(The City of Oblitia at the Top)*****
Luceo
Sinangga ko ang nagbabagang apoy na espada ng anak ng Tagasingil, ngunit hindi ko matanggi na nasasaktan ang katawan ko dahil sa init. Unti-unting napapaso ang katawan ko. Delikado to.
"Resistance is futile! Pinapatagal mo lang ang buhay mo! Tanggapin mo na lang na mamamatay ka sa harap ng mga mamamayan ng Dives!" Sambit nya habang nagkikiskisan ang patalim naming dalawa.
Hinang-hina na ako sa laban. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, ngunit pilit ko pa ring lumalaban.
Tinulak nya ang espada nya papunta sakin kaya napatalsik ako at napadapa sa itim na buhangin ng istadyum. Hinang-hina na at pasong-paso na ang braso ko ngunit bakit nanginginig ang tuhod ko? Tagaktak ako ng pawis, dugo at paso dahilan sa laban, ito ang unang beses na naranasan ko ang ganitong pangyayari. Hindi ko alam na ganito pala lumaban ng deretsahan. Ngunit bakit may negatibong emosyon na bumabalot sa aking katawan? Dapat ay mag-isip ako ng maayos sa mga ganitong pangyayari ngunit may emosyon talaga na pumipigil sakin.
Kahit na nangangatog na ang tuhod ko ay pilit ko pa ring bumangon. Kailangan kong lumaban. Kailangan kong ipakita sa kanila na hindi ko hahayaan ang sarili ko na tinatapon lagi sa lupa. Lalaban pa rin ako.
"Still standing up? Idiotic. Kung humiga ka na lang dyan at magpanggap na patay na ay matatanggap ko pa, but somehow, you're different. Anyways, mamamatay ka rin naman bakit pa natin patatagalin?" Pangangasar nya sa akin. Hinawakan nya ng mahigpit ang espada nito at sumugod papunta sakin. Humiwa sya sa kanan, kaliwa, gitna hanggang sa madaplisan ang kaliwa kong braso na naging dahilan ng pagsigaw ko sa sakit at hapdi. Pilit na pinapasok ako ng init ng nagbabagang apoy na galing sa espada ng lalaki.
Napahiga nanaman ako sa lupa at huminga ng malalim para tiisin ang sakit. Kinayod ko ang itim na buhangin habang kinikiskis ang ngipin.
"Hah! Feel the burn thief! Piliin mo kasi ang babanggain mo." Pangungutya ng lalaking ito.
Tumayo ulit ako na ikinagulat ng lahat pati na ang sundalong nagbibigay parusa sakin.
"S--sa tingin mo ba.. Hindi ako lalaban? Lalaban pa rin ako hanggang sa huli kong hininga." Sabi ko sa kanilang lahat. Alam ko na rin na mamamatay na ako dito. Alam kong napakahina ko. Ni hindi ko nga magamit ng tama ang punyal na bigay sakin. Ngunit alam ko na ito na lang ang magagawa ko para sa bayan.
Ako ang magiging boses nila hanggang sa mawalan ako ng hininga.
"Hah? Hindi na nakakatuwa. Alam mo, antanga-tanga mo. Bago mo mahalin ang walang-kwenta mong bayan, mahalin mo muna ang buhay mo. Got it?" Sambit nya na nilakihan pa ang boses nito sa walang kwenta. Pintasan nya na ang lahat, wag lang ang bayan na sinilangan ko.
Hindi na ako nakapag-isip ng maayos at sumugod ako ng hinang-hina. Palapit ako ng palapit ay lalong lumalakas ang tawa ng sundalo.
Isasaksak ko na ang punyal ko na nakatutok sa puso nito ngunit hinampas nya lamang ito ng napakalakas kaya tumalsik ito at tumusok sa itim na buhangin sabay ng pagsipa nya sa aking tagiliran. Sa sobrang sakit ay napaluhod ako.
"Tsk. Tsk. Tsk. Kulit mo."
Nagdidilim na ang paningin ko sa sobrang hina. Nararamdaman ko na ang iba't-ibang sakit sa aking katawan, pisikal man o emosyon. Ganito pala ang pakiramdam ng kamatayan, kahit pasong-paso na ako, nilalamig ang buo kong katawan. Ngunit mas sinasasaktan ako ng aking isip sa kadahilanang nagsinungaling ako kay Modim na babalik ako sa Oblitia. Patawad kapatid ko, ngunit mukang malapit nang umalis si kuya sa bayan.
"Any last words?" Nakangising tanong ng sundalo. Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa buhangin.
"So wala? Okay then."
Ramdam ko ang init ng espada nya. Mas lalo nya itong pinaapoy na sa sobrang init at matutusta ka. Itinaas nya ang espada nya at ihahanda na sa pagbagsak sa aking katawan, mula sa tuktok ng ulo hanggang sa itim na buhangin. Hahatiin talaga ako ng lalaking to.
"Good bye. Nagsaya ako. Really." Dagdag nya.
Sa di mapaliwanag na dahilan ay napapikit ako. Hindi ko alam kung bakit. Parang kailangan kong gawin.
Nararamdaman ko na ang init ng apoy, ngunit bakit pinapakalma nito ang aking isipan? Hindi ko na nararamdaman ang lamig ng katawan ko dahilan sa init. Nakakapagtaka dahil parang antagal ng paghampas ng espada sa akin, at bakit wala na akong naririnig na ingay ng mga tao? Anong nangyari?
Unti-unti kong binuklat ang aking mga mata at bigla ko namang sinangga ang mga mata ko.
Wala na silang lahat. Wala na ako sa istadyum at wala na rin ang taong pumapatay sakin. Ang nakikita ko lang ngayon ay liwanag. Nakakasilaw na liwanag.
Hindi ko alam kung ano to at ano ang nangyayari, ngunit gumaan naman kahit paano ang loob ko. Siguro dahil sa nakaalis na ako sa istadyum ng Dives.
May nangyari naman na ikinagulat ko. Unti-unting lumalabas ang anino ng isang di mapaliwanag na bagay. Isa lamang syang anino, at hindi ko masyadong makita.
"Worry not. Ligtas ka dito, but wag na wag mo lang ididilat masyado ang iyong mata kundi malulusaw yan." Banta nito sakin. Sa sobrang gulo ng pangyayari ay hindi ko naiwasang magtanong.
"Sino-- Ano ka?" Gulong tanong ko.
"Hindi mo ba nahahalata? Isa akong diyos. Ako ang liwanag ng lahat. Simula araw, kandila, pagkikiskisan ng dalawang espada, lahat. Ako ang lahat." Pagpapaliwanag nito.
"Isa kang diyos?" Pag-uulit ko.
"Oo."
Niligtas ako ng isang diyos. Hah. Nakakatuwa. Sa lahat na lang ng uri ng nabubuhay dito, diyos pa ang magliligtas sakin.
Sandali lang. Ayon sa libro ng mga Diyos na binabasa ko simula pagkabata, wala akong narinig na diyos ng liwanag. Hindi ko rin narinig sa iba na nabubuhay sya. At hindi ko rin alam na may diyos pala ng liwanag.
Marami pa akong dapat malaman. Ngunit ang nakakapagtaka sa lahat. Bakit nya ako niligtas?
Habang nakatakip ang mga kamay ko sa mata, pilit kong hinarap ang anino.
"Maaari bang magtanong?"
"Oo."
"Bakit mo ako niligtas?" Sa tanong kong ito ay ramdam ko sa muka nya ang kasiyahan.
"Aspect." Simpleng sagot nito.
"Aspect?" Pagtataka kong sabi. Muka na akong bingi dahil sa paulit-ulit na pagkakasabi ko.
"Tama. Aspect. Ikaw ang napili ko. Ikaw ang magiging parte ko. Ikaw ang magiging kauna-unahang Aspect ko."
"The Aspect of Light." Dagdag nito na ikinagulat ko.
------------------------------------------------------
Ayan na po! WAHAHA! Sorry for being late, nasa luneta ako kanina. Anyways, thank you for reading and I hope na nagustuhan nyo ito. Leave a like and comment if something's bothering you.
And of course! Thank you ulit!
Dedicated this chapter to Shaurelia for being the First reader of the story. WAHAHA! Thank you! Sorry kung late but here it is. Freshly made.
BINABASA MO ANG
The Aspect of Light
FantasíaAn unimaginable place where Gods rule the Asterria, a world where humans lived. The strength of every people are based on their god that they're worshipping, belief, faith. Faith is the key to open the gates of Ethereal, the home of Gods. And the...