+Chapter 4: Talk Detest by Death+

62 3 0
                                    

+Chapter 4: Talk Detest by Death+

"....The promise of AfterLife."

****************************************************


I was still smiling widely when he suddenly disappeared before my eyes. Biglang naglaho ang ngiti sa mukha mo at nahiga sa aking kama. Mukhang hindi niya nagustuhan.

Tanga ka talaga Felicity! Tanga, tanga, tanga!

I hit my head repeatedly with my right wrist at napapikit ng mariin! Tanga talaga!

Baka nagalit yun kase binigyan ko siya ng identity! Oo mga pala! Binigyan ko siya ng identity, that means parang in-own ko na din siya! Baka akala niya inaalalay ko siya! Kahit talaga kailan ang tanga ko, 'di ko man lang muna pinagisipan!

I was tempted to pull off the dextrose kaso, 'di naman ako si Yanis para kaya i-magic pawala ang dextrose ng hindi ako naaapektuhan. And beside, saan ko naman siya hahanapin kung tatangalin ko ang dextrose?

Bago pa lumalim ang iniisip ko ay may naramdaman akong mainit na hininga sa kaliwa kong pisnge.

"Boo."

"Ay shukoy!" Napalingon tuloy ako ng di oras at nakita ko si Yanis na ngisi-ngisi pa! Halatang naninitrip eh! At napansin ko din, ang lapit lapit namin!

"Hey." Ani niya na may malaking ngiti kaya napansin ko din ang pantay-pantay niyang ngipin. Ang aliwalas ng ngiti niya. "Are you checking me out?"

"'Di kaya!" Tanggi ko at tinulak siya palayo. "Ang hangin mo, Death, eh yung ngipin mo lang tinitignan ko!"

Mula sa malaki niyang ngiti ay bigla siyang sumimangot.

"What did you just call me?"

Ano? Tinawag ko ba siyang Yanis? Hala! Wala akong maalala! Ano ba ang ginawa kong mali at lumalabas ang pagiging asungot nito? Dahil ata sa kakatawag ko sa kanyang Yanis sa utak ko ay baka yun na 'din lumabas sa bibig ko!

"S-sabi ko Death!" Depensa ko, nagpatay malisya kahit na wala akong maalalang pagtawag sa kanya ng Yanis. "Y-yeah. Death."

Tinignan niya ako ng masama bago siya tumalikod. Ano ba ang problema ng Death na 'to?!

"I can read your mind you know." Sabi niya sa akin with a cold tone. "And you only call me that in your mind."

That? What that ang tinatawag ko sa isip ko? I gasped! 'Di kaya... Gusto niya akong tawagin siyang Yanis? I am well aware na tinatawag ko siyang Yanis sa utak ko pero ayaw kong mag-assume.

Yanis. Yanis. Yanis. I thought out loud. Nakita ko ang pagreact niya doon at napatingin siya saakin! Does he really want me to-

"Nevermind." Pagsusungit nito at tumalikod nanaman saakin.

"Yanis?" Sabi ko ng mahina. When I saw his back stiffened for a while, I smirked. "Yanis. Uy, Yanis. Bati na tayo!"

Sa wakas ay humarap na siya sa akin. Pilit niyang itinago ang ngisi niya kaya klarong-klaro ang right dimple niya. Ako tuloy ang ngumisi.

"Yanis. Lapit ka dito." At sumunod talaga siya! Parang aso lang. "Dali, upo ka dito."

Pagkaupo niya ay hinay-hinay kong hinawakan ang magkabilang pisnge niya at inestretch 'to para magmukhang ngumingiti siya.

"Ayan! Huwag mo kasing pigilan ang pagngiti!" Sabi ko sa kanya at tawang-tawa na ako sa mukha niya. Hindi naman siya promotesta at nakita ko pa nga ang mata niyang ngumingiti. That just means that he really is smiling. Unti-unti ko siyang pinakawalan and I was right.

FALLACY OF DEATH (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon