CHAPTER TWO

221 8 0
                                    

"Kumusta, Dude!" bungad ni Marco kay Jiro pagkapasok niya sa opisina nito.

"Marco, ano'ng masamang hangin ang nagtaboy sa 'yo papunta rito?" biro naman nito sa kaniya.

"Sa katuhayan, the reason why I'm here right now in front of you is, because I really miss you." Sabay tawa niya nang malakas.

"Eiw! Dude, don't tell me, iba na ang type mo ngayon?" naniningkit ang mga matang tanong nito sa kaibigan.

"Bakit, masama na bang ma-miss ko ang best friend ko? Saka dude, you've known me so well, ni minsan ay 'di nagbago ang preference ko sa buhay, lalo na sa bagay na 'yon," nakangiting wika ni Marco sabay diretso sa upuang nasaharapan ng mesa ng kaibigan at prenteng naupo rito.

"I'm just kidding Marco, ikaw naman hindi ka na mabiro." Sabay ngiti nito.

"It's okay, Dude. By the way, when will be your wedding?" tanong niya sa seryosong anyo.

"Maybe, three to four months from now. We haven't plan about it yet," sagot nito.

"I see!" wika niya habang tumatango-tango pa bilang tanda ng pagsang-ayon sa mga sinabi ng kaibigan.

"You want some drinks?"

"No thanks."

"Maiba nga pala ako Marco, kayo pa rin ba ni Mira?" wala sa loob na usisa ni Jiro sa kaibigan.

Tila natigilan si Marco sa tinuran ng kaibigan. Muli ay naramdaman na naman niya ang pag-ahon ng galit sa kaniyang puso.

"We broke-up since last month. And I don't wanna talk about her anymore." Mababanaag ang galit sa mga mata niya nang bitawan niya ang katagang iyon.

"Why you don't wanna talk about her? What happened, Dude?" usisa pa niya kahit na umpisa pa lang ay alam na niya na hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa. Hindi lingid sa kaalaman ni Jiro na lahat ng nakakarelasyon ng kaibigan niya, pinakamatagal nang itinatagal ng pakikipagrelasyon nito ay tatlong buwan. Hindi naman niya ito masisi dahil siya man ay ganoon din dati bago pa niya makilala ang kaniyang fiancée. Ngunit ang ipinagtataka lamang niya ay kung ano ba talaga ang naging ugat ng paghihiwalay ng mga ito gayong dati ay hindi naman ito apektado sa pakikipaghiwalay sa sinomang nakakarelasyon nito. At batid niyang may nangyaring hindi maganda o hindi nito nagustuhan. Kung anoman 'yon, he really wants to know it.

"I caught her in the act. She had an intimate relationship with one of her co-officemate," paliwanag niya. Mababanaag pa rin sa mga mata niya ang labis na poot na nadarama patungkol sa ex-girlfriend.

Naisip na lang ni Jiro na marahil isa sa dahilan kaya apektado ito sa nangyari ay dahil hindi nito matanggap na naiputan siya sa ulo ng dating kasintahan, hindi dahil sa mahal niya ito, kung hindi dahil sa nasaling nito ang ego niya. Iyon ang hindi niya matanggap pagkat sanay kasi ang binatang siya ang gumagawa ng paraan para kumalas sa isang relasyon.

"So, that's means...nakikipagdate ka na ulit?"

"Out muna ko riyan, ang plano ko ngayon ay ibigay ang buong atensiyon ko sa pagma-manage ng restaurant," sagot niya.

"Ahmm.." naisatinig na lang nito bilang pagsang-ayon.

Bata pa lang ay magkaibigan na ang dalawa, magkapit-bahay kasi ang pamilya nila sa isang exclusive subdivision sa may Quezon City, at dahil hindi naman nagkakalayo ang mga edad nila ay agad silang nag-click na dalawa.They treat each other like a real sibling, and because Jiro is older than Marco by two years, he became Marco's protector from the bully kids. Nagkahiwalay lang sila ng landas nang magdesisyon ang pamilya ni Marco na manirahan sa probinsya upang doon mag-aral ng kolehiyo. Sa kabila nang paghihiwalay ng mga landas nila ay nanatili pa ring intact ang pagkakaibigan nila.

My Love For You Will Never Die (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon