Sanaysay 3 ღ

12.5K 38 32
                                    

(Project ko po to sa Filipino last yer -- nung third year high school pa po ako. Ahihi. ^___^ Essay po yan, or sanaysay in Tagalog tungkol sa tema ng Buwan ng Wika.. Enjoy)

***

Gaano ba kahalaga ang wika sa atin at sa ating bansa? Ano ang mahalagang ambag ng Wikang Filipino sa ating pagka-Pilipino? Sa anong paraan natin maipapakita ang pagmamahal natin sa ating sariling wika? 

Maraming pinagdaanan ang ating wika. Kapag ang kasaysayan nito ay iyong mababasa, mamamangha ka sa mahabang proseso na pinagdaanan nito hanggang sa itoý makarating sa kanyang kinatatayuan ngayon. Makikilala mo rin ang mga taong naglaan ng kanilang dugo at pawis upang maipagkaloob lamang sa kanilang kapwa Pilipino ang isang wikang panlahat. Hanggang sa dumating ang araw na kanilang pinakahihintay, ang araw ng pag-ani ng kanilang mga naipundar na pagsisikap para sa ating wika. Kaysarap talagang anihin ang mga bagay na nagmula sa pagpupursigi, lalong-lalo na kapag ito ay para sa bayang tinubuan. Ang ating wika ang siyang kaluluwa ng ating bansa. Ito ang isa sa mga makapagpapatunay na tayo ay mga Pilipino. Hindi rin uunlad ang isang bansa kapag wala tayong wika. Maging ang pagkakaisa ng mga mamamayan ay hindi rin makakamtan kung walang itong wika na isa sa mga pinakamahalagang sangkap ng bansa. Karamihan sa mga bansa sa daigdig ay umaasa sa kanilang sariling wika sapagkat hindi sila makakatayo sa kanilang sariling mga paa kapag hindi tinutulungan ng wika. Katulad na lamang ng sitwasyon ng ating minamahal na bayan sa ngayon na tila nawawala na ang pagkakaisa ng bawat mamamayan dahil iba-iba ang mga wikang lumalabas sa kanilang mga bibig. May mga wikang lalawiganin rin kasi ang mga lugar na pinanggagalian ng bawat isa sa atin at ang tanging magkakaintindihan lamang ay ang mga taong naninirahan sa magkaparehong lugar. At hindi lamang iyan, kadalasang ng mga Pilipino ay sinasambaang Wikang Ingles sa halip na pagtiyagaang pag-aralan ang sariling wika. Bunga ng ating mga pinanggagawang kamalian, ang bansa natin ngayon ay nahaharap sa krisis pang-ekonomiya. Hindi natin dapat hintayin na tayo ang maging pinakamahirap na bansa sa daigdig. Marapaat lamang na tayoý kumilos upang maagapan ang sakit na kinahaharap ng ating lipunan, bansa at ng mga mamamayan. Isa sa mga hakbang na dapat nating isagawa ay ang paggamit ng atin wika sa bawat araw ng ating buhay. Kahit na magkabuhol-buhol man ito, pilitin natin ang ating mga sarili sa pagsasanay ng pagsasalita ng Wikang Filipino upang mawala ang katigasan ng ating mga dila. Pwede rin tayong sumali sa mga organisasyong naglalayong mapalawig ang ating wika. Maraming paraan sa pagpapalaganap ng ating Pambansang Wika ngunit marami ring dahilan ang mga tao sa hindi paggamit nito. Maliban sa paghihikahos sa pagbigkas ng ating wika, nahihiya rin tayo paminsan-minsan. Hindi natin dapat ikahiya ang ating sariling wika, sa halip ipagmalaki ito sa ibang tao dahil mas nakakahiya ang taong hindi marunong magsalita ng kanyang sariling wika. Kapag wala ang wika, hindi magiging matatag ang ugnayan ng bawat isa sa ating mga Pilipino dito sa ating bansa. 

          Ang pagkakaisa ng mga mamamayan ng isang bansa sa isipan at gawa ay dapat makamtan ng bawat bansa, hindi lamang rito sa Asya kundi sa buong mundo. Ang pagkakabuklod na hinahangad ay makakamtan lamang kapag ang kanilang wikang sarili ay ang ginagamit ng bawat mamamayan rito.

ScotchieKisse's Articles and Wisdoms :))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon