FOI Bill: Pinto Tungo Sa Kaunlaran ღ

485 4 1
                                    

[A/N: Ito po ay isang EDITORIAL/EDITORYAL. Sana po magustuhan ninyo] 

:) ScotchieKiss11

--------------------

Gulo. Krimen. Malalang kaso ng korapsyon. Matumal na pag-angat ng estado. Ilan lamang ang mga ito sa mga posibleng epekto kung ang ating mga sari-sarili lamang ang ating pinakikinggan at isinasantabi ang opinion ng iba.

          Ayon kay Senador Franklin Drilon, kasalukuyang pangulo ng Senado, nakatakda ng ipasa sa Unang Kapulungan ang Freedom of Information Bill (House Bill No. 53, s. 2012) ngayong Marso 2014 na magkakaloob ng karapatan sa publiko na makahagilap ng impormasyon tungkol sa gobyerno, ngunit hindi kasali ang mga sensitibong isyu sa seguridad ng bansa. Dahil dito, karamihan sa mga mambabatas ay hindi sang-ayon sapagkat maaari itong magbunga sa pagkabunyag ng pamamalakad ng gobyerno na mas mainam para sa mga kawani na ito ilihim sa mga tao.

          Bakit kaya natatakot ang gobyerno na ipaalam sa bayan na ang kanilang ginagawa kung sumusunod naman sila sa “tuwid na daan”  ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III?

          “Ang pagkabunyag ng gobyerno sa liwanag ng pagmamasid sa publiko ay pagpatay sa bakterya at magdidisimpekta sa mga mikrobyo na naghahatid ng basura at “red tape”, pang-aabuso sa awtoridad, malawakang pagmamalabis sa tungkulin, paglabag sa batas at korapsyon”, saad ni Senador Grace Poe, isa sa mga tagapagtaguyod ng FOI Bill. Dagdag pa niya, 94 na bansa na ang nagpapatupad nito, kasama na ang Sweden- ang pinakaaunang bansang nagpasa ng ganitong batas noong 1766, Finland, Norway, Denmark at Thailand habang 53 na bansa pa ang nais magkasa nito. Natatandaang naipasa na ang FOI Bill ang dalawang beses sa 15th Congress at hindi muna napansin dahil sa ibang mga probisyon sa Malacañang.

          Dapat ay agad-agad ng simulan ang pag-implementa ng nasabing batas para wala ng maganap na samu’t saring kilos-protesta at pang-aalipustang ang hanggad lamang ay mapakinggan at mabunyag ng mga tao ang tunay na nangyayari sa gobyernong Pilipino.

          Lahat tayo ay may karapatang makialam at makaalam sa takbo ng ating pamahalaan dahil tayo ay nakatira sa isang bansang demokratiko. Maaari tayong tumutol sa lahat ng maling ating nakikita at sumang-ayon sa mga tamang gawi, ngunit dapat din nating isipin ang ating limitasyon bilang mga mamamayang Pilipino para sa ikauunlad ng ating mga sari-sarili at ng Pilipinas.

ScotchieKisse's Articles and Wisdoms :))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon