gawin. Isa pa, araw naman ng linggo at walang pasok. Saka next week pa naman ang plano niyang pag-uwi sa kanila kaya wala siyang problema dahil kaniyang-kaniya lang ang oras niya mamaya.

Kina-umagahan, agad niyang hinarap ang ginagawa niya, at lumipas ang maghapon na nagkakulong lang siya sa kuwarto upang tapusin ang bago niyang nobela. Hindi naman siya nabigo dahil nakisama sa kaniya ang kaniyang mga brain cells kaya hindi siya nagkaroon ng problema. Sa loob ng dalawang taon ni Xandra sa larangan ng pagsulat ng romance novel ay ngayon lang siya nakagawa ng isang piyesa nang ganoong kabilis. At masaya siya ukol sa bagay na iyon.

Agad niyang ine-email sa kanilang editor-in-chief ang natapos niyang nobela. After a couple days ay nakuha na rin agad niya ang feed back nito patungkol sa bago niyang kuwento.

Xandra is on her way home to Bulacan lulan ng kaniyang sasakyan. Hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi habang binabagtas ang daan pauwi sa bayang kinalakhan. Mababakas ang labis na kaligayahan sa kaniyang mukha. Ilang buwan na rin kasi ang nakalipas mula nang huling beses siyang mauwi sa kanila.

Bago siya umuwi sa kanila ay napagdesisyonan niyang dumaan muna sa unibersidad kung saan siya nagtapos. Matagal na rin noong huli siyang maligaw rito. Isa pa, nais niyang dalawin ang mga taong naging bahagi sa paghubog ng kaniyang kaisipan at pagkatao.

"I missed this place!" usal niya habang papasok sa entrance gate ng unibersidad.

"Ang dami na rin pa lang nagbago?" dagdag pa niya. Malaya niyang iginala ang paningin sa kabuuan ng unibersidad habang mabagal na pinapaandar ang sasakyan.

Nang marating ang sadyang gusali agad niyang ipinarada sa parking area ang kaniyang sasakyan, at nang tangkang iimbis na siya matapos bukasan ang pintuan, "Outch!" impit na sigaw ng isang lalaki. Tinamaan kasi ito ng pinto ng kaniyang sasakyan nang buksan niya ito.

"Naku, sorry po, hindi ko po sinasadya." Nagmamadali siyang bumaba ng kotse upang tingnan kung ayps lamang ba ito, kahit obvious namang hindi. Laking gulat niya nang mag-angat ito ng mukha at hindi sinasadyang maghinang ang kanilang mga mata.

She was sure about it, it was him, she misses for so long. At nang matauhan, agad siyang umiwas ng tingin dito.

Tama, hindi siya puwedeng magkamali. At lalong hindi siya dinadaya ng kaniyang paningin. It was him, the one she tried so hard to forget all of the sudden, but she failed to do so. At ngayon niya higit na napagtanto na kahit gaano nang katagal ang lumipas, hindi pa rin kumukupas ang damdamin niya para rito.

Nang mapawi ang sakit at makabawi dahil sa labis na pagkabigla ay nagsalita na rin ang binatang.

"Let?" naninigurong tanong nito habang titig na titig pa rin sa mukha niya. Let means liit. Ito na kasi ang nakasanayang tawag ng binata sa kaniya tuwing magkakasalubong sila sa hall way.

My Love For You Will Never Die (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon