Before the Punishment

24 2 0
                                    


"Pababa na ang araw, ngunit di pa rin natin alam ang gagawin natin sa batang iyan!"

Nagkakaroon na ng argyumento sa pulong na ginagawa ng mga mamamayan ngayon sa kweba na nasa bundok ng Alti. Kasalanan ko ito. Alam kong mali, ngunit hindi ko matiis. Para naman ito sa pamilya ko.

Oo may pamilya ako. Silang dalawa na lang ang aking kayamanan na makipagmamayabang sa mundong ito. Kung hindi dahil sa kanila, malamang ay napakalungkot ko.

Silang dalawa ang aking kapatid. Ang babaeng si Modim at ang lalakeng si Cume. Hindi ko man sila kadugo, sila pa rin ang naging kasangga ko sa hirap ng buhay. Isa sila sa dahilan kung bakit ako gumagawa ng bagay na masama. Ang iba ay para sa pagprotesta. Pagpapakita sa kanila na lumalaban kami kahit napakahirap. Ito na lang kasi ang paraan ng pagpapakita ng pag-aalsa laban sa mga tulad nilang gahaman sa mga materyales.

"Mag-isip muna tayo sandali. Kasalanan rin natin ito. Hindi lang ang anak ko ang may kasalanan dito." Saad ng namumuno sa lugar namin. Siya ay si Senek. Ang matandang nagsisilbing mamumuno sa lupa ng Oblitia. Pero mas kilala sya sa tawag na "Lolo." Siya nga pala ang nagsisilbing ama ko ngayon.

Sa katapatang ipinamamalas ng aking Lolo sa lahat ng tao, ang yaman na nakukuha nya sa kanyang serbisyo ay binibigay rin nya sa mga mahihirap. Mas maayos pang mabuhay ng mahirap kasama nila kaysa mabuhay ng sagana habang nakikita ang sinasakupan mong naghihirap, ayon kay Lolo.

"Ngunit, Lolo naman. Hindi natin pwedeng hayaan na ang bayan natin ay magdusa sa pagkakamali lamang ng anak nyo. Naiintindihan namin ang bata, ngunit sana ay maintindihan mo rin kami." Paliwanag ng isa sa mamamayan na naghihirap sa bayan.

"Tama nga naman iyon. Ikaw rin dapat ang mag-isip ng maige Lolo." Dagdag ng isa. Hanggang sa nag-ingay na ang lahat at nag-saad ng kani-kanilang opinyon.

Napakaingay na ngunit wala pa ring tumitigil. Kaya umubo ng bahagya ang aking Lolo at hinampas ang mesa. Nagpakita sya ng maatawridad na muka at tumingin sa lahat ng tao.

"Magsitahimik kayong lahat! Sa unang-una pa lamang, hindi ganto ang pinalaki kong bayan. Hindi ko kayo ipinagsama-sama para magbangayan. Tandaan nyong lahat ang mga pangaral ko sa inyo. Kung ano ang problema ng isa. Iyon ang problema ng lahat. Paano natin ito matatapos kung dito pa lamang ay nag-aaway na kayo?!" Maawtaridad na pagpapaliwanag ng aking Lolo. Dito pa lang ay nakikita nila kung bakit sya ang binoto na maging isang tagapamuno ng bayan. Ito ang dahilan kung bakit ang bayan ng Oblitia ay hindi habang-buhay ay nakasalampak sa lupa.

Ang lahat ng tao ay nanahimik. Ang iba ay nagbulungan, ang iba ay napakamot na lang at napaubo. Habang ako naman ay napatawa ng kaunti. Hindi ko alam kung bakit ngunit parang may nagtutulak sakin na tumawa. Siguro dahil sa kanilang lahat na nagpupulong dahil sa akin. Kung hindi ko ginawa iyong bagay na alam kong makakasama sa lahat, siguro hindi na mahahantong sa ganto.

Lahat na ay gumawa ng paraan para sa bayan ng Oblitia. Siguro ako naman.

Tumayo ako sa malamig na bato na inuupuan ko at nagpakamatapang upang sabihin sa kanila ang gusto kong mangyari.

Nagulat naman ang Lolo ko at kitang-kita sa kanyang muka ang pagtataka.

"Lolo. Bago nyo po ako pigilin, hayaan nyo po muna ako magsalita." Pangiting sabi ko sa Lolo ko. Agad naman nya itong naunawaan at hinayaan ako sa harap ng mesa pumunta.

"Mga mamamayan ng Oblitia. Alam kong sa isip nyo pa lang ay pinapatay nyo na ako. Ngunit hayaan nyo muna akong magsalita. Alam kong hindi sapat ang paliwanag ko, ngunit alam ko namang sapat ang gagawin kong plano." Sa sinabi kong ito sa harap, nagtaka ang bawat isa sa kanila.

"Sa madaling salita, mag-isa akong ibibigay ang kwintas sa tagasingil ng buwis." Nakangiti kong saad. Labag man ito sa iba, lalong-lalo na sa aking pamilya, ngunit ito ang nararapat.

"Anak? Ano ang pinagsasabi mo? Nahihibang ka na na? Pagpapakamatay ang ginagawa mo!" Sigaw ni Lolo sa akin.

"Mag-isip po kayo ng nararapat na gawin kung gayon, meron pa po ba bukod dito sa gagawin ko? Wala na diba? Wala na po tayong magagawa pa." Humarap naman ako sa lahat ng mamamayan na nag-iisip rin sa gagawin kong plano.

"Hayaan nyo sana akong gawin ito. Dahil ito lamang ang maiaambag ko sa Bayan ng Oblitia. Kasalanan ko ang lahat, hayaan nyong ako lang ang magdusa. Ngayon, may nakalaan na regalo sa makakapagdala sakin kay Dimas. Dadalhin ako doon ng Lolo ko. Baka madamay pa kayo sa plano ko. Kilala ni Dimas ang namumuno sa bayan natin at yon ay ang Lolo ko." Dagdag paliwanag ko sa kanilang  lahat.

"Ngunit anak--" Agad ko namang pinigilan ang sasabihin nya.

"Hindi lang po sa akin umiikot ang mundo nyo. May responsibilidad kayo Lolo."

Tumulo naman ang luha nya at ngumiti sa akin. Nagpakalalaki ako sa harap nya kahit na alam kong malaki ang tsansa na ito na ang huling araw ko kasama sila.

"Ipinagmamalaki kita at ng bayan ng Oblitia. Anak." Sabi nya habang umiiyak.

"Salamat po." Saad ko naman.

"Maaari na po ba kaming umalis?" Pagtatanong ko sa kanilang lahat.

"Lahat naman sila ay kumapit sa puso. Ang bawat isa sa kanila ay nagpakita ng pagbibigay-galang. Parang sinasabi nila na isa akong bayani, nakakatuwa. Nagnakaw lang naman ako ng napakawalang-kwentang kwintas na ito.

Dumaan ako sa harapan nila habang sila naman ay gumawa ng daan habang nakahawak pa rin sa kani-kanilang puso hanggang sa makaalis na ako sa kweba.

Tahimik lang kaming naglalakad ni Lolo papuntang bayan upang daanan ang magkapatid na naglalaro pa.

" Kuya! Kuya, buti nababalik na kayo!"Sabi ni Cume na napakadungis ng damit.

"Tignan mo to. Kalalakeng tao, napakadungis!" Patawa kong sinabi. Ginantihan nya naman ako ng ngiti.

"Ang kapatid mo?" Tanong ko sa kanya?

"Ewan ko po? Kasama nyo po kanina eh. Sumunod po sa inyo."

Si Modim talaga. Napakatsismosa.

Nahanap ko sya sa bahay namin na nakatingin sa bintana. Mukang nag-iisip.

Naramdaman nya naman akong pumasok sa loob at bigla nya na lang akong niyakap.

"Diba sinabi ko na sa'yo na wag kang pupunta sa kweba? Kulit mo talaga." Sabay kurot sa pisngi nya. Ngunit wala syang pake sa ginagawa ko at unti-unting umiyak.

"Modim. Tandaan mo ito ah. Pangako babalik ang kuya mo."

"Totoo yan ah." Sabi nya habang pinupunas ang luha nya.

"Totoo." Saad ko naman.

Hindi nagtagal ang usapan namin at lumabas na ako ng bahay. Nagulat naman ako ng nakita ko ang halos lahat ng mamamayan na nagtipon-tipon sa labas. Napukaw ang aking  tingin sa punyal na dilaw.

"Binata. Alam kong mapapahamak ka. Kaya tanggapin mo sana ang handog namin. Ito lamang ang nakayanan ko. Ngunit masasabi kong napakaganda ng pagkakagawa nito." Saad ng panday namin sa bayan. Ngumiti naman ako na sumisimbolo ng pasasalamat.

"Bilisan nyo nang mag-ama at magtatakip-silim na. Maraming salamat sa iyo bata." Dagdag pa nito.

Nagsimula na kaming dalawa ni Lolo na maglakad patungong Dives. Ang lugar na kung saan ang mayayaman ay nakatira.

Sa paglalakbay na ito, hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari. Hindi ko namalayan na ako pala ang pinili. At hindi ko nakita ang napakaliwanag na ilaw.

Ako ay si Luceo. Ang direktang pinili ng Diyos ng Liwanag. Isa ako sa naging parte nya at ako ang kauna-unahang pinili nya.

Ito ang istorya na kung saan paano ako naging liwanag ng Oblitia.

The Aspect of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon