"Magnanakaw!" Sigaw ng lalaking matanda at marangal na nakasuot ng kwintas. Kitang-kita sa muka nito ang galit at nagdidilim na mga mata.Hah! Mabuti nga.
"Ha--habulin nyo ang batang yan!" Sigaw rin ng isa sa alagad na nakasakay sa karwahe ng mayaman. Mukang natatakot ito sa matandang yon.
Kumilos ang dalawa nitong kasama at hinabol ako sa palengke.
Mas maraming tao, mas madaling makawala.
Hindi ko alam kung bakit ba kasi napakamang-mang ng mga mayayaman ngayon. Ilalantad nila saamin ang kayamanan nila at ipagmamayabang. Sasabog naman ang utak kapag ninakawan.
Ito ang bayan ng Oblitia, o mas kilala sa tawag na "Ang Nakalimutang Bayan." O baka ang kinalimutang bayan.
Wala kaming nakukuhang tulong dito sa aming lugar. Aasa lamang kami sa aming sarili. Pagkain man o tubig, sa amin manggagaling ang lahat. Walang pakialam ang mamamayan ng mga matataas na bansa, dahilan sa pinahahawakan ito ng isa sa malalakas at maimpluwensyang bansa. At ang bayan na iyon ay isinusumpa kong maghihirap kagaya ng paghihirap na dinaranas ng mga tao dito.
"Ayun sya! Ambabagal nyo. Bilis!" Bigla naman akong nagulat sa sigaw ng sundalo. Kanina lang ay dalawa sila, ngayon naman ay lima! Delikado na ito. Kailangan ko silang iligaw.
Lahat ng nadadaanan kong mga tao na nakatira sa amin ay masasabi kong napakabait. Sinasadya kasi nilang harangin ang mga kawal na humahabol sa akin. Yung iba pinapatid. Sabihin nating, lahat kami ay nagtutulungan dito sa lugar na ito.
"Mga hangal. Tabi! Magsikilos kayo o ipapapatay ko kayo lahat dito sa ngalan ng aking diyos na si Ignis!" Sigaw ng matandang ninakawan ko ng kwintas.
Isa-isa namang nagsikilos ang lahat dahil sa takot. Agad naman akong tumakbo dahil delikado na sa palengke.
"Ayun sya!" Agad naman akong kumilos dahil sa sigaw ng kawal na iyon. Parami sila ng parami, kaya dumeretso ako sa eskinita na kung saan ay napakadilim. Malamang ay hindi nila ako matatagpuan dito.
"Hanapin nyo! Kailangan nating mahanap ang kwintas na yon!"
Sigaw ng matandang ninakawan ko kanina.Ang mayamang tanga na naghahabol pala sa akin ngayon ay ang tagakuha daw ng mga buwis na dapat naming bayaran. Upang maprotektahan daw ng diyos ang lugar namin. Paano ito maisasalba kung pati diyos ay kinalimutang protektahan ang bansa namin laban sa iba.
Ayoko sa kanila. Pare-pareho lang sila ng mga mayayaman, ipagmamayabang ang kani-kanilang lakas at yaman sa mga dukha na tulad namin. Ipinapakita nila ang kanilang laki sa taong maliit. Ipinamamalas nila ang kanilang lakas sa taong mahina. Ipinararamdam nila ang kanilang ginhawa sa taong nagdurusa.
Kaya sa buong buhay ko, hindi ako tatanggap ng kung anu-anong bagay na nanggagaling sa mga mayayaman, kagalang-galang man o diyos pa mismo. Dahil sa sila ang dahilan kung bakit ang bayan ng Oblitia ay kinalimutan.
Napakataas na ng araw at ipinatipon ng tagakuha ng buwis ang lahat. Siguro may sasabihin. Muka namang walang pakialam ang mga tao. Ngunit kailangan nilang pumunta kundi mapaparusahan ang hindi sumunod.
"Ipinagtipon-tipon ko kayong lahat dahil sa mahalagang anunsyo. Ako si Ditas! Ang tagasingil ng mga buwis alang-alang lang sa kapayapaan at tahimik na pamumuhay sa lugar na ito. Magpasalamat pa nga kayo dahil nakikita pa rin kayo ni Ignis! Ang diyos ng apoy!" Sabi nya sa lahat ng mga mamamayan.
Ignis. Ang diyos ng apoy. Sabi sa libro na ang mundo daw ay gawa sa apoy. Ang apoy na pinakamahalagang sangkap na tumutulong na pag-isahin ang buhay ng tao at diyos. Ang apoy ay inihantulad sa isip at kaluluwa. Kagaya ng isang normal na apoy na nagbibigay liwanag at namamatay. Sa madaling salita, si Ignis lamang ang Imortal na apoy at hindi magbabago. Kasinungalingan.
"Alam kong kilala ninyo ang batang nagnakaw ng aking napakahalagang kwintas tama ba? Kung ganon. Ako, ang kagalang-galang na si Ditas ay magbibigay parangal sa taong makahuhuli ng magnanakaw na iyon. Ngunit. Kapag hindi nyo siya nahuli simula ngayong araw, hanggang dapit-hapon, tiyak na ang mga buwis na inyong babayaran ay dodoblehin ko. Maliwanag." Dagdag ni Ditas sa lahat.
Hindi sila nakasagot. At hinayaan ang iba na maging matapang at sumagot sa harap. Ngunit wala.
"Maliwanag!?" Sigaw ng mayamang matanda.
"Opo!" Dagdag naman ng mga mamamayan.
"Simulan nyo na!"
Nagsikilos naman ang lahat habang ako naman ay nagtatago pa. Sigurado akong magkakaroon ng pagpupulong ang mga tao maya-maya dahil dito.
------------------------------------------------------
"Let's see if you can stand your first time seeing blood." Pananakot ng isang sundalo na nasa harapan ko ngayon. Ika-9 na ng umaga ngunit ito ang gumising sa akin. Dahilan lang sa nagnakaw ako ng napakawalang-kwentang kwintas ay ito na ang gagawin sakin?
Hawak-hawak ko ngayon ang punyal na gawa at bigay sa akin ng mga mamamayan ng Oblitia. Isa itong munting regalo para daw sa aking sakripisyo. Akala ba nila mamamatay ako?
"Are you not entertained everyone? This is the man who stole the necklace of my father! He stole the treasure of our family! If you're not entertained, then let me all show you!" Sigaw nya sa lahat. Bigla namang lumapit ang lalaki at hinatak ang espada nito sa kanyang kaluban.
"Let me show you how I entertain people, you thief!" Bulong nya sa akin.Matapos nito'y bigla nyang pinaapoy at itinaas ang espada at balak akong hatiin sa dalawa. Ngunit napigilan ito ng isang liwanag na bigla na lang dumiretso at tumama sa akin.
Isang liwanag na nanggaling sa itaas o araw.
Isang liwanag na nagligtas ng aking buhay. Hindi ko alam kung bakit ang uri pa nila ang gagawa ng ganong bagay.
Iniligtas ako ng isang diyos.
*****
Here's the first chapter! Paki comment na lang if may failures Ok? Don't forget to like too! Because the likes of course motivates me! Mas maraming likes, mas mabilis na update!
Anyways thank you readers! And enjoy!
BINABASA MO ANG
The Aspect of Light
FantasiaAn unimaginable place where Gods rule the Asterria, a world where humans lived. The strength of every people are based on their god that they're worshipping, belief, faith. Faith is the key to open the gates of Ethereal, the home of Gods. And the...