CHAPTER THIRTEEN (EPILOGUE)

127 3 0
                                    

Author’s Note

Due to public insisting demand, may additional chapters na po ang MLFYWND. Take note of it chapters at hindi lang basta Epilogue, though need ko pa ng tamang timing and mood at sana hindi ko mamassacre yung story ni Xand at Marco.

Sana kahit wala na 'yong pagtingin ko para sa taong naging dahilan nang pagbuo ko ng kwento na 'to ay magkaroon pa rin ito ng magandang plot. Bahala na sa tatakbuhin nito wala nang plano plano, sulat lang nang sulat. Sana maging patok pa rin sa inyo ang mga susunod na kaganapan.

'Yong additional part nito ay para sa mga taong naniniwala sa second chance, at sa mga taong nabigyan ng second chance. Sabi nga “ang second chance ay ibinigay para itama ang pagkakamali at hindi para ulitin ang pagkakamali.”

Change of plans book 2 na lang pala, ay mali three pala kasi may una pa bago ito.. bahala na nga lang.

CHAPTER THIRTEEN (Epilogue)

Magmula nang maganap ang pagkakasundo ng mga puso ni Xandra at Marco ay wala na silang araw na sinayang pa. Lagi siyang sinusundo ng binata sa eskwelahan, at madalas rin silang kumain sa labas lalo na tuwing maluwag ang schedule ng dalaga. Malimit ding  tumambay sa apartment ni Xand si Marco na kadalasan ay hinahating gabi na ito kulang na nga lang ay doon na ito tumira, 'pagkat mukhang ayaw na nitong mawalay sa piling ng kasintahan.

“Ang tagal kong pinangarap ang ganitong tagpo Xandy, akala ko hanggang sa panaginip na lamang mabibigyang kaganapan ang lahat.”  Seryosong wika ni Marco habang masuyong sinusuklay ng kanyang mga daliri ang buhok ng dalaga na nakaunan sa kanyang mga hita.

Linggo nang araw na 'yon at kapwa walang pasok ang dalawa, nakagawian na nila na kapag weekends ay nagmo-movie marathon sila sa apartment na inuupahan ng dalaga.

Pansamantalang inalis ni Xand ang toon niya sa pinapanuod, umayos siya ng upo kapag kuwan ay matamang tinitigan deretso sa mga mata ng kasintahan.

Siya man ay ganoon ang iniisip, matagal din n’yang pinangarap ang ganitong tagpo na tulad ni Marco akala niya ay hindi na magkakatotoo.

“Anong drama mo?” seryosong tanong niya rito na noong mga sandaling iyon ay matamang nakatitig sa kanya na tila ba kinakabisa ang bawat bahagi ng kanyang mukha.

“Wala, hindi lang ako makapaniwala na magiging tayo, Let.” Sabay yuko nito at kinintalan ng halik sa may tungkil ng ilong ang nobya.

“Asus, ang dami mong alam, payakap nga sa boyfriend ko.”  sabay ambistre ng mga bisig niya sa leeg ng nobyo.

“Pa-kiss nga sa sis..…..” akmang hahalik na siya dito nang kurutin siya ng dalaga sa tagiliran.

“Ang sakit no’n Xand,” reklamo nito habang hinihimas ang kanyang tagiliran na kinurot ng dalaga.

“Masakit ba? Kulang pa yata, ito pang isa,” sabay kurot uli nito sa tagiliran ng binata.

Hindi naman maipinta ang mukha nito dahil sa nanunuot na sakit dulot ng pinong kurot ng dalaga. Nang mapawi ang sakit at tinapunan n’ya ng nanunubok na tingin ang babaing pinakatatangi niya.

My Love For You Will Never Die (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon