CHAPTER FOUR

159 6 0
                                    

"Dude, dumating na raw si kuya Franz mo," masayang pagbabalita ni Jiro sa kabilang linya.

"Yeah! I have heard about that news. Plano ko ngang doon na tumuloy after kong ma-settle lahat ng gawain dito sa office," wika niya habang masusi pa ring pinag-aaralan ang mga papeles na nasa kaniyang harapan.

"Hurry up! Nandito na kasi ako," pang-iinggit pa nito.

Si Francisco, "Franz" for short ay first cousin ni Marco, mas matanda ito ng four years kaysa sa kaniya habang two years naman ang tanda nito kay Jiro. Si Franz ang nagsilbing tagapagtanggol ng dalawa sa mga bully kids kapag hindi kaya ng powers nila ang mga batang umaaway sa kanila.

"How is he?"

"He's happily married, with a twin. Ikaw naman kasi Marco sabi ko naman sa 'yo, find a girl and settle down," pang-aasar pa nito na may halong pang-iinggit.

"Lol! Kanta 'yon, kulang na lang idagdag mo...if you want you can marry, look at me I am old, but I'm happy." Sabay tawa nito nang pagak.

"Alam mo, baliw ka talaga!" naiiling na wika ni Jiro sa kabilang linya, sabay pindot ng end botton. Ayaw na niyang pahabain pa ang diskusyon nilang magkaibigan dahil alam niyong sa kabaliwan lamang mauuwi ang lahat.

Lampas alas tres na nang matapos ni Marco ang lahat ng gawain niya kaya naman quarter to five na nang makarating siya ng Valenzuela City.

Habang lilinga-linga sa bawat kalsadang kaniyang nadaraanan papuntang bahay ng kaniyang pinsang si Francisco ay hindi niya napunang napadaan na pala siya sa isang lubak. Laking gulat niya nang makarinig ng malakas na hiyaw ng isang babae. Nang tapunan niya ito ng tingin nang huminto siya ay nakita niya itong iiling-iling at pinagmamasdan ang kaanyuan na tila ba isang basang sisiw dahil sa tilansik ng tubig mula sa nadaanang lubak ng kotse niya.

"Kapag nga naman minamalas ka" naulinlingan niyang pagsesentimiento nito.

Agad naman siyang umimbis ng sasakyan para suriin ang sitwasyon ng babaeng hindi sinasadyang matalansikan ng tubig nang mapadaan siya sa lubak.

"Naku, sorry miss! Pasensya na, hindi ko kasi napansing may lubak pala," paghingi ng despensa ni Marco. Habang pilit inaaninag ang mukha ng dalaga na natatabingan ng buhok nito, dahil sa pagkakayuko.

"Ayos lang, tutal ay pauwi na rin naman ako," wika nito nang hindi man lang nag-aangat ng tingin upang sinuhin ang lalaki. Para bang takot itong alamin kung sino ito.

"Okay ka lang ba talaga, miss?" naninigurong tanong pa ng binata.

"Kakulit! Ayo slang talaga ako. So, you don't have anything to worry about." Hindi pa rin ito nag-aangat ng tingin habang patuloy na pinupunasan ang damit na natalansikan.

Nang makakita nang tiyempo para umalis ay hindi na naisipan pang lingunin nito ang binata upang alamin kung tama ang kaniyang sapantaha. Dali-dali siyang sumakay ng trike na huminto sa harapan niya.

"Sorry miss, hindi ko talaga sadya," pahabol pa ni Marco.

"Ang weird naman ng isang iyon, ni hindi man lang ako nakuhang tapunan ng tingin?" naisatinig na lamang ni Marco habang kakamot-kamot sa batok bago tuluyang sumakay ng kotse.

Kaysa maligaw, minabuti nang magtanong-tanong ni Marco, lalo na at hindi rin niya masyadong kabisado ang lugar.

Ilang sandalin pa ay natunton na rin ni Marco ang bahay ng kaniyang pinsan.

"Kuya Franz, long time, no see," bungad ni Marco sa pinsan nito nang pagbuksan siya nito ng gate.

"Kumusta na my beloved cousin, Marcios?" nakangiting bati nito sabay yakap sa pinsan.

My Love For You Will Never Die (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon