Home

7 2 0
                                    


Luceo

Sumapit ang gabi at muli akong nakaapak sa lungsod ng Oblitia. Hinatid ako ng isa sa sundalo Dives papunta dito dala-dala ang mga paunang regalo sa pagpayag ko kay Phetia. Kailangan kong gawin to. Hindi dahil sa gusto kong mag-aral, gusto ko ring pabagsakin ang Dives. At gagamitin ko ang napakasagrado nilang Facilius.

Walang nagbago. Walang makikitang damo at puro lupa lang ang nandito. Ang bahay sa harap ko ay mukang malamig dahil sa mga bato, habang ang mga bubong na gawa sa kahoy ay mukang bibigay na. Balang araw mababago ko ito. At magsisimula ako sa Dives.

Ito ang aking tahanan. Mukang walang nakatira, ngunit masasabi ko na itong isang kayamanan. Lumabas naman ang ngiti ko dahil sa makikita ko na sila muli. Ngunit kailangan kong bumalik doon di lang para sa aking pamilya, kundi para sa lahat ng nakatira sa Oblitia.

Kumatok naman ako at may lumabas na napakaliit na batang lalaki.

"Kuya? Kuya!" Biglang sigaw naman nito at niyakap ako habang umiiyak ng napakahigpit. Napakasaya na umuwi ng ganito. Ang sarap sa pakiramdam na ganito ka kamahal ng pamilya mo.

"Cume? Bakit ka umii--" Lumabas naman ang Lolo ko kasama si Modim na inaantok na at handa na sanang matulog.

"Luceo, anak ko!"

"Kuya!"

Ito lang ang sigaw na naririnig ko ngayon. Masarap makaramdam ng katahimikan ngunit kakaiba ang nararamdaman ko sa kanila kapag sinisigaw nila ang pangalan ko. Napakasaya dahil minahal nila ako kahit malapit ko na silang talikuran.

Paano ko ba sasabihin na titira ako sa Dives? Ipinalaki ako ni Lolo upang tulungan ko rin sya sa takdang araw, pero bakit ako pumayag? Sasabihin ko na lang bukas kay Phetia ang desisyon ko. Kaso, mamamatay ako. Bahala na.

Binaba ko naman ang katawan ko at tumingin sa muka ni Cume habang nakangisi.

"Umiiyak ka?

" Akala ko kasi--" Pinigilan ko naman ang bibig ng bata. Baka magkatotoo pa.

"Tigil nga. Di naman ako namatay diba? Buhay na buhay ako Cume!" Itinaas ko pa ang aking kamay para makita nya ng maayos.

"Kuya? Bumalik ka!" Narinig ko naman ang boses ni Modim at deretsong tumakbo sakin. Niyakap nya naman ako habang nakatingin sakin si Lolo.

"Diba sabi ko sayo babalik ako?" Pagsabi ko naman sa kanya na ikinangiti nito.

"Modim, gabing-gabi na. Matulog na kayong dalawa. Mag-uusap lang kami ng kuya mo." Seryosong utos nito sa dalawa na ikinalungkot ni Modim at Cume.

"Haaah?! Lolo naman eh!"

"Kuya bukas ah!" Sigaw nilang dalawa habang palakad ito sa kwarto nila.

Bukas. Bukas rin ang alis ko eh. Paano na to. Pupunta ba ako? Sa tingin ko hindi na. Pero kamatayan ang matatanggap ko.

Dumeretso kami ni Lolo sa lamesa upang makapag-usap ng maayos.

"Luceo." Alam ko na to. Kapag tinawag nya ang pangalan ko sa seryosong tono, kailangan ko nang magsalita. Alam nya na kung ano ang nangyayari kahit hindi ko pa sinasabi. Gusto nya lang na maging tapat ako.

"Lolo. Mag-aaral ako sa Facilius." Simpleng sagot ko na ikinangiti ni Lolo.

"At bukas na po yon." Dagdag ko pa.

"Sabi ko na nga ba." Sagot nya. Sabi ko na nga ba? Alam nya na ang nangyayari?

"Sandali, alam mo na agad?" Tanong ko.

"Oo. Tutal papasok ka na bukas, may kailangan kang malaman."

----------

The Aspect of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon