The Embodiment

13 1 0
                                    


Luceo

"Ikaw ang nagligtas? Sandali, sino ka ba? At nasan ako?" Bakas sa muka ko ang pagtataka nang nakita ko syang naka-abang sa pinto ng kwartong to. Hindi naman talaga ako makapaniwala na ililigtas ako ng di ko kilala, at hindi ko rin alam kung nasan na ako.

"Phetia of Dives. The headmaster of Facilius." Pagpapakilala nya sa sarili nya habang nakangiti. Headmaster?

"Nandito ka ngayon sa Facilius. Apparently nasa Dives ka pa rin, but rest assured, ligtas ka na." Dagdag pa nito.

"Hindi na ako papatayin?" Taka ko namang sabi. Bakit? Ngayon lang ako nakakita na ang isang itinuring na mahinang nilalang ay maliligtas.

"Precisely. Dahil yan sa Diyos mo, maswerte ka at napili ka agad." Pagbibigay-awa naman nito.

"Pero kahit na. Alam mong isa akong tao ng Oblitia." Pagpapaliwanag ko naman kung bakit. Dapat nga maging masaya ako dahil makakabalik na ako sa pamilya ko.

"Because you're unique. An exception, I suppose. Isa ka sa nabigyan ng contract ng Diyos, or should I say Embodiment."

"Embodiment? At ano ang espesyal sakin?" Takang tanong ko naman.

"That. Alam mo bang ikaw lang ang nakakaintindi ng Asterrian Language sa Oblitia, no offense, you read a lot of books right? at isa pa, the Light chose you, as his Embodiment. A direct contract to be exact!" Kitang-kita naman sa muka nya ang kasiyahan, parang nas masaya pa sya kaysa sakin ah. Edi kung sana sya na lang dapat ang tumanggap.

Umubo naman ito at inayos ang sarili, bumalik nanaman sa pagiging desente.

"Anyways, ano ang payo nya sa'yo?" Tanong naman nito na nagpayuko sa muka ko. Sino?

"Your god." Tipid naman nitong sabi.

Dapat ko bang sabihin? Malamang hindi. Di ko pa sya pwedeng pagkatiwalaan. Hindi pa ngayon. Siguro ang sasabihin ko lang naman ay kung paano nya ako niyaya.

"Nakipagkontrata sya sakin."

"And then?" Paghihintay nya. Parang hinihintay nya na magsabi ako ng isang salita na ikasisira ng buhay ko.

"Pag-iisipan ko pa." Sagot ko naman. Sa totoo lang, hindi pa ako sigurado sa tanong nya. Pero utang ko ang loob ko sa diyos na yon. Ngunit di ko pa rin makalimutan ang galit ko sa kanila.

"You what?! Are you stupid?!" Sigaw nya naman sakin na ikinagulat ko.

"It's okay. Tis' not the time to get angry. Chill. Pag-iisipan Phetia." Pagpapakalma nya naman sa sarili nya.

"Pero mayroon akong ibang nararamdaman eh." Dagdag ko naman na ibinaliktad ang ulo nya. Kanina galit, ngayon naman napangiti.

"Yeah, anu yon?" Tanong nya naman habang nakataas ang mga kilay.

"Anghirap ipaliwanag. Basta ramdam ko na nandito sya. Kasama ko. Simula pagdilat ng mga mata ko, hanggang sa'yo." Sagot ko ulit sa tanong nya na bigla nyang ikinatuwa at napatalon. Parang bata.

"Ikaw nga! Yes! Yes!" Sigaw nya habang nakataas ang kanang kamay nito hawak-hawak ang salamin. Hah?

"Ako ang?" Takang tanong ko.

"Embodiment. Ikaw ang napili! You're directly picked! By the god of Light!"

Hah? Bakas na bakas sa muka ko ang taka at napakamot na lang ako sa ulo dahil dito.

"Oh don't look at me like that! Tara na! Idederetso na kita sa room mo! The enthusiasm indeed!" Dagdag nya naman na ikinagulat ko.

"Sandali? Anong room?"

Huminto naman sya sa paglalakad at tinigilan ang ngiti.

"Room mo. Sa Facilius."

"Ayoko. Uuwi ako sa Oblitia." Simpleng sagot ko na nagpabago sa emosyon ng babae.

"Hoh? Alam mo bang kapag umalis ka sa infirmary at kapag nakita ka ng sundalo ay definitely sisibatin ka agad?" Seryosong saad naman nito.

"Kaya kong umalis nang hindi nakikita dito." Pagmamayabang ko naman sa sarili ko. Mukang malabo dahil kilala ang mga guwardya dito bilang walang-awa. Isa ito sa pinakamayamang lugar sa Asterria, bakit walang magbabantay dito. Kaya nga ganun kalaki ang parusa ko sa Asterria. Magnakaw, kamatayan.

"I save you to be alive kid. Tapos magpapakamatay ka?" Bakas pa rin sa babaeng ito ang pagiging seryoso pero alam kong galit na ito pero hindi pwede. Kailangan kong umuwi.

"Nasan ang punyal ko?" Tanong ko sa kanya ngunit di ito sumagot. Malamang alam nya kung nasan yun. Ngunit bakit, bakit parang alam ko kung nasan? Nararamdaman ko ang patalim. Parang konektado kami sa isa't isa.

"Ako ang kuku--"

"Sandali." Pigil nya naman sakin sa paglabas ng kwarto.

"I've got an idea." Dagdag nya naman.

Mukang naintriga naman ako. Sa totoo lang, gustong-gusto ko mag-aral. Kaso walang paaralan samin. At ang lahat ng mga natutunan ko ay kay Lolo pa, kaya kahit paano nakakaintindi ako ng mga lengwahe.

"Bibigyan namin ng financial help ang Oblitia. But kapalit non ay ang pagpasok mo sa Facilius." Saad nito. Maganda naman ang plano nya. Kaso di pa ito sapat.

"Yun lang? Sanay na kaming magutom. Ayoko." Simpleng sagot ko.

"Oh that's not it. Every summer vacation ay dun ka sa kanila magbabakasyon. Sounds good right?" Paghahatak nya naman sakin. Papayag ba ako?

"Hayaan mo munang puntahan ang pamilya ko." Simpleng sagot ko naman. Kailangan kong pumayag. Hindi ko pa kailangang mamatay. Hindi pa ngayon.

Napabukang-hininga naman si Phetia dahil siguro sa pagpayag ko.

"Alright. Bukas ay pumunta ka na sa gate ng Dives. May magsusundo sa'yo na babae. Siguro malalaman mo agad kung sino sya." Nakangiting sinabi nito. Inuga ko lang ang ulo ko.

"Isa pa, sya ay si Magna." Dagdag pa nito.

"Before you go home for now, about sa kwintas. And about sa balak na pumatay sa'yo kahapon." Saad nito na ikinagulat ko ulit.

"Kahapon?! Sandali, aalis na ako! Phetia ang punyal ko akin na!" Hingi ko naman punyal ko.

"No. Bukas kuhain mo." Simpleng sagot nito.

"It's 4o' clock in the afternoon. Run. Ako na magsasabi sa guards na wag kang pigilan." Nakangiti pa ring sinabi nito. Napakamasayahin.

Tumakbo naman ako agad at dumeretso palabas ng malaking gusali na ito. Ito pala ang Dives. Mukang sagana ang tao dito. Nagkakalat ang mga paninda at ang mga taong naglakbay pa mula sa ibang lugar makapagbenta lang ng kagamitan nya na sa kanila lang makikita. Andaming tao.

Pumasok naman sa isip ko ang Oblitia. Sana ganto rin ang lugar ko. Malapit na nilang maranasan to. Kaya tumakbo ako ng napakabilis habang nakangiti. Maraming mata ang nanlilisik sa buong katawan ko pero pake ko? Basta uuwi ako. Gagawin kong masaya ang pag-uwi ko.

Oo nga pala, mag-iisip na ako ng ipapaliwanag kay Modim kung bakit ako nahuli sa pagdating. Ipapaliwanag ko na rin kung bakit mawawala ng matagal.

The Aspect of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon