Sanaysay1 ღ

1.1K 6 0
                                    

(Project ko po to sa Filipino last yer -- nung third year high school pa po ako. Ahihi. ^___^ Essay po yan, or sanaysay in Tagalog tungkol sa tema ng Buwan ng Wika.. Enjoy)

“Panahon na upang magpakadalubhasa sa Filipino, ang palatandaan ng tunay na kapakipakinabang na edukasyon, dahil ito ay paraan hindi lamang nang pagtatamo at paggamit ng mga mahahalagang kaalaman kundi pagtangkilik sa pambansang pagkakaisa”. Isa lamang ito sa mga pamosong iwinika ni Renato Constantino.

Sa ating pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng ating Wikang Pambansa, noong Disyembre 30, 1937 kasabay ng anibersaryo ng kamatayan ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda, nilagdaan ni Pangulong Manuel Luis Molina Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134 na nagtatakda sa Tagalog bilang saligan ng ating Wikang Pambansa. Kung gagamitan natin ng matematika, pitumpu’t limang taon na ang nakalipas simula noong maging pambansang wika natin ang Wikang Tagalog. Sadyang mahabang panahon na ang pitumpu’t limang taon ngunit may mga kababayan pa rin tayong hirap na hirap sa pagsasalita at paggamit sa ating sariling wika. Katulad sa panahon natin ngayon, sa mga paaralan ay may asignaturang Filipino. Ito ay isa sa mga kasangkapan upang malinang at mabihasa tayo sa ating wikang kinagisnan. Itinuturo rito ang iba’t ibang aspeto na nakapaloob sa Wikang Filipino tulad na lamang ng panitikan na siyang pinag-aaralan ng mga nasa ikatlong antas ng sekundarya. Ang mga kabataan ngayon ay tuliro sapagkat mas minamahal nila ang Wikang Ingles kumpara sa ating sariling wika. Tila nabura na sa kanilang mga murang isipan na ang Ingles ay impluwensya lamang sa atin ng mga taga-Amerika nang sinakop nila ang ating bansa at ginawang kolonya. Sa mga panahon ng kanilang pananakop, naglaho sa puso ng mga Pilipino ang Wikang Filipino dahil umusbong ang Wikang Ingles sa buong kapuluan. Nang lumaon ay nakalaya tayo mula sa mga mapang-aping kamay ng mga banyaga at unti-unting naibalik ang kaluluwa ng ating bansa subalit hindi pa rin maipagkaila ang epekto ng Ingles sa kokote ng mga Pilipino. Masakit mang aminin na ang Wikang Ingles ang patuloy na sumasakop sa ating lipi. Mahihinuha natin ito sa mga aklat ng mga asignaturang “chemistry”, “physics”, “biology”, at maging sa matematika, nakasulat ang lahat ng teksto sa wikang banyaga. At kadalasan din sa mga pinagkukunan natin ng mga impormasyon ay nakasulat at nakasaad din sa Ingles dahil mas mapapadali ang trabaho o mga gawain kapag Ingles ang ginagamit na instrumento. Subalit, ang bawat salitang Ingles ay matutumbasan din pagdating sa Filipino, ang kakailanganin lamang natin ay ang matutuhan ng husto ang wikang sariling atin. Nararapat lamang na mangibabaw sa bawat puso ng mga mamamayang Pilipino ang Wikang Filipino at pwede itong simulan hindi lamang sa pagtuturo ng naturang wika sa bawat paaralan dito sa buong Pilipinas. Pwede mo ring maangkin ang inaasam-asam na damdaming nasyonalismo sa pamamagitan ng paggamit ng Wikang Filipino sa lahat ng oras at ang pagtulong-tulong sa pagtuturo nito sa mga kabataan at mga kapatid natin sa malalayong lugar nang mas mapalawig pa ang Wikang Pambansa kaysa sa wikang hiram lang. Uunlad at aangat ang bansang Pilipinas sa kahirapan kapag ang bawat Pilipino na nandirito sa ating bansa ay marunong magsalita ng ating wika kahit na may mga kani-kanilang wika silang ginagamit sa mga lalawigang kanilang tinitirhan.

          Kahit na Ingles ang mas kinahihiligan nating mga Pilipino, ang Wikang Pambansa ay hindi dapat kaligtaan. Ang Wikang Ingles ay dapat matutuhan at ang Wikang Filipino ay dapat pahalagahan sapagkat ito ay makatutulong sa atin sa larangan ng edukasyon na siyang susi sa pagkamit ng ating mga matatayog na pangarap.

ScotchieKisse's Articles and Wisdoms :))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon